intro

2.8K 41 2
                                        

Napalingon naman ako sa may pintuan. Hayyy..isa lang ang masasabi ko, kung ako sakanya, hindi ko gagawin ang bagay na yan, lalo pa't nasa dragon mood si Ma'am. Napatingin ito sakin at ngumiti.Kumaway pa sya sakin. Umiling naman ako telling her na wag nyang ituloy ang kung ano man ang iniisip nya. But she just mouthed, "I'll do it, no matter what.." I replied her, "Good luck" Ingat ka sa mabangis na Agilang sasalubong at dadagit sayo. Nakita ko syang nagbilang at.....

************BBBBLLLLAAGG!!!!******

Biglang bumukas ang pinto at pagulong-gulong na pumasok si Bea, at nagpose sya sa gitna na parang action star habang may band-aid pa ang ilong nya mula kanina. Saktong tumigil pa ito sa harap ni Ma'am at tumingala at nagpogi pose pa.

"Wag kang mag-alala, nandito na ang savior mo, Bea is the name at your service" sabi nya sabay kindat pa.

1....

2....

3....

BOOGSHH

"Ano, ayos ka lang ba?" tanong ko sakanya.

"Ayos lang ako no? Ako pa.." sabi nya

"Halata nga eh.Ang galing mo kanina, turuan mo naman ako tsaka sabay nating gawin some other time."

"ayoko nga, di bagay sa iyo eh." Napapout naman ako sa sinabi nya. Maya-maya din ay nagsalita sya.

"Ella."

"o?"

"Napapansin ko lang, kanina pa nakatingin yun sayo." Sabi nito at itinuro yung Amy.

"Sus, baka guni-guni mo lang yun. Tsaka, bakit ka nga pala dito umupo?Sa beshie ko ang upuan na to ha? Dun ka nga sa upuan mo, malapit kay Tey-tey..miss na miss ka na ng isang yun eh"

"Oo nga pala, si Tey-tey, my besplen, mamaya, baka bugbugin ako ni KKD kapag nalaman nyang pinabayaan ko lang sya kaninang pumunta sa school ng mag-isa. Hindi ko kasi sya nasundo kanina eh..kaya, ihahanda ko na ang mukha at katawan ko.. hahah" sabi nito. Parang baliw lang.

"Bea, kelan ka pa magkakagirlfriend? Para wag ka ng dikit ng dikit kay Tey-tey, baka kasi mamaya nyan mapagkamalan kayong in a relationship kahit di naman. Tapos pag nagdedate sila, always ka pang kasama, chaperone lang ang peg? Baka mamaya nyan, mapagkamalan ka pang kabit."

"Hindi naman lahat ng oras eh nakabuntot ako sakanila no?minsan lang kaya, tsaka siguro nagkataon lang na nakita mo yun? Sumasama ako sa mga lakad nila, kasi yun ang gusto ni Tey, she's like my sister kaya ginagawa ko yung pagbuntot sakanila..tsaka kabit? Haha, mas okay yun."

"Gaga, gusto mo talagang maging kabit?"

"Hoy, di naman, pero pwede din naman, basta sakanya lang."

"Aminin mo nga sakin Bea, may gusto ka ba kay Tey?"

"Grabe ka naman. Bestplen ko lang yun at saka di mo ba narinig yung sinabi ko kanina? I treat her as my sister na rin. At bakit ang tsismosa mo? Wag ganun gurl, teka Girl kaba o boy?"

"Malamang girl ako"

"Ah, so one of the babes ka?"

"hindi din."

"Edi, one of the dudes ka pala?"

"Hindi din,"

"Eh, ano ka?"

"One of the angels.. Joke!!! Tao malamang, tsaka bakit ba tayo napunta sakin? Ano ba status nyo ni Tey-tey?"

"Bestplen at magkapatid nga ang turingan namin, ang kulit mo naman eh, kanina ka pa, isang tanong mo ulit nun, babatukan na kita."

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon