Third person's POV
Nakita ni Ella ang malungkot na mukha ni Ponggay.
"Ano nanaman kaya ang problema ng isang to??" tanong nya sakanyang sarili.
Si Mae, as usual sa drawing book parin nya nakatuon ang pansin. Si Amy naman ay gusto ng kausapin si Ella pero alam nyang busy pa ito kaya nag-iisip na rin sya ng maaaring makatulong dito. Si Bea T. ay busy sa kanyang cellphone. Si Jho ay nakaupo lang ng matuwid at walang imik sa kanyang upuan. Si Ponggay ay nakatungo lang sa may bintana. Absent si Therese. Si Fille naman ay nakatingin lang ng pasimple kay Gretchen na nakangiting nakikipagtext sa isa nanaman nyang babae. Si aly, nakikikopya ng assignments kay Den, habang si Dennise naman ay nakatingin lang dito at ngumingiti-ngiti. Si Marge at Jirah, walang pansinan, si Marge kasi ay nakatuon lang ang atensyon sakanyang SHEG/D (Second-Hand Electronic Gadgets/ Devices).. habang si Jirah ay kinakausap ni Gizelle tungkol sa kung anu-ano. Si Fel at Laura, ayun nag-uusap nanaman ng tungkol sa make ups, but Fel's eyes always looking at the girl beside her, na walang pakialam sa mundo, nakaheadset at nakaub-ob lang kasi sya sa desk nya. Si Rad ay tahimik lang na pinagmamasdan si Alyssa, may lungkot, sakit at selos syang nararamdaman, pero tinatago nya ito sa isang ngiti. Ayaw nyang may makakita ng kanyang lungkot, pang bad vibes kasi yun, yun yung paniniwala nya. Si Jovelyn naman ay patuloy sa kanyang pagbabasa ng kanyang libro pero nakikiramdam lang sya sa kanyang paligid. Kaya nararamdaman nya ang lungkot na nararamdaman ni Rad.
"Ayos ka lang ba?" di nya mapigilang matanong. Napatingin naman sakanya si Rad at nagtataka.
"ako ba kausap mo?" tanong ni Rad. Hindi nya kasi sigurado kung sya ba nag kinakausap nito lalo na't nakafocus ito sa kanyang libro. Napatingin naman si Jovelyn sakanya.
"Oo, ikaw. Kanina ko pa kasi nahahalatang parang malungkot ka. Ano bang problema?" sinuklian naman ni Rad si Jovelyn ng isang napakagandang ngiti.
"Ayos lang ako, wala namang problema." Hindi man kumbinsido si Jovelyn ay ibinaling nalang nya ulit ang kanyang tingin sa kanyang aklat.
"Alam kong ayaw mong magshare pa sa ngayon, pero kung kelangan mo ng kausap o kung may kailangan ka man, wag kang mahihiyang magsabi sakin."
"I guess, some other time." She said.
Si Dzi naman ay nakikipagtalo nanaman sakanyang vice mayor na si A.
"Ano ba Nacachi? nakakainis naman eh."
"Bakit? Totoo naman ah? Di ba di ka naman papayag sa ganung sitwasyon kaya hindi ko nalang kinuha"
"Pero opportunity yun sa class."
"Sa tingin mo ba, mananalo tayo? Sa kalagayan palang natin ngayon, Teamwork and Cooperation, dehado na tayo."
"Sabagay, may point ka din dun, pero kahit na. haler kapag nanalo tayo dun, free trip to boracay"
"Ewan ko sayo, mayaman ka naman pero napakakuripot mo, buti pa si ano.."
"Sino Nacachi?"
"Wala, sabi ko, matutulog na ako." And ayun, tulog nanaman sya. Habang si Jia naman ay nagbabasa nanaman ng isang book about Greek mythology, yung The Odysseus. And as usual huli nang dumating si Maddie.
"Alam ko na ang gagawin, one step at a time"
Maya-maya ay biglang dumating si Charo na may galit sakanyang mukha. Agad naman silang nagsiupuan. Matagal na nilang adviser si Charo kaya alam na nila ang ugali nito. Agad na nagsiupuan sila ng maayos nang makita nila eto. Mga takot rin eh.
"I was so disappointed with you guys, especially with you, De Jesus, I want to see you right now, we will discuss something important." Seryoso nitong sabi at umalis na ito. Napatingin naman lahat kay Ella, lalo na si Bea na kararating palang. Tumayo ito, at binigyan nya ito ng ayos lang ako look and her smile to ease their nervous self before she left. Nadaanan nya pa si Bea na nasa malalim na pag-iisip.
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fanfictionmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...
