Chapter 3:1.4

785 19 2
                                    

Still Bea's POV

FASTFORWARD....

Kasalukuyan akong nalalakad papuntang lumang building. Medyo gumagabi na pero mamaya na ako uuwi. Wala naman sina Lolo eh kaya mas mabuting magpalipas ako ng oras dito kesa doon, maboboring lang ako. Pumunta na ako sa lugar kung saan ay akala ko totoo na pero si Ella lang pala, nang may isang babae akong nahagilap na naglalakad. Nacurious ako. Medyo pamilyar kasi sya sakin kaya sinundan ko nalang. Ano kayang ginagawa nya dito? Pumunta sya sa pinakadulong bahagi ng hallway, tumigil sya sa tapat ng isang kwarto doon na nakandado, naggulat ako nang binuksan nya ito at pumasok sya doon. Ano kayang ginagawa nya dito? Hala! Baka a.) may tinatago sya ditong hostage? B.) baka magko commit sya ng suicide dito? Or better yet? C.) dito sya nakatira? How come na dito sya nakatira eh, mayaman sya. Hindi bagay sa personality nya at attitude nya ang ganun no? Pero bakit nga ba sya nandito? Silipin ko kaya kung anong ginagawa nya talaga dito? Eeh! Baka mahuli nya ako tsaka baka maggalit sya, tapos masabihan pa ako na stalker nya. Ang gandang gwapo ko namang stalker. {Ehh! Sisilipin mo lang naman eh, di ka naman magpapakita.} Kahit na. ikaw kaya, mapahiya pa ko dun eh. {Gago! Kung may sarili lang sana akong katawan, edi sana ako na ang gumawa. Eh iisa lang naman tayo eh. Utak mo lang akong nagsasabi sayo. Sige na, silipin mo na nang may malaman ka naman tungkol sakanya. Edi ba curious ka sakanya.} Oo na, panalo ka na. Nakakainis naman o!

Dahan-dahan akong lumapit sa kwartong iyon at binuksan ng bahagya ang pintuan. Nakita kong nagsisindi sya ng kandila at naglagay sya ng bugkos ng sampaguita sa isang upuan doon. Sumalampak sya sa sahig at doon nagsimulang tumakas ang mga luha nya sa kanyang mga mata. Aalis na sana ako nang bigla syang magsalita.

"Nandito nanaman ako. Pasensya na kung always akong nandito, telling you all my burdens. Pero wala naman kasi akong pwedeng pagsabihan ng mga problema at kwento ko sa buhay kundi sayo lang. ikaw lang ang alam kong taong always makikinig sakin. Yung taong makakaintindi sakin sa lahat ng oras. I know, even if I can't see you physically, in my heart, you're always here. Alam kong nandito ka ngayon." Siguro kailangan ko nang umalis. Ihahakbang ko palang sana ang mga paa ko nang bigla na syang bumulahaw ng iyak. Okay? What should I do?

"Bakit mo pa kasi ako sinagip? Bakit kasi ako pa ang naiwan at ikaw pa ang nawala? Bakit di nalang ako? Bakit di nalang ako ang nawala kung ganito lang naman rin pala ang kahahantungan ko?" Shet! Weakness ko pa naman ang mga taong umiiyak just because iniwan sila. Naranasan ko na kasi yun kaya ayokong may makitang ganun din yung naging karanasan. I sighed at humakbang na.

"Gusto mo bang pahirapan pa ang taong nasa kabilang buhay na at nais nang magpahinga?" natigilan sya sa biglang pagsalita ko. Agad naman syang nagpunas ng luha bago tumingin sakin.

"What are you doing here?" she asked me. Tuluyan akong pumasok sa loob.

"Isa ito sa mga property ng school and I believe as a student, I also have the right to come here?" sabi ko sabay kapkap ng bulsa ko baka sakaling may makuha akong panyo. Nakita kong di na sya umimik kaya umupo ako sa tabi nya.

"Pasensya na, I have no hanky to offer so feel free to use me muna as a tissue for a while."

"What?!" napakamot naman ako sa ulo ko. Tsk! Nasira diskarte ko dun ah? Instead repeating myself, I pulled her for a hug. Her head is on my chest and I'm hugging her right now. I caress her back to calm her down and to comfort her for letting her know that I'm just here, ready to be her listener.

"Don't think that nobody is there for you that you have no one to lean on or to be your listener. Maraming tao ang nakapaligid sayo na gusto kang tulungan, gusto kang makasama but you're the one putting yourself to the invisible box that you made to isolate yourself from others. Pwede ka namang mag-open up eh sakin or samin. But you're thinking that you can't put your trust on us. Na hindi kami ganun kaworthy ng trust mo." Pagkatapos kong sabihin yun ay naramdaman ko na rin ang pagyakap nya sakin. She broke down. Pinabayaan ko lang sya. Kakailanganin nya rin yan eh. Kakailanganin nyang ilabas ang lahat-lahat ng mga bagay na nasa loob nya. Napatingin ako sa isang silya doon na nilagyan nya kanina ng sampaguita at sinindihan nya ng kandila kanina. May isang litrato doon na nakapatong. Napansin kong nahimasmasan na rin sya, so I made a choice to ask her.

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon