FLASHBACK
Kakagising ko palang and I look at my calendar, napangiti naman ako nang makita ko na ang pulang marker na drinowingan ko pa. IT'S MY BIRTHDAY TODAY!!!! I look aroundhoping something was there, but there's none. Laglag balikat akong pumasok sa loob ng banyo, doing all my rituals nang maalala ko na baka nasa baba ang surprise kaya dali-dali akong bumaba, but I saw my plain surroundings. Walang kung ano na nakasabit, walang mabangong niluluto sa kusina. Laglag balikat akong umupo sa upuan at nagsimulang kumain. But I made myself think na baka may surprise sila sakin mamaya, sabagay maaga pa naman para sa isang party. But every tiktok of the clock ay parang nauubusan ako ng hope na mangyayari yung expected party ko, pero nabigo ako. Kahit isa ay wala man lang nakaalala sa kung anong meron ngayon, wala ni isang nagtext o nagmessage man lang sakin. Kaya sa sobrang inis at disappointment ko ay nahiga na lang ako sa couch ng sala namin at maya-maya ay nakadama na rin ako ng antok. Naggising ako na feeling ko ay nasa isa akong byahe at parang may nakatingin sakin. At hindi nga ako nagkamali, sa pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko ang isang napakagandang dalaga na nakangiti habang pinapanood ako. Nasa sasakyan kami at nakapatong ang ulo ko sa may hita nya.
"Baka matunaw naman ako sa ginagawa mo." Sabi ko at umayos ng pagkakaupo.
"Hindi naman, ang sarap ng tulog natin ah?" ngumiti nalang ako sakanya pero naalala ko na inis nga pala ako sakanya dahil nakalimutan nya yung birthday ko. Ang nakangiti kong mukha ay napalitan ng pagsimangot.
"Huy! Anong problema mo?"
"Alam mo ba kung ano ngayon?"
"Oo naman.... WAIT! Sh*t! bakit ko ba nakalimutan?" bigla naman akong nabuhayan ng loob sa reaksyon nya. "Salesday nga pala ngayon, dapat makapunta ako mamaya sa mall para makabili ng marami." Sabi nya sabay tingin sa phone nya. Napapadyak naman ako sa inis sa sinabi nya. Yun talaga yung naalala nya ha? Teka, san nga pala kami pupunta? Baka nagkukunyari lang sya tapos yung totoo ay papunta na pala kami sa surprise nya, sige tatanungin ko ulit sya, kapag sinabi nya na "secret" ibig sabihin ay papunta talaga kami sa party ko. Can't wait!!!
"Where are we going? At papanung napunt ako sa kotse mo?" casual kong sabi para matago yung excitement ko
"Ah, pinabuhat na kita kay Manong, kanina pa kita ginigising pero tulog-mantika ka kasi." Napatingin naman sya sakin at tiningnan ako ng mabuti na parang akala nya ang weird ko. "Really Marge? You already forgot?"
"Huh? Anong nakalimutan ko? Na birt....."
"It's Saturday today, Saturday is visit day sa mga bata, ano k aba? May sakit k aba?" she asked me sabay iling-iling at tumingin nalang sa cellphone nya. Wow ha? Ako pa talaga ang nakalimot? Alam ko naman yun, pero may iba pa akong iniisip maliban dun. Sabi ko nga eh, wag nalang ako mag-expect. Tss! Kainis naman. Nung makarating na kami sa bahay-ampunan na parehong pinaglalaanan ng pamilya naming ng charity ay naging tahimik lang ako. ni hindi ko nga sya pinapansin kasi naiinis na talaga ako. nakakatampo kaya na wwwalang bumabati sayo sa birthday mo. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pakikipaglaro sa mga bata, at least kahit kaunti ay maidadivert ko yung inis at tampo ko. Halata namang hindi nila ramdam yung inis ko. Nakipagkwentuhan, nakisabay din kami sa kanila sa pagkain at nakipaglaro kami sa kanila pero pilit kong iniiwasan si Jirah kasi baka mabigwasan ko pa sya, pero joke lang, mahal ko yun eh kahit na hindi nya naalala birthday ko. Mga 3 oras din kami doon at saka kami nagpaalam na para umuwi, gusto ko sanang magtaxi nalang pauwi pero dahil nga sa kinuha lang nya ako doon ay wala akong dalang wallet at kahit cellphone man lang kaya no choice ako kundi ang sumabay nalang sakanya kahit na ayaw ko syang makasabay, badtrip nga kasi ako sakanya di ba? At siguro dahil sa mukha ko mula pa kanina ay kanya na itong nahalata.
"Hoy Margarita! Kanina ka pa tahimik dyan ha? Anong problema mo? Meron ka ba ngayon at parang ilag at badtrip ka ngayon? Mabuti nalang at hindi nahalata ng mga bata yang kaartehan mo." Hindi nalang ako umimik baka mamaya ay hindi ako makapagtimpi at agawin ko yung cellphone nya na hawak nya at itapon sa labas, kanina pa kasi sya ngiting-ngiti sa katext nya sa cp nya, mas lalo tuloy umiinit ang ulo ko. Para kasing hindi nya ako kasama kung makipaglandian sya sa katext nya. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa labas ng bintana at nagjoyride, alisin nalang natin yun joy, nakiride lang ako. Feel ko ang excitement at saya nung isa na mas lalong nagpabadtrip sakin kaya pagdating naming sa bahay ay agad akong lumabas ng kotse at padabog na isinara ang pinto ng kotse nya, bahala sya dyan kung masira man ang kotse nya, ipaayos nya dun sa katext nya. Nakakabwisit na nakakaasar! Nanggigigil ako! Hindi nya naman ako pinansin. Tch! Kainis talaga. Pagbukas ko ng pinto ay naggulat ako nang bumungad sakin ang party popper at nakakabinging sigaw ng mga taong malalapit sakin.
"HAPPY BIRTHDAY!!!!" I was shock that time and didn't expect it. nandun ang mga kaibigan ko, kaklase namin at pati na rin ang Mommy ko na ang alam ko ay nasa France ay nandito ngayon sa harapan ko at hawak-hawak ang 2 layers chocolate cake na sobrang favorite ko. My mom went near me and kiss me in my cheek habang ako ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nakikita ko.
"Happy birthday Anak, here, make a wish and blow your candle off." She said and I did. Pumikit ako and make my wish, secret ko nalang ang wish ko, baka kasi hindi magkatotoo eh and after that I blow the candle off. Pagkatapos ay nagpalakpakan sila, napatingin naman ako sakanila at look around my surroundings na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko. Is this for real?
"Is this for real? Hindi ba ako nanaginip? Nandito ba talaga kayo dito?" I asked at sinampal-sampal ko pa ang sarili ko, naggulat nalang ako nang bigla akong makaramdam ng sakit sa pisngi, I can feel a sting in my right cheek.
"O ayan, tinulungan na kita ha?" Jirah said and she even rolled her eyes. I can see them laughing, even my mom, hinawakan nalang ako ni Mommy sa braso at hinila na papunta sa living room.
"Hindi ka nanaginip anak. We're here, I'm here." Malambing na sagot ng mommy ko.
"How this even possible? Papanung....?"
"Jirah planned all of this...." My mom answered me. napatingin naman ako sa direksyon kung nasaan si Jirah na ngayon ay nakikipagkulitan na sa mga kaklase namin, siguro ay naramdaman nya na may nakatingin sakanya kaya napatingin sya samin, she smiled when she saw me, a very sweet and loving smile na nagustuhan ko sakanya. after that ay kumain na kami, and proceed to the program na still si Jirah ang host at nagplano at dahil minor palang kami ay hindi kami pinayagan na uminom so they decided to go home nalang. My mom, Jirah and me nalang ang naiwan, habang ang mga maids naman ay nagliligpit ng mga kalat.
"Oh bat nandito ka pa? umuwi na sila ah? Tapos na rin yung party." Medyo sarcastic kong sabi, wala lang para pambawi lang kanina.
"Eto naman, ang rude mo naman sakin, hindi ka pa rin ba move-on dun sa NAKALIMUTAN-KO-ANG-BIRTHDAY-MO spiel ko?" naparoll-eyes naman ako sakanya habang sya naman ay napatingin kay Mommy. "Tita okay lang po ba?"
"Oo naman Iha, panu ba? Mauuna na ako, Margarita, ikaw na ang bahala kay Jirah ha? Enjoy your night." Sabi ni Mommy at niyakap kami ni Jirah at saka umakyat na.
"Thanks Tita, good night po." sabi ni Jirah, pagkaalis ni Mommy ay hinarap nya na ako. "Tara Marge."
"Huh? Saan?"
To be continued....
An: sorry short update...
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fanfictionmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...
