MAE's POV
After ng pag-uusap namin ni Sarah ay nagsimula na kaming maging okay minsan ay kumakain kami sa labas at namamasyal. Nung una medyo akward pa kami sa isa't-isa pero after naman nun ay parang unti-unti naring bumabalik yung closeness naming dalawa. At naging at ease na kaming dalawa. Gumaan yung feeling ko doon. Marami kaming napag-usapang mga bagay-bagay llike reminiscing the past and after what happened. Medyo nagiging aware narin kami sa maseselang bagay na pwedeng makasira ulit samin, and I might say I love having Sarah back to my life...
"Nga pala mae, aalis kasi ako the day after tomorrow..."
"What?!"
"May aasikasuhin lang kasi aking mahalagang bagay sa Japan at medyo matagalan bago ako makabalik ulit."
"Ang bilis naman ata?"
"Oo nga eh, nakaplan na kasi at nakakuha na ako ng ticket bago pa man ako nakauwi dito. Hindi ko rin kasing inakalang mangyayari ang mga bagay na to, na magkakaayos tayo..."
Parang nalungkot naman ako sa sinabi niya, kung kelan okay na kami, tsaka naman sya mag papaalam.
"Hoy Mae!"
"O?"
"Wag mo ngang gawin yung mukhang yan."
Ano bang masama sa mukha ko?
"It's making me guilty kasi. Mabilis lang naman, tsaka babalik rin naman agad ako pagnatapos ko na yung pinapagawa sakin ni Dad."
"Talaga bang hindi kita mapipigilan? Kakaayos panga lang natin tapos ganito pa..."
"Ano ka ba? Mabilis lang naman tsaka when we have time naman we can actually communicate w/ each other naman. And I'm sure di mo naman ako masyadong mamimiss eh, you have someone that I know paglalaanan mo ng oras at atensyon mo, someone I know na alam kong makakatulong sa pagbabati natin, isang taong alam kong minamahal mo na ngayon."
Nagugulat ako sa naging reaksyon ko. How did she know?
"Sino naman yang pinagsasabi mo?" pagmamaang-maangan ko.
"Sus! Wag kang magmamaang maangan dyan. Kita sa mga mata mo kung panu mo tingnan si Ella, I can see there the love and affection you have to her." Hindi naman ako umimik. Am I that too obvious for her?
"Bakit di mo ligawan?"
"I want to, pero naduduwag pa ako."
"Natatakot ka bang mareject ka ulit?" nag-aalangan nyang tanong. Tumango lang ako.
"Hindi kita masisisi Mae, I know you are still afraid."
"Pero tingin mob a may pag-asa para saming dalawa?"
"Yun ang hindi ko alam. Mahirap basahin ang nasa utak ni Ella eh. You can't tell of whatever is running into her mind."
"Yun din ang isa sa mga bagay na gusto munang masigurado. Minsan kasi binibigyan nya ako ng mixed signals na hindi ko alam kung sinasadya nya o hindi."
"Why don't you confess para matapos na ang lahat. Maybe through that ay malalaman moa ng kasagutan sa mga tanong mo."
"Maybe some time. Just not now." Tumango naman sya.
"By the way, gusto ko sanang imbitahin mo siya bukas para naman makapag thankyou ako sa kanya. At para mapalakas kita sa kanya." Sabi nya sabay kindat pa sakin. Napailing nalang ako.
Kasalukuyan akong nasa bahay ko kasama ko sina Cepta, ang dalawang bata at si Sarah. Dito nalang naming naisipan na iheld ang maliit na salo-salo para kay Ella at Amy
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fanfictionmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...
