Jia's POV
Naglalakad ako papuntang library to look for the genres I like for a book. Napadaan ako sa garden na malapit lang naman doon. Nakita ko syang nakaupo doon at may nakalagay na earphone sa magkabila nitong tenga. Nakapikit ang kanyang singkit na mga mata, na parang dinaramdam ang kantang kanyang pinakikinggan at ang ihip ng hangin. Nakasandal ang kanyang likod sa malapad na katawan ng matanda ng puno ng acacia. Habang ang kanyang buhok ay hinahangin ng malamig na ihip ng hangin. Nagpatuloy ako sa paglalakad ko patungong library. Agad akong kumuha ng mga libro na kakailanganin ko at gusto kong basahin pampalipas oras. At pagkatapos ay agad ko itong pinaimprint sa librarian doon.
"O ang dami mo nanamang kinuha iha. Matatapos mo ba ang lahat ng yan sa isang linggo lang?"
"Di ka na nasanay dyan Miss Ramos. Ayy oo nga pala Jia, pwede mo na bang ibalik yung ibang librong hiniram mo last week?"
"Tapos ko na rin naman yun, nakalimutan ko lang na dalhin. I'll get it back tomorrow morning." Sabi ko at kinuha na ang lahat ng librong hihiramin ko. Mga 12 din yun. Lumabas na ako nang biglang umulan ng pagkalakas-lakas. Napatingala naman ako at nakita ko ang napakamakulimlim na kalangitan. Mukhang malakas at matagal pa ito bago tumila. Agad kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang number ng kambal ko na si Deanna. Nakakailan ding ring bago nya ito sagutin.
("O Julz?")
"Where are you?"
("May pinuntahan lang ako. Bakit?")
"Did you use the car?"
("Nope, why? Umuulan ngayon ha? Pauwi ka na ba?")
"Oo, pero panu ka?"
("I'll take a cab.")
"Dun pa rin ba nakalagay ang susi?"
("Nope! Nilagay ko yun sa bag mo, before ako umalis.")
"Okay, hahanapin ko na lang sa bag ko. Who's with you?"
("Is it really necessary for you to know?")
"Syempre."
("Somebody you know.")
"Umayos ka Deanna ha? Wag ko lang malaman-laman na...."
("Na ano? Na nakipagkita nanaman ako sakanila? Baka ikaw nga eh..") hindi ko na sya pintapos. She will brag about it again kung di ko pa sya pipigilan.
"Na naglalakwatsa ka nanaman at may ginawa kang kalokohan. Malalagot ka sakin."
("Hoy Julia, para kang si Mommy magsalita dyan. Wag kang mag-alala, may sinamahan lang akong kakilala. Di nya daw kasi alam ang lugar na yun. Lost of direction pa naman yun.")
"Haay naku, umuwi ka agad. Mukhang masama talaga ang panahon ngayon at baka di basta basta ito titila, ayokong gabihin ka. O di kaya, tawagan mo nalang ako kung sakali nang masundo kita.."
("Ayan ka nanaman sa pagiging protective mo. Hindi na ako bata para sunduin no? Tandaan mo, parehong araw at taon lang tayong pinanganak.")
"Kaya nga kambal di ba? Pero tandaan mo, mas nauna akong ilabas kaya mas may karapatan akong maging protective sayo."
("Nauna ka lang ng ilang minuto eh.")
"Heh! Kahit na. manahimik ka na. pinapahaba mo ang usapan eh. Sige na. tumawag ka nalang mamaya, mag-iingat ka." And I hang up. Haayy, panu ba to? Lumapit ako sa isang guard doon.
"Manong, pwede ko po bang iwan muna ito dito? Kukunin ko lang po kasi yung kotse ko sa parking lot."
"Sige iha, eto gamitin mo na rin itong payong nang hindi ka gaanong mabasa. Mahirap na ang magkasakit sa ganitong panahon."
"Salamat po kuya. Babalik din po ako kaagad." Sabi ko at agad na naglakad patungong parking lot. Dahil madadaanan naman yung garden ay nakita kong nandun parin sya sa may puno, pero this time ay nakatayo na ito at halatang hinihintay nito ang pagtila ng ulan. Malapit na din naman ang parking lot kaya lumapit nalang ako sa kinaroroonan nya at pinayungan sya. Nagtaka naman sya.
"Mukhang mas kakailanganin mo eh, kunin mo na." I said. Para namang nagdadalawang isip pa sya kung kukunin nya ba o hindi kaya ang ginawa ko ay hinawakan ang kamay nya na nagpabilis ng pagpintig ng puso ko at agad na nilagay doon ang payong. Agad naman akong tumalikod at naglakad palayo nang bigla syang nagsalita.
"Maraming salamat, Miss Morado.." mahina pero sapat na upang marinig ko.
"Walang anuman Madeliene." Sabi ko at nagpatuloy ako sa pagtakbo patungong parking lot. Papalitan ko nalang siguro yung payong ni manong.
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fanfictionmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...