Chapter 4:7.3

120 4 0
                                        

Flashback sa nangyari kung between Ella and Mae bago ang dinner nila.

MAE's POV
FLASHBACK
Pagkatapos ng bonding namin ni Sarah aya agad akong umuwi dala ang pagkaing binili ko para sakanya. Isa na naman ito sa happy moments ko na nangyari sa buhay ko and it is all because of her. Kung di dahil sakanya hindi ko na ata mararamdaman ang sayang nararamdaman ko ngayon. Agad akong pumasok sa bahay at nadatnan ko doon sina Madayag at Morado. Kinukulit ni Madayag si Morado pero patuloy lang ito sa pagbabasa. Simula noong hinayaan namin silang mag usap ay naging okay na din sila kinagabihan noon.

"Baby, sige na please?"

"Ano ba?! Tigilan mo ako sa kakatawag mo sakin na baby, hindi ako bata."

"Eh, sige babe nalang."

"No way!"

"Anong gusto mo? Honey?" hindi naman sumagot si Morado at patuloy pa rin sa pagbabasa.

"Yobo?"

"No."

"Love?"

"No."

"Mahal?"

"No."

"Sweetie?"

"No."

"My dear?"

"No."

"Huggy bear?"

"Alam mo ang gusto ko?"

"Ano yun?"

"Ang tumahimik ka." SAVAGE! Napasimangot naman si Madayag sakanya.

"Ang mean mo talaga sakin." Nakangusong sabi nito.

"Stop that!" saway naman ni Morado.

"Why? Natetempt ka ba sa luscious lips ko?" mapang akit na tanong ni Madayag. Napafrown naman si Morado sa sinabi ng isa.

"Of course not. Mukha ka lang pato kakanguso dyan."

"Alam mo isa pang taray mo sakin hahalikan na kita."

"Shhh! Wag ka ngang maingay dyan. Baka may makarinig sayo."

"Ayaw mo non Love, marinig nila kung pano mo HMMMMM!" biglang tinakpan ng kamay nito ang bibig ng isa.

"Tumahimik ka nga!" naparoll eyes naman ito.

"Okay. Basta sumama ka lang."

"Pshh! Fine, matigil ka lang." sagot naman ng isa.

"Yey! Sabi mo yan ha? Wala ng bawian." Napalingon naman sya sa direksyon ko.

"Ow hi Tajima." Bati nito sakin. Tumango lang ako habang yung isa ay tiningnan lang ako panandalian tsaka binalik ang kanyang atensyon sa pagbabasa. Nagsimula namang magbabaan ang iba mula sa taas at bihis na bihis sila. Aalis ba sila? Ano'ng meron?

"O Mae nandyan ka na pala." Puna sakin ni Daquis.

"Ah yeah, ano palang meron?" tanong ko.

"Ah, nag invite yung grandparents ni De Leon sa bahay nila. Naghanda daw sila ng maliit na salo-salo para sa Eagles Class." Sagot ni Tejada sakin. Napatango naman ako.

"Eagles Class, ibig sabihin lahat tayo pupunta? Okay?" paninigurado ni Gervacio.

"By the way, wala pa rin ba sina Amy at Ella?" tanong ni Valdez. Nagpalinga-linga naman kami. Oo nga wala yung dalawa. San naman kaya pumunta ang dalawang yun?

"Wala pa rin sila eh." Si Lazaro ang sumagot

"Tinatry ko silang tawagan pero hindi naman sila sumasagot." Sabi ni Rachel.

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon