Chapter 2:4

1K 21 1
                                        


Ella's POV

Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa puso ko, hindi ko yun matukoy pero may isa akong narecognize at iyon ay PAG-AALALA.

"Ayos ka lang ba Ella?" tanong ni Ate Cha sakin habang ibinababa ang hawak nyang juice. Kanina pa ako dito sa bahay nya pero may inasikaso pa syang importanteng bagay kaya ngayon palang kami nakapag-usap.

"Okay lang. ewan, may kung ano lang pong weird akong naramdaman."

"What do you mean?"

"Hindi ko rin po maintindihan, biglaan nga lang po eh, basta may kung anong bagay at bigla nalang bumilis ang pintig ng puso ko." Nilapitan nya naman ako at inilapat ang isang heartshape royal blue necklace ang itinapat nya sa puso ko.

"Ano yan ate?"

"Masama ang bagay na to."

"huh? Anong ibig nyong sabihin dun?" naupo sya kaharap na upuan ko.

"Alam mo ba kung bakit kita pinapunta dito?"

"Ahm, dahil po ba yan sa nangyari kahapon sa cafeteria?"

"Actually isa yun sa concern ko Ella, pero pinakiusapan ko na Student council at ang dean na kargo ko na ang isang to."

"Eh, ibig sabihin kayo ang magpaparusa sakin?" umiling sya sa sinabi ko. "Kung ganun po eh, ano po ang dahilan?"

"May alam na ako tungkol sayo."

"Alam?" bigla akong kinabahan sa sinabi nya pero hindi ko pinahalata. "Ma'am naman, syempre naman, estudyante mo ako. Alam mo yung pangalan ko, nasayo ang NSO ko pati na yung registration form ko. Sa apat na taon ba naman nating magkasama, ngayon mo lang ako nakilala?"

BOGSHHH!

Binato nanaman nya ako ng unan sa mukha.

"Ma'am naman, bakit ba ang sadista mo? Hindi ka talaga nyan makakaakyat sa langit sige ka."

"Ako pa tinakot mo? Tsaka hindi pa ako ulit handang bumalik dun."

"Huh?"

"Katulad mo Jorella, isa rin akong anghel."

"Anghel? Weh? Di nga? Baka demonyo?"

BOINK! Another throwpillow nanaman ang tumama sa ulo ko. Kaya ayokong sumama sa kanya eh. Solong-solo nya akong saktan.

"Seryoso ako Jorella."

"Haay naku Ma'am, palagi ka namang seryoso eh. Smile ka naman nang may manligaw naman sayo."

"Alam mo kasi Jorella, nung nabubuhay pa ako sa nakaraan, eh hindi naman talaga ako ganito. Isa akong masiyahin at makulit na babae katulad mo. Kaya nga na take for granted ako at namatay dahil hindi ko kinaya ang depress na nadarama ko noon."

"So, matanda ka na pala talaga."

"Heh! Manahimik ka nga!"

"Haha. Kaya pala ganyan ka kasi madali ka ng magmenopause." Nakita kong balak nya nanaman akong batuhin, kaya tumahimik nalang ako. Pero teka nga, anong sabi nya?

"Eh, kung isa kang anghel bat ngayon nandito ka?"

"Katulad nga ng sinabi ko, matagal na akong namatay. I was 16 years old that time and it was really not my time to die."

"Paano nyong nasabing hindi pa ninyo time to die?"

"Siguro naman pinakita sayo yung candles of life?"

"Yung mga kandilang nakasindi at nakaassign sa bawat isa sa mga tao dito sa mundo?"

"Yes. Pareho nang sayo, namatay lang ang sindi ng kandila ng buhay natin. Nang dahil sa isang aksidente kaya ito nawala. At katulad mo, ay binigyan din ako ni God ng isa pang pagkakataon para bawiin ang buhay na nawala sakin, so I also undergo a mission. At nang nagmission accomplish ako ay binigyan ako ni God ng isang pagkakataon para mabuhay... sa ibang katauhan nga lang at walang maalala sa nakaraan." Tumayo sya at may iniabot saking isang folder. Agad ko naman itong binuksan at binasa. Naggulat ako nang mabasa ko ang nilalaman nito.

"Kung papaano ko nalaman? May isang kaibigan akong nagsabi sakin. Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit hanggang ngayon ay kilala ka pa at naalala ka pa rin nila." Hindi ako sumagot sa kanyang katanungan. Bigla akong nakadama ng takot.

"Ano nga ba ang dahilan para bumalik ka? Anong mission ang dapat mong iaccomplish to get your life back ha Jorella?"

"Ma'am pwedeng Ella nalang, nakakarindi po kasi ang Jorella, it sounds like a gorilla." Napa roll eyes naman sya sa sinabi ko. Tumahimik ako sandali. Ano bang dapat kong gawin? Dapat ko ba syang pagkatiwalaan?

"Ahm, pwede po ba akong magtanong?"

"Tungkol saan?"

"Hmm, yung kahapon, bat po naisipan nyong maging core ang Happy, Unity, Heartstrong ngayong gagraduate na kami? Bat di nyo yun tinuro nung nagdaang year?"

"Yun talaga kasi ang gusto kong huli nyong matutunan. Yun din kasi ang isa sa mga matinding naging lesson sa akin na hindi ko kelanman makakalimutan. Tsaka yun din yung mission ko noon, ang ipaintindi sa isang particular na tao ang tunay na kahulugan nito." Siguro ito na yung sign ko. Mapagkakatiwalaan ko naman sya di ba boss?

"Ahm, mapagkakatiwalaan naman po kita di ba?" Her eyebrows creased of what I've asked her. Pero agad ding nabawi at seryosong tumingin sakin, diretso sa mata.

"You know what Ella. Strict, terror, bayolente man akong tao pero marunong naman akong umintindi at magkeep ng promise, tsaka malay mo, matulungan pa kita sa kinahaharap mo, na maaccomplish ang mission mo."

"Actually, matutulungan nyo nga po ako. Yung kahapon na HUH, ay isang malaking tulong upang mapadali ang mission ko."

"Anong ibig mong sabihin dun?"

"Meron akong 5 mission na dapat tapusin."

"Lima? Bat ang dami naman nun?"

"Opo, lima. Limang mahahalagang leksyon na dapat matutunan ng Eagles. Ako rin naman ang gumawa ng kasunduan, una ay dapat si Alyssa lang ang mission ko, but since konektado naman ako sa lahat ng miyembro ng class natin ay lahat sila ay kailangan kong tulungan."

"Teka, kung buong Eagles ang tutulungan mo, ilang ang contract span mo?"

"Ate naman, di makapaghintay?"

"Sorry-sorry, masyado lang kasing mabilis ang mga pangyayari. Go on.."

"Yun nga, kailangan ko yung limang yun na iaccomplish, at tulungan sila sa kani-kanilang mga problema, especially sa side ng mga dudes, kasi most of the problem ay sakanila nanggagaling, specifically Alyssa."

"So, ano yung Limang yun?"

"My contract is also quite same with you, they should learn the 5 words regarding to their situation right now. The Happy, Unity, Heartstrong, Forgive and Faith in a contract span of 4 months. Wala ring dapat makaalam sa kalagayan ko coz once na may makaalam ay mababawasan ako ng 7 araw sa contract span kung hindi sya kasali sa mission ko, but kung isa sya sa mga mission ko ay maaaring hindi na nya ako maalala, and the worst scenario of that is my mission will be FAILED. At naalala ko kailangan ko ring mahanap ang taong nakakonekta sa buhay ko at protektahan sya, dahil kapag may masamang nangyari sakanya damay pati ako."

"Yun yung kanina, so kailangan mong mahanap sya as soon as possible." Tumango ako. "4 months, nabawasan pa ng 7 araw. Kung ganun dapat ring mahanap mo ang time keeper mo para mabantayan mo ng maigi ang contract span." Tumango ulit ako. "Pero, papanu kung hindi mo maaccompplish ang mission mo?"

"May chance na hindi na ako makabalik pang muli." Malungkot pero nakangiti kong tugon.

"Wag kang mag-alala, tutulungan kita. Hinding-hindi mangyayari yun."

"Okay lang naman, kaya lang naman kasi ako bumalik ay para sakanila. Sila ang dahilan upang bumalik ako. Gusto kong maging ayos silang lahat bago ako mawala sa mundong ito.."

A]D/

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon