Prologue

25.1K 560 9
                                    

Maganda, dyosa, mayaman, mataray, isnabera, maldita, malakas, hindi ordinaryong babae, walang kinakatakutan, kilala ng lahat, at higit sa lahat isang gangster.

Oo, tama kayo ng pagbasa ng description tungkol sa akin. Hindi lang ako basta gangster dahil ako ay anak ng Mafia Leader. Oo, galing ako sa pamilya ng Mafia. Marunong ako gumamit ng mga iba't-ibang uri ng armas, marami na rin akong buhay na kinitil kaya marami ang takot sa akin. Ang mga magulang ko ay ordinaryong tao lamang sa pagkakaalam ko at sila lamang ang nakakaalam ng tungkol sa pagkatao ko, tungkol sa kapangyarihan na meron ako. Alam kong hindi sila ang totoo kong mga magulang dahil inampon lang nila ako noong sanggol pa lang daw ako. Hindi nila alam kung saan ako nanggaling dahil nakita lang nila ako sa isang gubat nung oras na tumakas sila Mom and Dad sa isang labanan ng Mafia, kwento nila sa akin. Pinalaki nila akong parang tunay nilang anak. Hindi alam ng iba na ampon lang ako, ang alam nila ay isa talaga akong Cantrell.

Alam nang lahat kung sino ako lalo na school na pinapasukan ko pero mayroon pa silang hindi alam tungkol sakin, na ako lamang ang maaaring makaakalam at ang mga kinikilala kong mga magulang. Mayroon akong powers na hindi ordinaryo at hindi paniniwalaan ng iba. Hello? Sa panahon ngayon sino pa ba ang maniniwala sa mga magic powers? Sa panahon ngayon ang magic powers ay pawang kathang isip na lamang. Panigurado kung sasabihin ko man, pagtatawanan lang nila ako. Pero ako, naniniwala ako sa magic, dahil isa ako sa meron nito.

And I, Keira Bria Cantrell, the legend of the elemental gangster.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon