"San tayo pupunta?" tanong ni Fille sakin.
"Iuuwi na kita. Yun ang dapat kong ginawa mula pa kanina, hindi sana umabot pa sa ganito ang nangyari." may himig ng pagsisi kong sabi sakanya. Hindi ka na sana napahamak pa. gusto kong idugtong pero pinigilan ko nalang.
"Wala kang kasalanan Gretch." Mahinang sambit nito tama lang para marinig ko. Hindi naman ako umimik.
"I don't want to go home." Maya-maya ay bigla nyang sabi.
"Hindi pwede. Kailangan mo ng umuwi, yun ang pinag...."
"Hindi nya hawak ang buhay ko at lalong lalo na hindi ako aso para maging sunod sunuran nya! Alam ko ang ginagawa ko... at pakiusap ko sayo, ayoko ko pang umuwi muna." May sakit akong nadama sa mga salitang binitawan nya.
"Pero..."
"Kung ayaw mo akong tulungan, then please just stop the car."
"Naloloka ka na ba?! Gusto mo bang maulit ulit ang mga nangyari sayo?"
"I said stop the g*dd*mn car!" galit na sigaw nya. This is the second time na nakita ko syang galit na galit sakin. The first one was the time na nahospital na ako dahil sa mga natamo kong injury dahil sa nadawit ako sa trouble dahil lang natalo ko sa isang match yung walang kwentang kapatid ng isa sa gang. She was frustrated that time at halos di nya na ako puntahan sa hospital dahil sa kalagayan ko. She was so mad at me that time because she was so afraid that I might die of my foolishness at maiwan ko sya. how ironic, dahil sya mismo ang nang iwan sakin at pumatay sakin sa panahon na kailangan ko sya.
I sighed. Sweet old memories that brought pain to me in the end.
"Fine. Hindi na muna kita iuuwi sainyo. San mo ba gustong pumunta? Yung pwede mong palipasan ng oras... ng ligtas?"
"I-I don't know. I just don't want to go home yet." Mahinang sagot nya. San ko naman sya pwedeng dalhin? Marami akong pwedeng papilian katulad nalang sa HQ, pero di ko rin maaatim na iwan sya dun sa pangangalaga ng tatlo dahil paniguradong maiilang lang sya dun sa dami ng babae ng tatlong yun.
Kung sa bahay naman, okay din naman but i know Dad is already at home at ayokong may ibang isipin nanaman si Dad tungkol samin and hindi na din ako makakaalis pa dahil for sure he will not like to leave Fille alone. Besides... Dad still doesn't know na wala na kami at ayoko ring isipin ni Fille na di pa ako move on sakanya.
Kung kila Gervacio naman, baka magtaka ito na magkasama kami ni Fille at di ko rin alam kung nasa bahay ba ito o na kila Nacachi pa.
Kung sa condo ko naman. Di ko pa nalinis yun at baka magreklamo at talakan nya nanaman ako. Since the day na nakipagbreak sya sakin ay doon ako naglagi noon at halos baliktarin ko na ang condo ko dahil sa galit at sakit na naramdaman ko noon dahil kahit saan ako tumingin ay sya ang nakikita ko. It was our love nest but things changed because of what happened and I left it untouched.
"Tsss. Bahala na nga." Sabi ko at agad na inapakan ang gas ng kotse para mabilis na makarating doon lalo na medyo malayo-layo din yun. Pagdating namin ay agad kaming pinapasok ng guard at agad kong inalis ang seatbelt ko at lalabas na sana pero agad nya akong pinigilan. Agad ko syang tiningnan at nakita ko ang pagtataka na nakarehistro sakanyang mukha.
"W-why are we here?"
"Sabi mo di ba ayaw mong umuwi muna, tinanong kita kung may gusto kang puntahan but you said wala at ako na ang bahala. Hindi kita pwedeng dalhin sa bahay o sa condo lalong lalo na sa HQ dahil kailangan na...Aish! Just go out already." Inis kong sabi at agad na lumabas ng kotse. Hindi ko na sya hinintay pa at agad na pumunta sa front door nito at kumatok. Napatingin ako kay Fille na nasa loob pa rin ng kotse at di pa rin gumagalaw. Sakto namang bumukas ang pinto.
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fiksi Penggemarmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...