An: sorry ngayon lang nakapag-update...... hope na magustuhan nyp ito.. like and comment kayo ha? para mainspired naman si ako.. heheh
Deanna's POV
Nagkukunwari akong tulog ngayon sa kwarto ko. Parang bumigat ang pakiramdam ko kanina nang dahil lang sa nangyari kanina. I hate him, I really am, and he's not worth it of second chance. Dapat hindi ko na sya nakita pa, hindi sana ako naging ganito ngayon. Narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ako sumagot at nanatiling nakahiga lang sa kama ko at nagtabon ng unan sa mukha. Even without my permission ay binuksan nya ang pintuan at pumasok.
"Zab?" naramdaman ko naman ang paglapit nya sakin. "Zab, pwede ba tayong mag-usap?"
"May dapat ba tayong pag-usapan?"
"Alam mo Deanna, itigil mo nga ang pagiging matigas ang ulo."
"Tsss, nagsalita yung hindi."
"Look, I'm trying my best here to understand you dahil alam kong nasasaktan ka pa rin sa mga nangyari, pero hindi naman ay palaging ganito na lang lagi, you should also give him a a chance to explain his side and a second chance to prove he's worth to us." Agad naman akong napabangon sa naging pahayag nya at nagsmirk.
"Ow, should I really have to give him a chance? Tss, at ano pa ba ang dapat nyang iexplain? Sige, sabihin natin na pwede syang mag-explain, but its also he's chance para pabilugin muli ang utak natin."
"Hindi mo pa kasi naririnig ang side nya kaya ka ganyan."
"Oo tama ka. Nang dahil sa kagaguhan nya kaya ako naging ganito. He's the reason why I became like this."
"Wag mo syang pagsasalitaan ng ganyan Deanna, wala ka sa posisyon para sabihin na isa syang gago, and like what Deann? Tell me like what?" hindi naman ako umimik but instead ay inilihis ko ang tingin ko sa ibang direksyon at humigang muli at nagtabon ng unan. "Alam mo Deann, naging ganyan ka dahil ikaw mismo ang gumagawa nyan sa sarili mo, matigas ang ulo mo at ang puso mo sa pag-intindi. Konting unawa at time lang naman ang kelangan Deanna eh, pero hindi mo pinayagan. Kung sa tingin mo ay naging ganyan ka dahil sa kasalanan nya, then I'll tell you Ma. Deanna Izabella Wong Morado na mas may kasalanan ka dahil naging sarado yang utak mo sa pag-iintindi." Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. I heard her sigh. "I understand na nagkakaganyan ka dahil sa nasasaktan ka parin. Hindi lang naman ikaw ang nakaramdam ng ganyan eh, pero sana katulad ng ginawa namin ni Mama, ay mahanap mo rin dyan sa puso ang forgiveness. Try to listen to him Deann, wala namang mawawala kung magtatry ka eh. Magpahinga ka na twin. Goodnight." She said at umalis na sya. Agad ko namang inalis ang unan na nakatabon sa mukha ko at nanatiling nakatingala lang sa may kisame. Agad kong pinunasan ang luhang natuyo na sa pisngi ko at agad na tumayo sa kama ko at kinuha ang jacket ko, bonet at cellphone. I put my headphone in my ears and started to play music. I escape through my window at agad na natungo patungong university, walking distance lang naman kasi yun, pero dahil tamad kaming maglakad ay dinadala namin yung kotse para in case of emergency daw. Agad akong dumiretso sa rooftop na madalas kong tambayan para mag stargazing and also to think. Pagdating ko doon ay isang babae ang nakaupo sa may railings nito, katulad ng madalas nyang ginagawa. Likod palang ay pamilyar na sakin, sya yung taong walang ibang ginawa kundi ang mangulit sakin.
"Gabi na Wongie ah, bakit nandito ka pa?" tanong nya nang hindi lumilingon sakin. Paano nya kaya nalaman na ako yun?
"None of your business." Sabi ko. I heard her chuckle and lumapit ako sa kinaroroonan nya at ginaya ang posisyon nya.
"Ikaw anong ginagawa mo dito? Gabi na ah?"
"Ayiiee, si Wongie concern sakin." Napailing nalang ako.
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fanfictionmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...
