Chapter 3:3.1

827 19 1
                                    



Ella's POV

Nakangiting nakatingin ako kay Deanna na kasalukuyang kinukulit ang kanyang twinsister. Alam ko ngayon ay bumalik na ang makulit, jolly at pasaway na Deanna Morado na kilala ko. Apelyido ng mommy which is Wong nya ang ginamit nya, dahil na rin sa naging kinahinatnan ng relasyon ng magulang nya na nagcause upang wag sya masyadong maniwala sa love, pero ngayon, paunti-unti nya nang tinatanggap ang katotohanan. At sana magkapatawaran na sila.

"Ang ganda ng ngiti natin ah?" sabi ni Amy sabay abot sakin ng isang balot ng Beng-beng. Tiningnan ko naman sya nang may pang-uyam sa mukha ko.

"O,, ano namang mukha yan?"

"Gusto mo ba akong patayin?"

"Sa tamis?"

"Hindi, sa brand."

"Huh?"

"Beng-beng!" sabay pose na parang binabaril sya..

"Waley."

"Ito naman, para kang si Mae, di man lang maapreciate ang adlib ko." Sabi ko sabay bukas ng balot at sabay kain na din.

"Sinundan mo ba sya kagabi?" tanong nya sakin habang inaalis din yung balot ng beng-beng.

"You can say that, nagkataon lang kasi na umuwi na yung dalawa nung dumating sya. Syempre sinundan ko na."

"Sa tingin mo ayos na sya?"

"Bakit? Sira ba sya?"

"Alam mo, wag ka na lang kayang kumain ng beng-beng ko."

"Beng-beng nya daw, eh kay ate Cha yan eh."

"Oo nga, pero mahirap kayang kunin yan sa cabinet nya na kulang nalang ipadlock nya."

"Kaya ka siguro pinababa dito sa langit. Hindi bagay sa langit yung ugali mo eh."

"Sus, akala mo naman eh ang linis-linis mo. Hoyy! Jorella para malaman mo, ilang beses ka mang maligo, hindi ka pa rin malinis. Kilala kita no? ako kaya ang tagapagbantay mo."

"Tagapagbantay sa taas na pinababa dito sa lupa dahil hindi naman ginagampanan ang responsibilidad nya."

"Ginagawa ko kaya!"

"Ginagawa? Kaya nga ako namatay eh."

Yep, she''s my guardian angel from above na pinababa dito sa lupa to guard and protect me and to be my timekeeper for this mission. Kung papanu ko nalaman? Ganito kasi yun.

FLASHBACK....

Ano ba yan? San ko ba kasi mahahanap yang timekeeper na yan. Nakakaloka naman. Wala man lang bang clue dyan para mahanap ko sya?

"O bat parang hindi ka mapaanak dyan?" tanong ni Amy the transferee habang nakaupo sa couch ni Ate Cha.

"At ano namang ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Haler? Di mo ba nakikita na nakaupo ako dito?"

"Yeah right? But why are you here? Pinapunta ka rin ba dito ni Ma'am. May ginawa ka rin bang kalokohan?"

"Hoy! Wag mo nga akong itulad sainyo ng De Leon na yun na walang ibang ginawa kundi ang bwisitin at painitin ang ulo ni Ma'am."

"Eh bakit ka nga nandito?"

"Bakit? Bawal ba? Ikaw nga nandito din eh. Di mo naman bahay."

"Oo bawal, kung walang reasonable na reason, bakit may angal ka ba?"

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon