Chapter 3:1.2

820 24 2
                                        

Bea's POV

"Bea!" ayan nanaman sya. Waaahh!

"Wag kang lalapit. Tama na, natatakot na ako sayo. " sabi ko na nakapikit ng mata ko sabay cross ng fingers ko. Nang bigla akong nakaramdam ng malamig na hangin at kasunod nito ang malakas na pagbatok sakin.

"Ouch!"

"ano ba yang pinagsasabi mo? Para kang tanga."

"Ella?"

"Kanina pa kita tinatawag pero tinakbuhan mo lang ako, para kang nakakita ng multo at grabe pa yung sinabi mong 'hindi kita matutulungan sa pagkamatay mo'... Wala ka naman talagang kinalaman sa pagkamatay ko."

"Anong sabi mo?" di ko kasi narinig yung huling sinabi nya.

"Wala."

"Teka, i-Ikaw ano namang ginagawa mo dito?"

"Nakita kasi kita kanina na papunta ka dito. Tinatawag nga kita pero parang hindi mo naman ako narinig kaya sinundan nalang kita dito. Ikaw bat ka pumunta dito?"

"Tinitingnan ko lang kung totoo yung rumours na haunted daw ang building na to at may nagpaparamdam daw dito. Akala ko totoo na eh, ikaw kasi."

"Hindi naman ako white lady eh, angel ako." Bulong nya.

"Anong binubulong-bulong mo dyan?"

"Wala yun. So ibig bang sabihin nun, akala mo ako yung multo kaya ka tumakbo?"

"Absolutely! Phew! Akala ko talaga totoo na, konti na lang talaga at mamamatay na ako sa takot at kaba kanina."

"Natatakot ka rin pala?"

"Malamang. Anong akala mo sakin? Robot na walang pakiramdam, pero actually kahit mga robot ngayon eh may mga pakiramdam na rin."

"Haay naku. Tumayo ka nga dyan. Kalokohan mo nga naman talaga." Sabi nya at agad na inabot ang kanyang kamay upang tulungan akong tumayo. Agad ko naman itong inabot. Sa pag-abot kong iyon ay biglang tumaas lahat ng balahibo ko.

"Elz, bakit ang lamig ng kamay mo? Humawak ka ba ng yelo kanina?" reklamo ko sakanya habang pinapagpagan ang damit ko.

"Ah, oo, umiinom kasi ako ng malamig na milkshake kanina." Sabi nya.

"Ang aga-aga naman ng pag-inom mo ng milkshake."

"Eh, paki mo ba? Eh sa nagcrave ako eh. Tara na nga baka malate pa tayo eh." Sabi nya at lumabas na ito.

"Ella, thank you ha?"

"Thank you? Para saan?"

"Sa pagsalo mo sakin noon."

"Bakit nafall ka ba sakin?" binatukan ko nga. "Aray Bea ha? Masakit yun."

"Seryoso nga kasi. Hindi nga kasi yun. About yun sa cafeteria.."

"Sus, tagal na nun, ngayon ka pa lang nagthank you? Deh joke lang. wala nay un sakin Bei. Tsaka hindi naman ako pinalinis ng buong cafeteria eh. Binatukan lang ako." Nakangiti nyang sabi..

"Nga pala, bakit wala ka nung nagdaang dalawang araw?"

"Ah kasi absent ako nun?" this time ay ako naman ang binatukan nya. napahawak nalang ako sa batok ko habang sya naman eh binigyan ako ng umayos ka look.

"Nagkasakit kasi ako."

"Nagkasakit? Tinatablan ka rin pala ng mga bacteria?"

"Anong akala mo sakin? Superhuman? Syempre, paminsan-minsan eh kailangan din natin ng bacteria sa katawan natin kahit papanu."

"Sabagay, may point ka rin dun." Papasok palang kami ng building namin nang biglang tumunog ang bell. Nagkatinginan kaming dalawa at nagpaunahan na kaming umakyat ng hagdan patungong classroom namin. Merong hilahan ng bag para ipahuli ang isa't-isa.

"Elz."

"O?" hingal nyang tanong habang nakatingin sakin.

"Gusto mong gawin yung ginawa ko sa room nung isang araw?" para namang nagtwinkle ang mga mata nya at napangiti sa sinabi ko. Nung nasa tapat na kami ng room ay agad kaming lumusob sa pinto. Pero...

BOGHSHHH!

Pareho kaming napahawak sa bunbunan namin dahil sa sakit.

"Ouch. Anong nangyari?"

"Nakasarado yung pinto eh."

"Sige isa pa. Don't worry this time, we will get it right." I assure her.

"Pagkabilang ka ng tatlo, lulusob na tayo."

"Okay." She said while twitching her head and stretch her arms.

"Okay.. 3!!" sabi ko at agad kaming lumusob. Yun nga lang....

BOGSHHH!

Sa paglusob namin ay biglang bumukas ang pinto kaya napadiretso kami sa loob at nakatama sa may teacher's table, pero gumulong ulit kami pabalik sa center at doon nagpose. Ginaya ko yung pose ng isang karate, habang sya...

"Ano yan?" nakataas ang dalawang kamay nya na ang wrist nya ay nakacurve. Yung right knee nya ay nakalevel sa kanyang legs.

"Di mo ba alam kung ano to? Tinatawag itong Eagles style!" napansin namin na tahimik. Siguro naspeechless, sila sa ginawa namin ni Ella. Naggulat nalang kami nang bigla kaming binatukan ng kung sino. Nilingon namin sya at naggulat kami sa nakita namin.

"Ma'am Aby? Ano pong ginagawa nyo dito?"

"Ako dapat ang magtanong nyan sainyo. You two, what are you doing in my class?" medyo galit na tanong ni Ma'am samin. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Ella at dahan-dahang iniikot ang aming tingin. Mga gulat at nagtatakang mukha ang nakita namin, pero may iba na galit ang nakarehistro sa kanilang mga mata. Naku, mas masahol pa sila sa gutom na leon, parang lalapain ka any time sa mga tingin nila. Agad kaming napakamot ng ulo ni Ella. Mali kami ng napasukan.

"Hi Ella!" bati ni Reyes sakanya. Nahihiya namang ngumiti si Ella sakanya.

"Tell me, what do you think you are doing here, Ms. De Jesus and Ms. De Leon?"

"Nagpapractice po." Sagot ni Ella..

"Ang cute nya talaga." Sabi ni Mika habang di maalis ang kanyang tingin kay Ella.

"Nagpapractice?"

"Oo Ma'am, nagpapractice po kami sa pagiging action star. Di ba Elz?" sabi ko sabay hawak sa balikat nya at tinutulak sya paalis sa lugar nay un.

"Oo Ma'am. Ayos na po ba? Kasi ipapakita po namin kay Ma'am Cha eh." Sabi nya. Nang mapansin kong parang babatukan nya kami ay agad kong hinila si Ella palabas ng room nay un.

"Bye Ma'am!!! Alis na po kami!" sabi ko. At tumakbo na kami palayo sa lugar na yun.

"Bea, bat tayo napunta sa Archers?"

"Malay ko? Bat ako ang tinatanong mo? Eh pareho lang tayong naggulat na napadpad tayo dun." Hinihingal kong sabi.

m28#

An: haha ang kulit talaga ng dalawa. wag kayong magsawang subaybayan ang dream class ha? arigato!!!!

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon