Chapter 2:7

984 21 3
                                        


Deanna's POV

Binaba ko na ang phone ko at tumingin sakanya.

"Sigurado kaba talaga sa address na binigay sayo?" tanong ko sakanya.

"Oo, yun yung sabi ng registrar eh."

"Eh, ano pang hinihintay mo? Kumatok ka na." nakita kong parang nagdadalawang isip pa sya kaya ako nalang ang kumatok dito. Naggulat naman sya sa ginawa ko. Maya-maya ay bumukas ito.

"Pauline. A-anong ginagawa mo dito?" tanong ni Therese sakanya. Teka bakit nandito sya? Ibig bang sabihin nun ay dito sya nakatira? Akala ko magkapatid sya pero bakit nandito sya?

"Pwede ba kitang makausap?"

"Kung tungkol nanaman yan doon Pauline. Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na ayoko. Ayoko ng bumalik pa sa walang kwentang bahay na yun. Lalo na kung nandun sya."

"Therese naman, gusto ka lang naman naming makita't makausap ni Mommy. Nang dahil lang ba dun ay ganyan na rin ang magiging pakikitungo mo samin?"

"Kung gusto nyo ni mommy na makipagkita at makipag-usap sakin ay gagawa ako ng paraan. Pero hindi na ako kailanman tutuntong pang muli sa bahay na yun. Kaharian iyon ng isang demonyo at hindi ako ganun kasama para makipagkita sa isang katulad nya."

"Pero...."

"Tama na Pauline, mahal ko kayo ni mommy at kaya ko to ginagawa ay upang di na kayo madawit pa sa gulo naming dalawa. Alam mong ayaw nya akong makipagkita o makipaglapit sa kahit na isa sa inyo. Sinusunod ko lang ang kagustuhan nya. Umalis ka na. Baka may makakita pa sayo dito at madamay ka pa sa gulo. Hayaan mo nalang kaming dalawa ang magtuos." Sabi nya at agad na isinara ang pinto. Naiwan naman kaming dalawang parehong nakatayo sa harap ng kanyang pintuan. Ako shock sa nangyari habang yung isa naman ay halatang nasaktan sa hindi pagpayag ng kapatid nya. Nakita ko ang lungkot nya sa kanyang mukha. Hindi ko man alam ang nangyari sa pagitan nilang dalawa, pero alam kong apektado at nasasaktan sya ngayon. Hinila ko na sya paalis sa lugar na yun at pumunta sa isang coffee shop na malapit lang naman sa pinuntahan namin at malapit sa university. Ako na ang nagpresentang bumili habang sya naman ay naghihitay lang sa isang waiting shed doon. Nakatulala lang sya nung dumating ako. I sighed at binigay sakanya ang inorder kong strawberry mint caramel frappe. Habang ang akin naman ay isang triple chocolate frappe.

"Salamat." Sabi nya sabay ngiti. Hindi nalang ako umimik at sinimulang higupin ang frappe ko.

"Thank you ha?" napatingin naman ako sakanya, habang sya naman ay binigyan lang ako ng napakatamis na ngiti.

"Thank you kasi, sinamahan mo ako. Kung di dahil siguro sayo, naligaw na ako dun. May pagkalost of direction pa naman ako. Hehe.. tapos nilibre mo pa ako nitong frappe."

"Hindi yan libre. Utang yan."

"Haha! Talaga? Akala ko pa naman libre na.." sabay tawa. Naggulat ako nang binaba nya ang frappe nya at nagpaulan. Umikot-ikot pa sya dito at parang nilalasap nya anng bawat patak nito.

"Wongie! Samahan mo akong magtampisaw sa ulan.!"

"Ayoko."

"Sige na. masarap! Promise!" parang bata nyang sabi at nagtaas pa ng kamay na parang nanunumpa.

"Ayoko nga. Ikaw nalang. Suit yourself."

"Ah, ayaw mo talaga ha?" sabi nya at bigla akong sinugod. Dahil sa gulat ko at sa bilis ng pangyayari ay naout of balance kami pareho. Nakalapat sa malamig na sahig ang likod ko habang sya naman ay nasa ibabaw ko. Pareho kaming naggulat sa nangyari. At parang nafreeze kami that time. Nagkatitigan lang kaming dalawa. Bigla kong naramdaman na bumilis ang pagtibok ng puso ko, at mas lalong nadagdagan nang hinalikan nya ang pisngi ko. At agad na kinurot ito.

"Ang cute-cute ng buddy ko. Tayo na tayo Wongie, baka mamaya eh may makakita satin at sabihin na pinagsasamantalahan kita. Di ko maaatim yun noh?" sabi nya at tumayo na. she extended her hand to me. Sa nangyaring yun ay di ako nakaramdam ng galit o kung ano man. I accepted it at pinagpagan ang damit ko.

"Sorry ha? Ayan tuloy nabasa pa kita."

"Wala yun." Sabi ko. Teka, what's with me? Bakit di ako makadama ng galit or inis man lang? nabasa ako at natumba pero parang balewala lang. tsaka ano yung sinabi ko? WALA YUN? Seryoso? What's happening to me? Yung iba nga eh, halos lumuhod na at umiyak dahil di ko pinalalagpas ang mga naggawa nila. Pero sakanya, balewala lang? there's really a problem with me. Napatingin naman ako sa natapong frappe ko.

"Ayy, sorry. Natapon tuloy ang frappe mo. Sandali lang bibilhan nalang kita ulit." Aalis nasana sya pero hindi ko alam na may sarili na palang utak ang katawan ko at agad hinawakan ang kamay nya para pigilan sya. Nagtaka naman sya.

"W-wag na. K-konti lang naman yun eh.." why I'm stuttering this time? Hindi ko namalayan na hawak ko parin sya sa kamay. Napatingin kaming dalawa dito at unti-unting umakyat ito sa mata. Nagkatitigan kaming dalawa. Nang biglang..........

"Achiiiinnng!" napahilamos naman ako sa mukha ko. Parang feeling ko ang daming laway ang tumalsik sa mukha ko.

"Oh my gershness. I'm sorry wongie. Teka, let me wipe it for you."

"No, don't bother. Ako na." sabi ko at pinunasan ng panyo ang mukha ko. Sya naman ay bahing ng bahing. Ayan kasi, sobrang pasaway, nagpaulan-ulan pa, hindi naman pala kaya ng stamina nya.

"Here." I said and handed her my hanky.

"Naku wag na Wongie. Meron naman ako eh." Sabi nya sabay kapkap sa bulsa nya at bag nya. "Nasan na ba yun?"

"Don't bother looking for it. Take this, baka mamaya nyan eh tumulo na yan. Its definitely gross." Kinuha nya naman ito. And blow her nose hard.

"Ano kaba Wongie? Normal lang sa may mga sipon yan no?" sabi nya sabay bigay sakin ng panyo.

"Ibibigay mo pa yan sakin? Wag na. sayo nalang yan. Nakakahiya naman kasi sayo." Sabi ko.

"Ah, okay. Sabi mo eh. Thank you ulit." Sabi nya sabay yakap sa sarili nya. Halatang nilalamig na sya. Napatingin ako sa sarili ko particularly sa suot kong jacket. Agad ko itong hinubad at ipinatong sa balikat nya. Halata namang naggulat sya sa ginawa ko. Kahit naman ako eh. Bakit ba ako nagpapaka gentleman ngayon?

BEEP BEEEP!!!

Tumingin ako sa kotseng nakaparada sa tapat namin.

"Eto na pala ang sundo ko eh. Paanu? Una na ako ha? Ah panu pala yung jacket mo?" tanong nya sakin.

"Keep it. mas kakailanganin mo yan." Sabi ko at binuksan ang pinto ng kotse nya para sakanya. sumakay na sya pero nung isasara ko nasana ito ay agad nya akong pinigilan. Binaba nya ang isa nyang paa and kiss me on my cheeks. AGAIN.

"Thank you again Wongie. You're the best buddy I have ever had." She said.

"Pumasok ka na nga. Nakakarami ka na. at para malaman mo, hindi dahil sa sinamahan kita ay friends na tayo. Sige na." sabi ko naman. I heard her chuckle kaya napailing nalang ako. Isinara ko ang pinto. Papaalis na sila nang bigla nyang buksan ang bintana at kumaway pa sya. Napakamot nalang ako sa ulo ko sa ginawa nya. Nung medyo malayo na sila ay naggulat ako nang makita ko ang nakakalokong ngiti ng kambal ko sakin.

"Haay." Sabi ko nalang at agad na pumasok sa kotse.

uܗ=ne

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon