#Let her Go
Mae's POV
Pagkatapos ng drama naming doon sa ay agad ko syang hinila papunta sa kung saan. Wala naman kaming pupuntahan kundi doon lang sa secret garden kung saan ay naging tambayan na naming dalawa. Inaaya nga namin yung bago naming anak na si Sydney pero sabi nya busy pa daw sya eh at kailangan nya na ring umuwi dahil baka hanapin na rin sya. kaya hindi na namin sya napilit.
Pagdating namin sa aming tambayan ay hindi kami nag iimikan. After kasi nung eksena kanina ay parang na speechless na ako. anong gagawin ko eh pinakilig lang nya naman ako. Akalain nyong one week kaming hindi nagkakausap at ni hindi ko man lang sya nakikita. Parang maloloka ako sa kakaisip kung may naggawa ba ako sakanya para iwasan nya ako ng ganun. Syempre masakit! Kung hindi pa ito nangyari, siguro bumalik na naman yung trauma ko sa ginawa ni Sarah sakin.
"Ahm.... Mae..." agad naman akong napatingin sakanya.
"Ah, yung kamay ko.... Namamawis na eh." Sabi nya. OPsss!!! Nakalimutan ko na hawak ko pa rin pala ang kamay nya. medyo napahiya rin ako dun.
"Tss, ang sabihin mo eh pasmado ka lang kaya namamawis na yung kamay mo." Sabi ko at binitawan na ang kamay nya. okay lang solo ko naman sya ngayon eh. At wala yung asungot na Mika nay un. Speaking of her naiinis talaga ako sakanya. masyado kasi syang epal, lalo na kung panu nya hawakan si Ella na akala mo eh sila na, eh hindi nga nya alam na nililigawan nya to, at hindi rin naman ako papayag no?
FLASHBACK
2 days, dalawang araw na ko ng hindi nakikita si Ella, kung makikita ko naman sya ay agad syang tatakbo palayo. Dalawang araw nya na akong hindi pinapansin or better yet ay iniiwasan nya talaga ako. naglalakad ako ngayon sa may hallway hoping na makita ko ulit sya. gusto ko syang makausap. Gusto kong malaman kung ano ba ang ginawa kong mali para iwasan nya ako. nakakafrustrate ang mag isip ng dahilan kung bakit ba sya lumalayo sakin.
Nung nasa harapan ako ng student council ay saktong lumabas ang taong kinaiinisan. Agad siyang natigilan nung makita niya ako. hindi ko sana ito papansinin pero naggulat ako nang bigla syang nagsalita.
"Hinding hindi ka nya magugustuhan kahit kailan." Hindi ko nalang sana papansini dahil alam kung gusto nya lang akong inisin. Pero hindi na ako nakapagtimpi sa sunod nyang sinabi.
"Kahit ano pa man ang gawin mo, sakin pa rin sya babagsak. Gustuhin nyo man ng mga kasamahan mo o hindi, Para sakin lang ang pag-aari ko, akin lang si Ella." Agad ko syang tiningnan mata sa mata. Wala akong pakialam kung isa sya sa mga miyembro ng student council.
"Wag kang masyadong territorial Ms. Gluta, dahil una pa lang ay walang kayo at sa pagkakaalam ko ay pinilit mo lang ang sarili mo sakanya upang ligawan sya. you cant always bribe her para magustuhan ka nya, kaya umakto ka sa lugar."
"Umakto ka rin sa lugar Hapon. I'm her suitor and soon, she will be my girlfriend at ikaw classmate at seatmate ka lang nya kaya mas igalang mo ako. wala kang karapatang pagsabihan ako na lumugar dahil una pa lang ikaw ang hindi lumulugar sa tama, kaya kung ako sayo, lubayan mo sya. hinding hindi ka nya magugustuhan at kailanman ay hindi ka nya mamahalin. Hah! Kahit hindi man maging kami, mas lalong hindi magiging kayo, lalo na nung Ahomiro nay un, alam ko namang may gusto kayo sa Ella ko, hahah! Pero alam nyo kahit anong gawin nyo ay hindi magiging kayo. Sa pangarap nyo lang mangyayari yun dahil kahit anong gawin nyong paglayo sakin sakanya ay sa huli kami pa rin. papakasalan ko sya at bubuo kami ng pamilya at mamuhay ng masagana." Nanggalaiti ako sa mga sinabi nya. pero hindi ko na sya pinatulan at ngumisi nalang.
"anong nginingisi mo dyan?"
"Panu bay an, naunahan na kita?" sabi ko. Akalain mo yun, naunahan ko na syang magkaanak, pusa lang man sya pero pareho naming inangkin na parang tunay na anak ito. Kasal na lang at magsama kami sa iisang bahay ang kulang.
"Anong ibig mong sabihin?" nagkibit-balikat nalang ako at tumalikod na. pero sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay agad nya akong hinawakan sa balikat at biglang sinuntok sa mukha.
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fanfictionmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...
