Chapter 61

3.3K 84 16
                                    

Mariel's POV

I see the reflection of my new self in the mirror and then I smiled.

"Hanga rin talaga ako sa angking ganda mo Keira, mala-Catriona Gray! Hindi talaga ako nagkamaling agawin sayo ang katawan mo. Bukod sa ganda na meyroon ka, may kapangyarihan ka pang taglay na malakas at isa pa nahuhumaling sayo ang aking prinsipeng si Keyster!"

Binaling ko ang tingin ko sa tulog na si Keira... I mean si Mariel na dating ako. Hello? Ako na si Keira! Opps, my bad! Hahahaha

Tinalikuran ko na siya at umalis na sa washroom, may kailangan pa akong gawin.


"Ang tagal mo naman yata sa washroom?" tanong agad sakin ni Becca. Tss, hindi pa nga ako nakakaupo eh. I hate her!

"Nagretouch pa ko, bakit ba?" sagot ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Ganda mo talaga girl!" sabi ni Ashley.

"I know right!" sagot ko sa kanya sabay flip ng hair ko. Feel na feel ko talaga ang ganda ko ngayon. Sarap pala sa feeling na kasabay mo ngayon sa iisang table ang mga malalakas na mga prinsepe at prinsesa. Feeling ko I'm the queen!

Tumayo na ako sa table dahil masyado nang hindi maganda ang tingin sakin ni Becca. Hindi maganda ito, baka makahalata siya sakin na hindi ako si Keira.

"Guys, I have to go. May gagawin pa nga pala ako!" sabi ko sa kanila. Bigla naman silang napatingin sakin.

"Where are you going?" tanong ni Keyster. Ughh, why so gwapo talaga?

"Somewhere, may kailangan lang akong gawin. So guys, see you around?" sagot ko at umalis na ako.


Becca's POV

Wow huh?! For the first time, pinagtaasan ako ng kilay ni Keira. Hindi ako makapaniwala. Parang may mali sa kanya eh, baklang 'to!

Tsaka ngayon lang siya umalis sa table namin at may gagawin daw siya. Ano naman kaya iyon?

"Aghhhhh!!!"

Bigla kaming may narinig na malakas na sigaw kaya napatingin kami sa may pinto ng cafeteria.

It's Mariel with another girl. Mukhang galit na galit siya ah?

Based sa aura niya ay galit na galit siyang papalapit samin. Anyare sa kanya?

"Where's that bitch?!" galit na sabi niya. Pati yung ibang estudyante na nandito sa cafeteria ay nakikichismis na rin.

"What are you talking about Mariel?!" sabat ni Ashley.

"Stop me Ashley! I'm not Mariel! I'm Keira!!! Where's that bitch?!" galit na sagot niya.

"Huh? Ano raw?" naguguluhang tanong ni Stacey.

"Sabi na nga ba eh, kaya pala may kakaiba kay Keira. She's not her!" wika ko. Simula kasi nung dumating siya galing washroom parang nag-iba siya bigla. Yung aura nya ay parang nagbago. Tsaka bigla nalang siyang nagtaray sakin na hindi naman niya ginagawa. Kaya pala! Si Mariel pala 'yon, bruhang 'yon!

"Wait lang guys ah? Hindi ko ma-gets kung anong nangyayari, like duh?" sabat naman ni MM. Kitang kita sa mga mata nila ang pagkalito.

"Can someone explain to us kung anong nangyayari?" wika ni Ella.

"That bitch, Mariel! She stole my body!" galit na sabi ni Keira.

"How come?" tanong ni Tammy.

"Si Mariel, kilala siya bilang mang-aagaw ng katawan dito sa Academy. Marami na siyang naagawan ng katawan pero nagagawa parin naming ibalik. Siguro si Keira ang napagdiskitahan niya dahil sa given na maganda si Keira at powerful pa!" paliwanag ni Leyoh.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon