Chapter 32

6K 160 2
                                    

MM's POV

Wednesday

"Oh MM bakit parang haggard na haggard kana agad? Umagang umaga ah?" natatawang sabi sakin ni Ella ng makita nya ako. Kakapasok ko lang kasi sa gate ng school. Saktong nakita nya agad ang haggard pero maganda paring si Ako!

"Di ko nga alam eh, pakiramdam ko sobrang init. Like duh?! Bakit kasi sobrang init dito sa bansang Sylpenia?!" inis na sagot ko sa kanya habang pinipunasan ko ng panyo ang leeg ko. Basang basa na kasi ng pawis ko. I swear, gusto kong magbakasyon sa Antartica. Ngayon na, agad agad. Ang init eh!

Paano ba naman umagang umaga pero banas na banas na agad ako. Pati pawis ko tumutulo na. Partida naka-aircon pa ako sa kotse ko kanina. Hindi ko nga alam kung bakit eh, kahit alam ko namang summer na ngayon pero hindi naman ako ganito kapag summer. Like duh?! Whaaa! Sobrang init! Funyeta!

"Ganon na ba ko talaga ka-hot kaya pati ikaw pinagpapawisan na? Hahaha" nagyayabang na sabi ni Ella sakin kaya napataas agad ang kilay ko.

I folded my arms over my chest. "Ella! Wag kang magbiro ng ganyan, kabahan ka naman!" sarcastic kong sagot sa kanya.

Parang bumalik na ulit si Ella sa dati, naging maingay na sya ulit. Nitong mga nakaraang araw kasi parang bigla nalang siyang nag-iba. Minsan pumapasok siya na may mga paso sya sa katawan. Sabi niya nag-bake lang daw siya tapos napaso raw sya sa oven. Ang tanga nya! Hahaha. Ewan ko ba kung anong kagagahan ang pinaggagagawa nang bruhang 'yan!

And Stacey as well, parang may kakaiba na rin sa kanya. Naging tahimik na sya. Palaging tulala or parang may malalim na iniisip. Alam ko namang nagbreak na sila ng jowa nya pero alam kong hindi lang naman 'yon ang rason kung bakit siya nagkakakaganon. Parang may itinatago sya sa amin. Palagi kasi siyang umiiwas tapos akala mo parang may papatay sa kanya kasi palagi siyang nagmamasid sa paligid. Hayy!

Pati yung tatlo na sina Miya, Angel at Fanny. Samantalang last week okay pa naman sila pero ngayon madalang na namin sila makita. Hindi na rin sila pumupunta sa hideout namin. Parang masyado silang busy sa mga buhay nila. Ako lang yata ang masaya at walang problema eh? Hahaha. Hayy, ewan ko sa kanila. Basta ako maganda parin. Wews! Hahaha.

"Hay nako! Halika nga 'don sa washroom, mag retouch ka muna. Para kang batang pakalat kalat sa squater area sa itsura mong 'yan!" sabi ni Ella.

"Mabuti pa nga, nanlalagkit na ako!" sagot ko sa kanya tapos mabilis na kaming naglakad papunta sa girls room.

"Oh Bes, lipstick?" sabi ni Ella tapos inabot sakin yung lipstick nya.

"Yuck! Ipapagamit mo sakin yang lipstick mo? You're so kadiri. Like duh?!" maarte kong sabi sa kanya. Ang panget kaya ng lipstick nya kulay violet and I don't like it.

"Ang arte mo. Sampalin kita d'yan eh!" sagot nya sakin.

"Hoy Ella alam mo namang light color lang yung gusto kong lipstick di'ba? Gagaya mo pa ko sayong mukhang pokpok! Pwe" natatawang sabi ko sa kanya.

"Gaga ka! Umayon ka kasi sa uso ngayon. Palibhasa taong erectus ka!" sagot nya sakin habang naglalagay sya ng make up. I rolled my eyes to her.

"Feeling ko di kakapit ang make up sakin ngayon. Sobrang oily ng face ko. Like duh?" sabi ko. Basang basa parin kasi ako ng pawis. Kada punas ko maya maya ng kaunti tutulo na naman.

Napatigil sya sa paglalagay ng make up nya at tumingin sakin. "Hayaan mo na, sasabihin ko kay Tita Bianca na ipa-aircon na itong buong campus. Nakakaawa ka nang tingnan eh. Look at you MM, you look so-- you know, yuck!" maarte niyang sabi sakin. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon