Miya's POV
Saturday
Dahil sabado ngayon at walang pasok ay naisipan kong pumunta ngayon sa bahay ng Lola ko. Medyo malayo iyon dahil sa Promerus Province 'yon. Matagal tagal na rin kasi nung huli akong bumisita 'don kay Lola.
Bago pumunta ay naisipan ko munang bumili ng ilang pasalubong para kay Lola at sa ibang pinsan ko na nandoon.
"Miss bayad po!" sabi ko 'don sa tindera ng prutas matapos kong iabot yung one thousand peso bill.
"Ateng ganda, wala ka po bang barya?" tanong sakin nung tindera.
"Tutal sinabihan mo naman ako ng GANDA ay dagdagan mo nalang ng ilang prutas yung binili ko tapos keep the change nalang." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Ay nako Ateng Ganda! Hindi na po, nakakahiya naman sa inyo. Hehe" nahihiyang sabi nung tindera. Medyo bata pa yung tindera na parang kasing edad ko lang. Siguro mga 15 or 16 years old lang din sya.
"Hayaan mo na, hindi ba't masamang tanggihan ang grasya?" sagot ko sa kanya. Aba! Aayaw pa ba sya? Ang dami pa kayang sukli!
"Sige na nga po, sandali lang at dadagdagan ko iyong binili nyo!" sagot nya at napakamot sa ulo. Nginitian ko lang siya.
"Ate Ganda balik po ulit kayo ah? Salamat ulit!" sabi nya. Siya narin mismo ang naglagay ng mga prutas na pinamili ko sa kotse ko.
"Sige, salamat!" sabi ko bago tuluyang umalis.
Patuloy lang ako sa pagda-drive papuntang Promerus Province. Medyo liblib na rin itong dinadaanan ko. Maraming puno at wala masyadong dumadaang sasakyan. Ganito talaga kapag mga probinsya. Medyo malayo na sa kabihasnan ng Lasmenia.
Well, medyo sanay naman ako sa probinsya dahil madalas akong magbakasyon dito dati nung bata pa lamang ako.
By the way kilala nyo na ba ako?
Syempre hindi pa! Hahaha. Ako nga pala si Miya Glace Greymfol. Ako ay kilala bilang gangster. Kasali ako sa grupong Spear Thunders dati pero ngayon ay miyembro na ng Malefic Thunders. Galing ako sa isang mayamang angkan.
Nagsimula akong pumatay or let's say natuto akong pumatay dahil pinatay ng mga Black Orphians ang Mommy ko. Black Orphians ay isang black mafia organization na pinamumunuan ni Alfred Johnsons. Laking tuwa ko na nga ng mabalitaan kong patay na siya. Nakakapanghinayang lang dahil hindi ako ang tumapos sa buhay niya!
Siguro naman ay sapat na iyang information na ibinigay ko tungkol sakin? Kung hindi ay tanungin nyo nalang si Author dahil siya ang lubos na nakakakilala sakin. Hahahaha.
Balik tayo sa pag-dadrive ko. Nakakapagtaka lang dahil parang bumagal ang takbo ng kotse ko.
"Ugh! Anyare?" inis kong tanong dahil biglang tumigil ang sasakyan ko. Agad akong lumabas ng sasakyan ko para tingnan kung anong problema.
"Ugh! Bakit ngayon pa? Wala naman akong alam sa pag-aayos nito." inis kong sabi sa sarili ko.
Mukhang wala namang mahihingan ng tulong dito dahil medyo liblib na ang lugar na ito. Try ko kayang mag-antay ng daraan na sasakyan?
After 30 minutes...
Halos kalahating oras na akong nag-aantay dito pero wala man lang dumaang sasakyan. WTF!
Nangangalay na rin ako sa pagtayo dito kanina pa. Hello? Halos 30 minutes na akong nakasandal dito sa sasakyan ko.
Biglang nagliwanag ang araw ko nang may makita akong naglalakad na isang lalaki. Malayo pa lamang ay natatanaw ko na ang kalakihan ng katawan nito. May mahaba at parang kulot na buhok. Hindi ako sigurado dahil medyo malayo nga pero 'yon ang sa tingin ko.
BINABASA MO ANG
Magicus Academy: The Legend of the Elemental Gangster
FantasyShe is powerful. She is no ordinary. And most of all, she is a gangster. Meet Keira Bria Cantrell, isang babaeng palaban at walang inuurungan. Simula bata palang siya ay alam na niyang may kakaiba sa pagkatao niya pero nagbago ang kanyang buhay magm...