Chapter 4:8.2

128 6 2
                                    

ELLA's POV

Kasalukuyan akong nasa rooftop ng isang building dito sa city. Hindi ko alam pero paramg gusto ko ng maggive up. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin para maging maayos ang lahat. Sapo-sapo ko ang ulo ko nang isang pigura ang nasa harapan ko.

"Sabi na nga ba nandito ka."

"Synjin." Ngumiti naman sya.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala nyang tanong.

"I'm fine."

"Looks like you're not." Hindi naman ako umimik at isinandal ang likod ko sa railings.

"Alam mo, hindi mo naman kailangang ayusin ang mga bagay na alam mong sila lang ang kayang umayos."

"Alam ko. Gusto ko lang naman silang tulungan."

"Alam mong hindi mo mababago ang nakatakda na. kaya kahit anong gawin mong pag-ayos wala ring maggagawa yun. You just need to let them be."

"You know how I can't just sit still look pretty." pagjojoke ko.

"You can sit still but not looking pretty." Pang-aasar nya. Nagfrown naman ako sa sinabi nya.

"Puro ka talaga pang-aasar."

"You know me."

"Actually I don't." pang-aasar ko din sakanya. Napasimangot naman sya sa sinabi ko. Huminga naman ako ng malalim at naalala ang nangyari kanina kila Rachel at Jovelyn. Alam kong mangyayari ang bagay na yun, yet even if I did everything para lang mabago ang kanilang fate ay nangyari pa rin ang nakatakda.

I heard their conversation earlier and it kills me knowing that I cannot do anything. Hindi ko pupwedeng pilitin pa si Rachel kasi naiintindihan ko ang kung saan sya nanggagaling and kung mangyari man yun sakin ay siguradong yun din ang gagawin ko. All I need to do is to wait.

Nasasaktan ako para sakanila. Kung may lakas ng loob lang sana sila para harapin ang katotohanan. Edi sana hindi na kailangang mangyari ang bagay na iyon.

"How's Amy?" rinig kong tanong sakanya.

"Still the same."

"Hindi pa rin nya ba sinasabi sayo ang totoo?"

"Wala atang planong sabihin sakin ang totoo. At kung nagsabi na sana sya edi sana hindi na kita kailangan pa." Naalala ko naman ang pinag-usapan namin ni Amy nung tinanong ko sya kung sino ba talaga sya. Hindi ko alam pero parang naggulat sya pero agad naman nyang itinatanggi ang mga sinasabi ko. Medyo uminit din ang ulo nya sa pangungulit ko.

"Ang sakit naman nun." Sabi nya sabay hawak pa sakanyang dibdib na akala mo eh nasaktan talaga. Napatawa naman ako sa inakto nya.

"Ikaw naturingan ka pa namang angel pero ang talas ng bibig mo." Sabi nya. Napahinto naman ako sa sinabi nya.

"How do you know I'm an angel?"

"bakit hindi ba? Mukha ka naman kasi talagang angel eh, without wings and halo. Mukha lang, pero yung ugali pang demonyo." Tumatawa nya pang sabi. Phew! Akala ko alam nya, kundi lagot nanaman ako sa isa kasi mababawasan na naman ang time ko sa mundong ito.

Si Synjin nga pala ay nagpakilala bilang matalik naming kaibigan ni Amy dati, kaya isa rin yung ang dahilan kung bakit sya ang naisipan kong lapitan para malaman kung anong alam nya sa past life namin ni Amy. Pero hindi ko sya naalala.

"Synj, can you tell me about myself in the past?" tanong ko sakanya.

"Ella. I really wanted to tell you everything, but what's the fun of that?" napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon