Chapter 4:3.2

712 19 15
                                        

#TRUCE begins

After silang sabihan ni Amy ay wala namang naggawa sila Bea T, A, Gretchen at Marge kundi ang umakyat. Hindi naman nila alam kung ano ang mararamdaman nilang apat, kinakabahan sila na ewan. Gusto rin namang maging maayos ang pag-uusap nila para naman walang ilangan sa magiging activity nila, mahirap na kasi kung patuloy silang mag-iiwasan, baka hindi pa sila makapaggraduate dahil lang sa bumaba ang kanilang grades sa activity na tu kahit na hindi nila alam kung anong magiging kaugnayan nito sakanila. nagtinginan naman silang apat habang nasa harapan na sila ng kani-kanilang kwarto. Sabay sabay silang tumango at huminga ng malalim bago sabay-sabay na buksan ang pinto.

*BEA & LAURA

Naabutan ni Bea si Laura na nasa kalagitnaan ng pagbibihis, kapwa sila natigilan sa kanilang ginagawa, unang nakabawi si Laura at agad na binalot ng tuwalya ang kanyang katawan.

"Anong ginagawa mo dito? Umalis ka nga! BASTOS!" sigaw ni Laura at binato dito ang damit na hawak nya kay Bea, agad namang natauhan si Bea at dali-daling lumabas ng kwarto nila. Ang bilis bilis ng pagpintig ng puso nya dahil sa sobrang kaba, unang beses na makita nya kasi ang katawan ni Laura at hindi nya itatangging napakasexy at napakakinis nito.

"Shocks Bea! Ang bastos ng iniisip mo! Pinagnanasaan mo yung clown na yun?" pinilig nya nalang ang isip nya at kumatok nalang sa kwarto nila.

"Hoy! Tapos ka na ba?" walang anu-ano ay biglang bumukas ang pinto at nakabihis na na Laura ang nagbukas.

"Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?" nakapamewang na tanong ni Laura sakanya.

"Ah siguro kasi dito rin yung room ko? Tabi nga dyan! Papasok din ako." sabi ni Bea at dinaanan lang si Laura. Si Laura na ang nagsara ng pinto.

"Tsss... alam kong kwarto mo rin to! Pero edi sana kumatok ka muna, hindi mo alam kung may ginagawa pala yung tao. Hindi yung bigla-bigla ka nalang papasok ng walang pasintabi. Hindi ka ba marunong kumatok? Baka gusto mong turuan pa kita?"

"Wag mo nga kong sisihin dyan, alam mo namang may roommate ka at dapat ikaw ang naglalock, panu kung masamang tao pala yun, tsaka may banyo naman, ba't di yun ang ginamit mo para magbihis. Baka gusto mo pang turuan pa kitang maglock o gumamit ng banyo?"

"So kasalanan ko pa yun?"

"Mabuti alam mo..."

"Tsss, parang hindi mo pinagnasaan ang katawan ko, kung makatingin ka parang kulang nalang eh maglaway ka na at hawakan mo ang katawan ko." Bigla namang namula ang tenga ni Bea, mabuti nalang at nakalugay sya dahil kung hindi ay baka makita ito ni Laura at kantyawan pa sya at ayaw nyang matalo dito.

"hahah, nagpapatawa ka ba? Hindi ba pwedeng sinigurado ko lang talaga na tao ka? Para ka kasing clown kung tingnan. Hahahah."

"Yeah right! Whatever..." sabi ni Laura at tumalikod na kay Bea para magblowdry na ng kanyang buhok. Bigla namang naging awkward ang atmosphere sa loob ng kwarto nila, kapwa sila hindi nagsasalita kaya hindi tuloy alam ni Bea kung paanu sisimulan ang pag-uusap nila.

"Kailangan kong gawin tu." Huminga naman sya ng malalim para mag-ipon ng lakas ng loob para masabi niya dito ang plano nya. nahalata naman ni Laura ang itsura ni Bea sa salamin, gusto nyang matawa dahil parang hindi ito matae sa itsura nya but somewhat ay nag-aalala rin sya dito kahit na parang aso't pusa naman sila ay may pinagsamahan naman sila, napabuntong hininga nalang sya.

"Ano bang problema mo, ba't parang hindi ka na matae dyan?" kunwaring natatawang tanong ni Laura. Bea just rolled her eyes on her pero umayos din ng upo.

"I'm just thinking about this activity." After what Laura heard ay binaba nya ang blowdryer na hawak nya to face Bea, alam nya naman kung kailan magiging seryoso and she thinks it's time for that.

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon