Gretch's POV
Ingay ng mga pumupusta ang tanging naririnig ko, kaya di ako makapag-isip. Kaya dumiretso nalang ako sa loob ng kwarto na kaming 4 lang ang pwede. At pati na pala ng mga babaeng dinadala ng tatlo dito.Uyy, wag kayo,alam kong iniisip nyong isa akong Cassanova at papalit palit ng girlfriend. Yes I kiss them pero hanggang dun lang yun, hanggang first base lang ako, di ako katulad ng mga kasamahan ko dito na araw-araw eh my kinakama. [An:Sorry for the word]
"Gre, andyan ka na pala? Are you stepping to the fight?" tanong sakin ni Cherry "CC" Rondina, habang naglilinis ng kanyang gamit.
"Nah! Ayoko, wala ako sa mood ngayon. Gusto kong magpahinga ngayon."
"Sya nga pala Greta, wala ka parin bang nakuhang information tungkol sa half sister mo?" tanong ni Nicole "Nic" Tiamzon na nakahiga sa couch at naglalaro ng playstation.
"Oo nga Greta, ang tagal na ng panahon ng paghahanap mo sa half sister mo, mabuti nalang at hindi naiinip si tito." Sabi ni Michelle Kathereen "Michifu" Morente na may kaharutang babae.
"Anong hindi? Halata namang nirurush nya na ako na mahanap yun eh. Ayoko na munang isipin yan. Nakakawalang gana eh."
"Sabi mo eh. Sa baba muna ako. Maghahanap ako ng wild girls." Sabi ni CC.
"Uyy! Sandali, sama na ako." Sabi naman ni Nic.
"Sige, mauna na kayo. Yayariin ko muna ang isang to. Susunod nalang ako." Sabi naman ni Michifu at agad dinala ang babae sa kanyang kwarto. Natulala nalang ako. Oo, may half sister ako sa ina. Wala na si mama, namatay sya sa sakit, but before she died ay ipinagtapat nya samin ni Dad na may anak pa sya sa iba. Her last and final wish ay mahanap namin sya at maalagaan dahil na rin sa wala na rin syang ama. Pero wala naman kaming makuhang lead na makakatulong para mahanap sya. Yung totoo, gusto ko na talaga syang mahanap, dahil sa solong anak lang ako. Medyo malungkot ang maging isang solong anak. Mahirap at nakakalungkot. Hindi mo kasi maramdaman na may kalaro ka kahit nakakulong ka sa bahay, yung gagawan mo ng mga pranks, yung aalagaan mo, yung mamahalin at poprotektahan mo kahit ganu pa sya katanga at kakulit, yung always mong patatawanin sa twing malungkot at down sya, yung magiging kakampi sa lahat ng bagay, at yung tatawagin kang ATE. Masarap ang ganung pakiramdam sabi nila. Kaya nung nalaman kong may kapatid pa ako sa naging asawa ni mommy dati nung naghiwalay sila ni dad dati mga 2 years old ako nun ay hindi na ako nag-atubili pang hanapin sya, miski si Dad ay gusto nyang makilala yung nakababata kong kapatid. Sa tagal ko ng paghahanap sakanya ay parang minsan ay gusto ko ng sumuko, minsan kasi nakakapagod ang maghanap sa mga taong nagtatago. I feel alone again, everytime na nagkakamali kami ng identity sakanya. kaya minsan napapaisip ako, kami ba ay sinubukan nyang hanapin at kilalanin man lang? isang tanong na pinakaayaw ko.
Nagdesisyon akong tumayo at umalis sa lugar na yun. I went straight to the parkinglot. Nang may grupo ng kalalakihan ang pinagtitripan na naman ang isang walang kamuwang-muwang na babae.
"Halika na Miss. Mas sasaya ka pa saming lima."
"Oo nga, tapos bibigyan ka naming ng tig 5,000. Halika na."
"Ayoko nga sabi eh, hindi ako bayarin!" Nang marinig ko ang boses ng babae ay agad akong natigilan at napalingon sa kinatatayuan nila.
"Wahhh! Tulungan nyo po ako!"
"Manahimik ka nga, kahit magsisigaw ka dyan walang may mag-aatubiling tumulong sayo dito." Walang emosyon akong tumingin dito. Sinasabi ko na nga ba eh. Anong ginagawa nya dito? Nakita kong naggulat sya nang makita ako at kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang takot at paghingi nya ng tulong. Napakahopeless nya talaga kahit kailan. Imbis na lapitan at tulungan sya ay tumalikod ako sakanila at naglakad palayo. Agad naman nila itong hinila palayo. Tss.. bakit ba hindi kita matiis? Agad akong nag U turn at tahimik na sinundan sila. Pumasok sila sa abandunadong bodega, malapit lang dito. Mula sa kinatatayuan ko ay rinig na rinig ko ang mga hikbi nya. Natatakot sya eh kasalanan nya din naman. Kainis! Naghihintay lang ako ng tyempo na pumasok nang biglang....
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fanfictionmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...