Chapter 28

6.5K 161 1
                                    

Stacey's POV

Nakahiga lang ako sa kama ko at paikot ikot na parang hindi mapakali. Ewan ko, hindi pa kasi nagte-text at tumatawag si Adam.

Kilala nyo na ba si Adam?

Syempre hindi pa! Hindi ko naman kasi kinukwento kahit kanino ang tungkol sa kanya eh. Tsk.

By the way, si Adam Luke Lakeshade ang boyfriend ko. Yup, may boyfriend ako! Anong akala nyo sakin walang boyfriend katulad nyo?! Ang ganda ko kaya. By the way, wag niyong ikukwento kila Ella at MM ah? Sekreto lang natin ito!

Oo nga pala, speaking of Ella. This past few days palagi nalang siyang nawawala bigla tapos parang may kakaiba sa kanya. Parang palagi siyang may hinahanap tapos palagi siyang palingon lingon sa paligid. Hindi ko maipaliwanag pero may iba talaga sa kanya eh. Sabi pa nga ni Tita Elsy yung Mommy nya hindi raw umuwi si Ella nung gabing nag-inom kami sa bar nila. Iyon pala naaksidente sya, nawala rin yung pinakaiingatan niyang sasakyan. Pero nakakapagtaka lang wala man lang siyang bahid ng sugat o galos kung naaksidente nga sya. Simula nun parang bigla siyang nagbago pero anyway ganun parin naman sya makitungo samin nila MM, Miya, Angel and Fanny. Siguro stress lang sya sa company nila. Tine-train na kasi sya ni Tito William, yung daddy nya. Well, naikwento ko lang sa inyo kasi alam kong chismosa kayo!

It's been three days since the last time na tumawag si Adam. Hindi rin sya nagte-text sakin. Wala naman akong alam na may problema kaming dalawa. I tried na puntahan siya sa bahay nila pero palagi nalang siyang wala 'don. Basta everytime na pupunta ako 'don laging sinasabi ng maids nila na wala raw si Adam. Feeling ko nga pinagtataguan nya ako eh. Well, feeling ko lang naman.

*ting!*

Bigla akong napabangon sa kama ko nang marinig kong tumunog ang phone ko. May nag-text! Agad kong kinuha ang phone ko na nakapatong sa study table ko. Baka si Adam na ito. Nakaka-excite! Haha.

Pagbukas ko ng phone ko ay 8080 lang pala ang nagtext! Funyeta! Akala ko pa naman si Adam na. Bwiset, nag-expired na raw yung load ko!

Sayang yung load ko, nag-load lang naman ako dahil kay Adam kaso nag-expire na lahat lahat wala parin siyang paramdam! Kaloka! Ano kayang nangyari sa kanya?

Muli akong napahiga sa malambot kong kama at napabuntong hininga. Pinagmasdan ko yung wallpaper ng phone ko. Picture naming dalawa ni Adam nung palihim kaming nagpunta sa isang amusement park. Sobrang saya naming dalawa dito pareho tapos nakayakap pa sya sakin habang naka-kiss naman ako sa cheeks nya.

I miss that day. I miss Adam so much! Ano bang nangyari sa kanya at hindi man lang sya nagpaparamdam sakin? Dati naman halos araw araw lagi siyang tumatawag sakin tapos kahit papaano nagkikita naman kami once a day. Hindi ko na rin sya nakikita sa school kahit isang beses simula nung hindi na sya sakin nagparamdam. I don't have any idea kung ano talagang nangyayari sa kanya. Kung may problema ba sya or what!

"Ouch!" sabi ko ng bigla kong nabitawan yung phone ko at bumagsak sa ilong ko. Ang sakit nun ah parang ang bigat ng pagkakabagsak ng phone ko sa mukha ko. Hype eh!

*ting!*

Bigla akong napabalikwas ng tayo ng muling tumunog ang phone ko. Agad kong binuksan ang phone ko para malaman kung sino ang nag-text. Napangiti ako ng malapad ng makita ko sa screen ng phone ko ang pangalan ni Adam.

From: Adam
-Meet me, dito parin sa dati. Nandidito ako, aantayin kita.

Agad akong napatayo sa kama ko ng mabasa ko ang text ni Adam. Gusto niyang magkita kami 'don parin sa dati naming tagpuan. Sa may park ng subdivision namin!

Magicus Academy: The Legend of the Elemental GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon