Chapter 4:11.6

114 6 2
                                        

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama. Kakatapos palang gamutin ng doctor ang kamay ko at hindi naman severe ang sugat na meron ako. Napatingin ako sa gilid kung saan nandoon ang balcony kaya napagpasyahan kong tumayo at pumunta sa balcony. Bumalik lahat ang mga sinabi ko kay Jem.

It was true. Siguro nga tama rin sya, baka matatahimik din ako when I already found out the answer to my whats and whys. Maybe it is the best way, to know the truth and set ourselves especially my heart free. Masyado nang nauupos ang puso ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ng dahil sakanya, and maybe it is the last time na pagbibigyan ko ang puso ko na alamin ang totoo para tuluyan na syang mapagod at kusang maggive up nalang. At pagtuunan ng pansin ang mga bagay na mas nararapat na paglaanan ng buhay at oras ko at yun ay ang paghahanap ko sa kapatid ko.

Sakto namang tumunog ang phone ko. kaya pumasok muna ako at kinuha ang phone ko sa bulsa ng jacket ko. It is the PI that we hire ni Dad sa paghahanap sa  kapatid ko. Agad ko naman itong sinagot.

"Hello?"

("Miss Ho.. Pasensya na po kung napatawag ako ng ganitong oras. Kayo nalang po yung tinawagan ko as per your instruction") Instruction ko na kapag gabi na ay ako nalang ang tawagan nya at wag na si Dad dahil alam kong nagpapahinga na ito.

"Okay lang Mr. Choi. May balita na ba?"

("Yes Miss and you were right, he has a daughter") Gosh totoo nga yung sinasabi ni Mom. I do really have a sister. ("Mr. Diego Guanzon was the co-founder of Asian Pharmaceuticals and Laboratories katulad ng sabi ni Master Ho. He was well-known and has different charity involved with. Not until he died.") napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"Pardon me Mr. Choi but did I heard you right? He died? Diego Guanzon died?"

("Yes Miss, you heard me right.")

"W-Wait! H-how does that happened?"

("According to my investigation Miss, he died in a car accident at the age of 54, almost 7 years ago. He was in the car together with a little girl which they assume was his daughter, Amarie Guanzon, they were from a charity event nang may sumalpok sakanila na isang delivery van. Hindi na sya nailigtas pa nang nagliyab na ang sasakyan at sumabog ito.")

"You said na kasama nya si Amarie di ba? Does it mean na hindi rin nailigtas ang kapatid ko?" kinakabahan kong tanong sakanya.

("Fortunately Miss Ho, Diego Guanzon's daughter, your sister, Amarie Guanzon was saved from the car crash and the explosion. Agad syang naalis sa kotse") Napahinga naman ako nang maluwag sa sinabi nya.

"So are you saying na buhay pa ang kapatid ko?"

("Yes Miss..")

"So, where is she now? Any updates?"

("Unfortunately Miss, nung pumunta ako sa hospital kung saan sya dinala ay di nila ako mabigyan ng information kay Miss Guanzon due to the fire that happened 5 years ago. Lahat ng mga information and data nila ay nasunog at wala ni isang naisalba.") Bigla naman akong pinanghinaan ng loob sa sinabi nya. ("Dont worry Miss Ho, I will do my best para magkaroon ulit ng lead kay Miss Guanzon.")

"Thanks Mr. Choi. Just call me kung may bago kang lead."

("Will do Miss. Goodnight Miss Ho.") and he hung up. tinapon ko ang phone ko sa may kama tsaka napaupo dito. naihilamos ko ang kamay ko sa mukha dahil sa frustration na nararamdaman ko.

Everytime na nagkakalead kami ay parang whirlpool lahat ang nangyayari. It gives us high and low hopes. But it is okay basta makita ko lang ang kapatid ko. Bigla namang may kumatok sa pinto kaya walang ganang tumayo ako para buksan ito. It was Fille.

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon