Chapter 17

10.3K 283 23
                                    

Ella's POV

"Any update? May balita na ba kayo tungkol sa pagkawala nila Keira?" tanong ko ng makasalubong ko sila Fanny, Angel at Miya. Pupunta sana akong washroom para mag-retouch. Ang aga aga nai-stress ang ganda ko. You know, ang dami kong iniisip!

Nagkibit balikat lang silang tatlo. "Wala parin eh, kayo ba may update na ba kayo?" tanong ni Miya. Nagkibit balikat lang din kami. Wala parin kaming update.

"Nasaan na kaya sila?" tanong ni Fanny. Ibig sabihin wala parin silang alam tungkol sa biglang pagkawala nila. Hayys.

It's been 4 days since biglang nawala sila Keira, Becca at Layla. Nabalitaan ko rin na nawala yung kambal na sila Carley at Audrey. Sila lang naman ang huling magkakasama. Wala man lang bakas ng pagkawala nila, ni anino nila ay hindi namin nakikita. Basta isang araw na lang, hindi pumasok si Keira pati si Layla at Becca. Ang iniisip lang namin ay baka may importanteng ginagawa sila kaya absent pero apat na araw na ang nakakalipas hindi parin sila nagpapakita. Saan kaya sila nagpunta?

Actually, simula nung dumating dito sa school si Becca parang may nagbago. Hindi ko lang maisip kung ano pero may nagbago talaga.

Hindi naman sila nagpaalam samin na aalis sila. Nakakapagtaka lang dahil hindi aware ang parents nila na nawawala sila. Baka may alam sila tungkol 'don? Pero ilan beses na namin silang tinanong about sa pagkawala nila pero iwas sila sa pagsagot. Pakiramdam ko tuloy ay may tinatago sila samin kung bakit biglang nawala sila. I think alam nila kung saang lupalop nagpunta sila Keira.

Marami na rin ang nagtataka kung bakit hindi nila nakikita sila Keira. Usap-usapin na rin sa buong school ang pagkawala nila. Ang dami talagang chismosa!

Sabagay, ang mundo ay parang isang malaking Zoo. Bakit? Kasi may mga hayop, kaibigang ahas, echoserang daga, chismosang palaka at mukha mong talangka! Hahaha.

"Walang paring nakakaalam kung nasaan sila. Nami-miss ko na sila. Keira saan ba kayo nagpunta? Di man lang kayo nagpaalam samin!" sabi ni MM na parang kinakausap ang hangin. Kahit ako ay nami-miss ko narin sila.

Simula nung nawala sila, kaming anim nalang lagi ang magkakasama. Ako na saksakan ng ganda, ang baliw na si MM, si Stacey na maarte, si Fanny, Miya at si Angel. Medyo nagiging close narin namin sila Fanny, Miya at Angel. Okay naman sila dahil masaya rin naman silang kasama pero may kulang parin. Iba parin pag kumpleto kami, mas masaya kung walang kulang.

Sana magpakita na kayo, ang hirap pag wala kayo.

Anyway, nagpaplano na kaming bumuo ng bagong gangster group if ever na hindi parin magpakita samin sila Keira. Naisip naming pagsamahin ang group name namin na Malefic Slayers at Spear Thunders. So we have Malefic Thunders. If ever lang naman na hindi na talaga magpakita samin sila Keira. Hayys, sana bumalik na kayo.


Keira's POV

Naglalakad palang ako sa hallway papuntang room ko pero ang dami nang nagchichismisan tungkol sakin. Agaw atensyon na naman ako. Ang hirap talaga pag maganda ka!

"Sya di'ba yung Keira?"
"Oo sya 'yon! In fairness maganda."
"Oo nga friend, ang ganda nya!"
"Talbog na naman tayo!"
"Ang lakas nya pa kamo, you know!"
"Kaya nga friend eh, kaloka!"

Ilan lang 'yan sa mga narinig ko. Kung makapagkwentuhan akala naman nila hindi ko maririnig. Pasalamat sila dahil puro positive comments 'yon. Nako kung hindi, ay no comment na lang ako! Bakit kasi ang ganda ko masyado? Tss.

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon