Still Bea's POV
"Ella." Agad kaming napalingon sa taong tumawag kay Ella.
"Ho." Nasambit ko nalang.
"Ano pang ginagawa nyo sa labas? Kanina pa nagtime ah?"
"Aware naman kami sa time. Eh ikaw? Bat nandito ka pa? Siguro tinapos mo muna yung session mo sa girlfriend mo no?" Ella said. Napangiti si Ho sa sinabi ni Ella. Pero kung ako kay Ho, matagal ko ng sinapok itong si Ella eh, medyo below the belt na rin minsan kasi yung sinasabi nya. Ginulo nya ang buhok ni Ella na ikinaprotesta naman nito. Kung titingnan parang aliw na aliw siya dito, para silang magkapatid.
"Argh! Greta! Mahirap magsuklay kaya."
"Ang sabihin mo tamad ka lang."
"Yeah right. Whatever. Tara na nga." Sabi ni Ella at nauna ng maglakad. Nagkatinginan naman kami ni Ho. Isang walang emosyong tingin ang ipinupukol nya sakin.
"Isa lang ang masasabi ko sayo De Leon, layuan mo si Ella. Wala kang maidudullot na maganda sakanya. Kaya kung ako sayo, layuan mo nalang sya. Dinadala mo sya sa kapahamakan."
"Kung tungkol iyon nung huli sa cafeteria, inaamin ko yun sa sarili ko at pinarusahan ko na ang sarili ko sa bagay na yun na si Ella ang syang umako, pero wala kang karapatang diktahan ako sa dapat kong gawin Ho, wala ka sa lugar." Ang kaninang walang emosyon ay napalitan bigla ng katakot-takot na seryosong mukha.
"Binabalaan kita De Leon, kapag di mo ginawa iyon at napahamak muli sya. Hindi mo magugustuhan ang kung anong mangyayari sayo."
"Binabantaan mo ba ako Ho? Pasensya na pero hindi mo ako basta masisindak sa mga pangbabanta mo. Hindi ko rin gagawin ang kung anumang inuutos mo. Hindi ikaw si Ella at gagawin ko lang yun kapag sya na mismo ang nagsabing layuan ko sya." Para namang nainis sya sa sinabi ko. Hindi nalang ako ulit nagsalita at sumunod na kay Ella. Totoong hindi talaga ako natatakot sa banta nya sakin. Ang mamatay nga sa mga ginagawa kong kalokohan hindi ako natatakot, pagbantaan pa ba ako? Tsaka isa pa, Ella is worth of my life. Hindi ako papayag na mawala pa ang isang taong nagparamdam sakin na hindi nya ako iiwan at tanggap nya ako sa kung ano ako.
"Ano ba't natagalan kayo bago sumunod sakin?"
"Wala yun Elz." Halata namang hindi sya kumbinsido sa sinabi ko pero halatang pinipilit nyang wag nang magtanong pa. Nung nakarating na kami sa room ay pinigilan nya ako.
"Bakit?" I asked her.
"Siguruhin muna natin na yan na yung room natin." Sabi nya. Iniangat naman namin ang tingin namin.
"Eagle Class. O ayan okay na?" tumango naman sya. Napangiti naman sya.
"Tara, gawin na natin yung ginawa natin sa Archer class." Aya nya sakin. Napangiti naman ako sa sinabi nya. How can I let go someone like her? Mabait, at sya lang yung taong hindi against sa mga kalokohang naiisip ko. And take note sya pa ang nag-iinsist na gawin ang bagay nay un. Napatingin ako sa kanan ko at nakita ko ang seryosong mukha ni Ho sakin. May pinapahiwatig sya sa mga mata nya. Pero isinawalang bahala ko nalang. Hindi ko sya maintindihan. Bakit ba alalang-alala sya sa kapakanan ni Ella? Hindi kaya, may pagtingin sya dito? Yun kaya ang dahilan? Kung oo, may dahilan nga naman talaga syang maging protective kay Ella. Nabalik ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang paghawak nya sakin sa braso.
"Ano? Game?"
"Game." Pumwesto na kami. Ready na kaming lumusob nang biglang bumukas ang pinto na nagpatigil samin. Napatingin kami sa isang particular na tao na nakatayo sa may pintuan at may itim na aura na bumabalot sa kanyang katawan. Naku! Hanggang ngayon bad mood pa rin sya?
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Hayran Kurgumakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...