An: hi guys... Sorry kung ngayon ngayon lang ulit nakapag update, hindi kasi ako makalog in sa laptop kasi nasa lappy ko ang document... Kaya mano mano nalang muna sa cellphone... Hope you guys enjoy....
Flashback naman po ito ni Jovzkie...
Flashback
Papasok palanf ako ng paaralan ko at hinatid ako aking oh-so-loving na kuya.
"Jovelyn ha? Tandaan mo palagi yung bilin ko sayo."
"Kuya naman, 9 years old na ako. Kaya ko na ang sarili ko no?"
"Gusto ko lang manigurado. Ayokong maagrabyado ka ulit dun sa mga bullies na yun. Tandaan mo yung mga itinuturo ko sayo."
"Eh? Baka mamaya nyan mapatawag pa si daddy dahil lang dun."
"Tss, ano ka ba? Wag kang mag-alala, akong bahala. syempre ayokong may umagrabyado sayo no? Kung pwede nga lang na ako na lang ang magbigay ng leksyon sa mga yun, tsaka dagdag pogi points kaya yun sa crush mo na ano nga yung pangalan? Anne?"
"Tss, kuya naman eh. Binubuko mo ako."
"Haha, nagbibinata na ang bunso ko... Wag kang mag alala, aki lang ang nakakaalam.... Sige na bunso hanggang dito nalang ako, dapat maaga ako sa headquarters dahil may ipinapapasa sakin si dad na reports."
"Sige kuya, salamat sa paghatid ha? Love you!"
"Love you too sis. Take care." He said as he kissed me on my forehead na minsan nya lang gawin. Bigla naman akong kinabahan. Ewan ko ba pero bigla nalang bumilis ang pagpintig ng puso ko pero isinawalang bahala ko nalang at bumaba na sa sasakyan at naglakad na patungong gate. Si kuya naman ay agad ding umalis, nagmamadali yun eh. Nung papasok na ako ng gate ay bigla nalang may humintong van at sapilitan akong isinakay sa loob, sisigaw pa sana ako pero agad na tinabunan ng panyo ang ilong at bibig ko na nagcause para hindi ako marinig na sumigaw at alam kong may halong pampatulog na kemikal ang meron sa panyong yun na nalanghap ko upang mahilo ako at mawalan ng malay.
Naggising nalang ako na may gapos sa kamay at may busal ang bibig ko habang nakagapos sa isang upuan doon. I am trying to cut the rope sa edge ng kahoy ng upuan na pinagkakatalian ko. Isa itong abandunadong bodega ayon sa observation ko.. napatingin ako sa relo ko at mag teten na ng umaga, alam kong nasa west side kami at rinig ko ang mga puno at mga ibon kaya napag isip isip ko na nasa may gubat din kami... Napapikit naman ako para pakinggan ang paligid ko... May narinig akong nagsasalita ng batangueno, kaya alam kong nasa batanggas kami. Nasa part kami ng batangas, isang patunay din dun ang sikat ng araw. Napaisip ako, saan naman sa batanggas ang may mga puno? Napapikit ako at pilit kong inaalala ang mga nakikita ko sa mapa at sa balita.... Pero bigo ako. Nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang armadong lalaki...
"Kamusta iha? May gagawin akong palabas, gusto kong kausapin mo ang ama mo na gawin ang gusto ko ha?"
"Bakit ano ba ang gusto mo ha?"
"Ang gusto ko lang naman palayain ng ama mo ang kapatid ko na si Jerome Lopez."
"Jerome Lopez????" Yun yung lalaki na nahuli ni Dad na isa sa mga pinuno ng mga drug lords... "Kung sino man ang Jerome na yan at kung sino ka man wala akong maggagawa sa mga problema nyo.. problema nyo yun ni Col. Gonzaga"
"Problema nga namin yun pero ikaw ang magiging susi upang maisakatuparan namin ang paglaya ng pinuno namin."
"Hindi ako kelanman tutulong sa mga katarantaduhan nyo.. nababagay lang na makulong sya at pati na rin kayo dahil walang maidudulot na maganda ang mga mithiin nyo.... Tutugisin kayo ng mga pulis at wala kayong maggagawa sa paglubog ng grupong binuo ninyo!"
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fiksi Penggemarmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...