Chapter 4:5.2

574 12 9
                                    


Bea's POV

narito na ako sa may jeusinth para hanapin si Jho at Baby Xander. Saan ba kasi yun nagpupunta tsaka sabi ko kay Jho kanina na iupdate niya ako kung nasaan sila. habang naglalakad ako ay patuloy pa rin ako sa pagdial ng number ni Jho baka sakaling makontak ko sya.

"The number you have dialled is...."

agad kong binababa ang tawag kasi kanina pa ganun ang sumasagot sa kabilang linya.

nakarating na ako sa may cafe palagi naming pinupuntahan ni Jho, nagbabakasakaling baka nandun sya. Hindi nga ako nagkamali dahil nandun nga sya. Nakaupo sa sa isang tabi sa usual na seat namin, busy ito sa pakikipaglaro kay Baby Xander. Agad akong pumasok sa loob para puntahan sya, papalapit na sana ako sakanya nang biglang may umupo sa harap nya, isa sa taong kinaiinisan ko. Si Nico.

Si Nico ay yung manliligaw nya na ayaw na ayaw ni Jho, Pero bakit magkasama sila ngayon? anong nangyayari sa mundo at bakit sila magkasama ngayon.

Baka pwinersa nanaman ni Nico si Jho kaya sumama sya dito. tama! yun nga, wag ka mung mag isip ng kung ano Beatriz. Lapitan mo na para makaalis na kayo rito. Kaya humakbang ulit ako papalapit sakanila pero ang mga sumunod na nangyari ay nagpaconfuse sakin at nagpakirot sa puso ko, at nagpasakit sa mga mata ko.

Hinawakan ni Nico ang mga kamay ni Jho at masuyong hinalikan ito, pero hindi iyon ang ikinagulat ko, naggulat ako nang makitang wala man lamang kung anong reaksyon si Jho, at hinayaan nya lang ito sa kanyang ginagawa. ano ba talagang nangyayari? Hindi pa nakuntento at lumipat pa ng upuan si Nico para makatabi si Jho at niyakap ito pero nakapagatatakang ni wala man lamang na kung anong reaksyon si Jho.

Nagbago na ba ang isip ni Jho kaya ganito ang nangyayari? Pero bakit ako nakakaramdam ng sakit? bakit ko tu nararamdaman? anong nangyayari sakin? bakit tumutulo ang mga luha ko? bakit parang ang sikip sikip ng dibdib ko? ano bang nangyayari sakin?

agad kong iniiwas ang mga tingin ko sakanila at nagsimulang humakbang palayo.

ano ba tung nararamdaman ko?

ayoko nitong nararamdaman ko, ayokong nakikita silang magkasamang dalawa, ayokong nakikitang may ibang kasama si Jho, gusto ko nasa tabi ko lang sya, nagseselos ako.. teka ano? Ko magseselos ? bakit naman ako magseselos? wala naman akong karapatang magselos eh kaibigan ko lang naman sya di ba? di ba? OO! kaibigan ko lang sya at wala nang iba at saka meron na akong dream girl, Loyal ako kay dream girl kaya hindi pwedeng mangyari yun.

naglakad ako palayo sa kinaroroonan nila at nagsimulang maglakad kung saan.. kung saan payapa at makapag iisa ako.

BEEEEEPPPPPP!!!!!!!!

"Bea!" naggulat ako sa tumawag sakin at marahas na pag hila sakin.

"Magpapakamatay ka ba?" rinig kong sigaw ng taong humila sakin.

"EJ?" gulat kong sambit. "Anong ginagawa mo dito sa may kalsada?" tanong ko

"At ako pa talaga ang tinanong mo nyan ha? Kanina pa kita tinatawag kasi nakakaabala ka sa gitna ng kalsada pero halatang hindi mo naman ako naririnig, magpapakamatay ka ba?"

"Ha? ako! magpapakamatay? bakit naman ako magpapakamatay?"

"At ako pa talaga ang tinanong mo nyan? ano bang nangyayari sayo? bakit parang lutang ka ngayon/ may problema ka ba?"

"Ha ako? wala akong problema.. kelan pa ba ako nagkaproblema."para namang hindi sya kumbinsido sa sagot ko. OO nga kelan pa ko nagkaproblema, wala namang dapat problemahin..

Talaga ba? di ba namomroblema ka kanina sa pag distinguish ng nararamdaman mo? kaya ka nga naging lutang eh dahil dun sa nakita mo sa cafe at questionable feelings mo kanina para kay Jho.

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon