Continuation....
Third Person's POV
"Okay.... Class, ngayon na nasa inyo na ang batang aalagaan nyo, kayo na ang bahalang mag-alaga sakanila, kayo na rin ang bahalang bumili ng ilang kakailanganin ng mga babies nyo, and by the way mamaya ay kakailanganin ko ang babes sa team nyo para sumama sakin at asikasuhin ang iilang bagay at kayo namang mga dudes ang maiiwan kasama ng baby at mag-aalaga dito, babalik nalang ako dito para sunduin kayo." At umalis na ito.
Mahabang katahimikan ang namayani sa loob ng kabahayan at parang lahat sila except Ella ay parang inaabsorb pa rin ang sinabi ng kanilang adviser....
"Teka, ano daw?" sabay-sabay na tanong ng mga Dudes.
"goodluck Dudes!" biglang sabi ni Ella habang tumatawa-tawa pa, sabay-sabay namang tinignan ng masama si Ella ng Dudes kaya napapeace sign nalang din sya.
"Are you fucking kidding me?" biglang sabi ni Bea agad naman syang pinitik sa tenga ng mahina ni Jho.
"Your words Bei...."
"Sorry Beh, naggulat lang ako."
"Teka nga, totoo ba yung sinabi ni Ms. Soriano?" tanong ni Jovelyn.
"Narinig mo naman siguro yung sinabi nya di ba?" tanong ni Rad sakanya.
"Eh teka, panu yan? Hindi pa namin alam kung ano ba ang mga dapat naming gawin, hindi namin kakayanin ng kami kami lang no? kaya nga may partner para may makatulong tapos ganito pa? anong trip ni Soriano?"Bea T said.
"okay, ganito nalang siguro ang gawin natin.... Imbes na magreklamo tayo na alam nyo naman minsan hindi maintindihan ang takbo ng utak ni Ma'am, ganito nalang, maya-maya pa naman siguro sya darating so I think it's the best kung alamin na natin ang mga gagawin natin, I mean nyo Dudes lalo na kung wala kami." Biglang suggest ni Ella, sa totoo lang ay hindi nya rin alam kung anong nasa utak ni Charo pero alam nyang may plano ito kaya wala syang ibang pwedeng gawin kundi ang suportahan nalamang nya ito.
"Yep, better than complaining all this time." Pagsang-ayon ni Fille.
"Okay, ano ba ang dapat nating gawin?" bigla namang tanong ni Den.
Nahalata naman ni Rad na nagtathumbsucking si Tristan pati na rin si Samantha at Megan.
"Hmmm, I just think, the first step that we should do ay ang maggrocery..." suggest ni Rad.
"I think ang Dudes na ang bahala dyan, maggrocery lang naman eh." Sabi naman ni Ella kaya napatingin nanaman sakanya ang Dudes.
"Sino sa Dudes?" tanong naman ni Laura
"Lahat sila, para namang kung sakali eh alam na nila kung ano ang bibilhin nila." Sagot naman ni Ella
"Kaya nyo ba?" tanong ni Dzi sakanila.
"Maggogrocery lang naman eh, how hard can it be?" sagot naman nila. Nagkatinginan naman ang Babes..
Nasa isang malaking convenient store na sila, wherein parang isa na ring supermarket, may hawak sina Jia at Marge na dalawang cart.
"Okay what do we need to buy?" tanong ni Jovelyn. Binuksan naman ni Aly ang hawak nyang nakatuping papel kung saan ay nakalagay doon ang mga bagay na dapat nilang bilhin na pinadala ni Rad sakanila.
"According here, we need to buy powdered milk, baby diapers, milk bottles, vitamins, yan lang naman yung nandito eh." Sabi ni Aly.
"Tsss, yan lang naman pala bibilhin tapos lahat-lahat pa tayo ang pinaggrocery, tara na nga." Inis na sabi ni Bea Tan.
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fanfictionmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...
