Chapter 3:5.2

739 22 2
                                        

Mae's POV

Agad akong pumunta dito sa secret garden kung saan ay kami lang ang nakakaalam ni Ella at kung saan ay nakuha namin si Cepta at kinupkop namin sya bilang isang anak namin... Agad akong umupo sa bench doon at napahinga nalang ako ng malalim.. naiinis ako sa sarili ko, kasi nauunahan nalang ako palagi ng mga karibal ko...

Naiinis ako sakanila..... Pero mas naiinis ako sa sarili ko.. kasi nagpapakatorpe nlang ako sakanya.. natatakot nalang ako palagi dahil alam ko ang pakiramdam kung panu mareject.. tss.. ano ba yan???

Kanina, nakikipag away ako sa tatlong itlog na yun nang dahil sakanya.. hindi ko kasi maatim na may ibang minamaliit lang sya..

Flashback...

Kakagaling ko pa lang sa secret garden kung saan ay always kong pinupuntahan para magdrawing..
Papunta na sana ako sa may gym para sana kausapin si Valdez na bestfriend nya.. may gusto sana akong itanong sakanya.. nang biglang may narinig akong nag uusap sa may open field..

"Alam nyo, crush ko talaga yung si Lazaro eh.. kaso kahit ano pa ang gawin kong papansin ay hindi man lang ako matapunan ng kahit konting atensyon.." sabi nung isang kalbo na mukhang mouthpiece.. may suot sila na uniform ng ADLSU at sa may kaliwang bahagi ng manggas ng uniform nila ay may logo ng Sagittarians. Isa sa section ng Extraordinary class.. na binubuo ng mga troublemaker at may exceed record na sa guidance pati na rin sa pulis.

"Ano ka ba? Hindi ka talaga papansinin nun eh ang panget mo,. Ako dapat talaga ang nababagay sakanya.." sabi nung isa naman.. hindi ko nalang sila inintindi at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad

"Gago!!! Mangangarap nalang kayo ng babae, sa isang imposible pa... Dapat makareality naman, katulad nung bestfriend ng Valdez na yun.. si Ella pig.. hahhah... Pag nakuha ko yun.. gagawin ko syang alaga tapos kakatayin ko sa sarap at sa sakit.. hahah" may pagnanasa sa mga mata nito,
nang marinig ko ang pangalan ni Ella ay bigla akong natigilan... Napayukom ang kamao ko sa sinabi nung isang mukhang unggoy... Pumulot ako ng bato at ibinato sakanila..

"Puchak!!! Sinong bumato nito?" Galit na tanong ng unggoy. Agad naman akong nagpakita..

"Ako, bakit?" Mapanghamon kong tanong sakanya..

"Abat pare, lumalaban..." Sabi naman ni mouthpiece.. o para mandiri kayo pustiso nalang..

"Heheh, pare, isa namang extraordinary eh.. kabaro natin.." sabi ni panget habang kunwari inaayos ang damit ko pero alam kong binabalaan nila ako, sa lakas at higpit ba naman ng kamay nila?? Agad ko namang hinawakan din ng mahigpit ang kamay nya at iwinaksi ito.

"Naku tangkad, baka nagkamali ka ng kinakalaban.. baka hindi mo kami kilala.." sabi ni unggoy..

"Wag kayong mag alala.. kilala ko kayo..ikaw si panget, ikaw si pustiso at ikaw si unggoy" sabi ko..

"Aba't gago ka ha?" Inis na itinulak ako ni pustiso...

"Mukhang hindi mo kami kilala.. pwes magpapakilala kami sayo.. pero mas maganda kung marami tayong audience di ba? Boys?" At tumango ito.. agad naman akong hinawakan ng dalawa at kinaladkad papunt sa gitna ng open field kung saan ay maraming estudyante ang naroroon.. tumatambay at ang iba ay nagpapractice ng ibang sports..

Malakas nila akong itinulak. Kaya napasub-sob ako sa may damuhan.. doon namin naagaw ang mga atensyon ng mga estudyante doon..

"Pormal kaming magpapakilala sayo.." sabi nito ng nakangisi pa..

"Ako si LA Revilla..."

"Mas bagay sayo ang pustiso.." napakunot ang noo nya sa sinabi ko at agad akong kwinelyuhan. "Ang tapang mo ha? Mabuti ngat nagpapakilala kami sayo ng pormal"

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon