"Alam ba ng parents mo?"
"After what happened to us, ay hindi na naging tago pa ang kung ano ako. At katulad ni Sarah ay hindi rin nila ako tinanggap. Hindi nila tinanggap kung ano ang anak nila at mas masakit pa nung kanila akong tinakwil, kaya yun, simula nun ay dito na ako nanirahan sa Pilipinas. Nabubuhay ako sa suporta at tulong ng kapatid at mama ko. Sila ang nagsabing dito na muna ako pansamantala habang sa paunti-unti ay matanggap na rin ako ng ama ko. Pero kahit tinutulungan nila ako, alam kong hindi rin nila ako tanggap."
"How can you even say that?"
"Hindi man nila sabihin pero sa mga kilos nila, alam ko. Alam kong hindi nila ako tanggap. Ginagawa lang siguro nila yun dahil naaawa sila sakin. Ni hindi nga sila makatingin sakin ng diretso eh." Natatawa kong sabi. Pero deep inside ay nasasaktan na ako.
"But they are your family."
"Para sakanila, hindi matimbang ang dugo ninyo kung alam nilang isa kang malaking kahihiyan sa inyong angkan."
"Hindi ka isang kahihiyan Mae. I mean ganyan ka nga but actually they should be more proud of you dahil nakaya mong mamuhay ng mag-isa. Naipakita mo sa mga tao na kaya mo. Na kaya mong harapin ang ganitong klaseng hamon at kahit ganyan ka ay naging isa kang better person na hahangaan ng ibang tao. Ang kelangan mo lang naman ay confidence at trust na hindi lahat ng tao sa paligid mo ay hindi ka kayang tanggapin sa kung ano ka. Kung tutuusin kasi Mae, kung magiging bukas lang ang iyong puso't isipan, mararamdaman mo't makikita na napakaraming tao ang tanggap ka sa kung ano ka kasi ako Mae, tanggap kita sa kung ano ka. Tanggap kita sa kung ano ka, kahit na gaanu ka pa kasasaksakan ng sungit at rude. Yung Eagle class, hindi man nila sabihin pero masaya silang dumating ka sa buhay nila, masaya ako na dumating ka." Alam ko.... I was flattered of what she said but...
"I don't know Ella, I'm still scared." Rejection is the word that I don't want to encounter again in my life. Masakit kasi eh na yung taong binigyan mo ng importansya at binigyan mo ng puwang sa puso mo ay sya ring palang tatalikod sayo nang ganun-ganun lang. yung para bang balewala na sakanya ang kung anumang pinagsamahan nyo?
"Scared? Hindi naman mawawala yan eh, pero kung hindi mo haharapin ang kung ano mang ikinakatakot mo. You just need some push and courage to make it. at wag kang matakot, kung anumang mangyari ay palagi pa rin naman akong nasa likod mo. Hindi lang ako, kundi pati si Cepta, si Amy, ang buong eagles, we're here. At susuportahan at gagabayan ka namin. Kelangan mo lang ulit silang kausapin. At magpatawad na rin.... Especially bago pa man mahuli ang lahat." Medyo hindi ko narinig yung huli nyang sinabi. Siguro ilusyon ko lang yun?
"Mahal mo pa rin ba sya?" biglang tanong nya.
"Sino?"
"Si Sarah." Mahal ko pa ba sya? Nakita ko syang ngumiti. Pero parang may halong lungkot.
"Hayaan mo na. alam ko na ang kasagutan ." napataas ang kilay ko sa sainabi nya.
An: haha.. ito yung namali kong update nung una.. dapat pla dito ito.. btw, i'm sure nabasa nyo na yan.. next naman po yung kay Ella na pov, tungkol dyan sa alam nya na daw kuno ang sagot sa tanong na kung mahal pa ni Mae si Sarah.. Js na pala namin bukas, igoodluck nyo nalang ako at ipagpray na mairaos ko ang pagsuot ko ng gown.. haha at di sana ako matapilok sa suot kong sandals... Chika chika tayo kung gusto nyo.. hehe.. sige ito muna sa ngayon.. itry ko update yung kay Ella bukas before ako gumora sa prom namin.. vote and leave a comment guys.. thank u and i love you.. pero mas mahal ko sya.. haha joke!! Bye muna.
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fanficmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...