Jovelyn's POV
"Dad..."
"O?"
"Ahm, next month po eh may family day na gaganapin sa school namin. S-sana po eh makarating kayo." Bigla nya namang ibinaba anng dyaryong binabasa nya.
"Gaano ba kaimportante yan? Mas importante ba yan sa ginagawa ko?"
"Pero Dad..."
"May mas importanteng bagay na dapat gawin at tapusin ako kesa sa dumalo ako sa ganyang aksaya ng panahon lang. tandaan mo Jovelyn, isa sa dapat mong matutunan ang pagiging reasonable, know your responsibility and your worth. Isa sa pananaw ng mga sundalo ang pagpapahalaga ng oras, every second is important kaya hanggat maaga pa lang ay tigil-tigilan mo na ang mga bagay na aksaya lamang ng oras mo. Maliwanag ba? I'm asking you comrade, are we clear?"
"Y-Yes Sir." Tinpunan nya naman ako ng isang tinging hindi ko alam kung anong ipinapahiwatig. At tumayo na at umalis.. Ngumiti naman ng malungkot ang aking ina habang tinatap ang balikat ko. Ngumiti na lang ako ng slight at tumayo na at nagtungo sa kwarto ko. Agad akong humiga sa kama ko nang biglang tumunog ang phone ko. It was Queenie who is calling, she's always at the right time. Lalo na kung sa oras na gusto ko ng may makakausap.
("Hi Gwapa! How are you?")
"I'm fine."
("You sounded like not, is there something wrong?")
"Wala."
("Oh come on, Gwapa. I know that there's something's bothering wrong. You can tell everything naman ah, promise my lips will be sealed.") I sighed. Siguro yun din anng kailangan ko ngayon para mabawasan ang kung anumang bumabagabag o hinanakit ko.
"It's about my dad."
("Hmm? What about him?")
"How can I say this to you? Ang hirap kasing mag explain."
("Walang mahirap kung magiging totoo ka lang sa sarili mo. Hindi mo kailangan ng isip upang ilabas lahat ng saloobin mo, kailangan mo lang naman na hayaan ang puso mo ang magsalita para sa sarili mo.") hindi naman ako nakaimik sa sinabi nya. ("O ano na? sige, ganito nalang, hulaan ko nalang... Hmm, I think its about the family day. Sinabi mo yung tungkol sa family day, but they, he rather refuses to go because of his duty and responsibility as a general, am I right?")
"Yeah.."
("And that's why you feel disappointed?")
"You're right. But how did you know about that?"
("Hmm, I think it's just my hypothesis. I know something about you but not that quite so madaling magconclude ng reason why.")
"So you know that my father is a General of the AFP?"
("Yeah, he's well known kaya in or out the country.")
"Yeah, pero hindi lang naman iyon ang naiisip kong dahilan kung bakit ayaw nyang pumunta sa araw na yun."
("And what is it all about?") Dapat ko bang sabihin ang tungkol doon? Hindi naman siguro necessary especially hindi pa kami personally nag meet and I don't know if she's that trustworthy.
"I don't know."
("Well maybe, ginagawa nya lang naman iyon ay dahil may malalim syang dahilan. You just need to understand him.")
"Tss, ano namang alam mo? Kelangan bang ako nalang lagi ang umintindi sakanya? ilang beses ko na lang syang inintindi pero sya ba, inintindi nya ba ako?"
("oo nga, wala akong alam, pero yun lang naman ang maaaring solusyon para dyan. Kailangan mo lang maging open-minded para maintindihan mo sya.") Medyo nainis ako sa sinabi nya. Ano bang alam nya para sabihin yun sakin? May karapatan ba syang dapat sabihin yun sakin?
"I need to go, bye."
TOK!TOK! then the door opens...
"Anak?"
"Mom.."
"Pwede ba akong pumasok?"
"Opo mom, pasok po kayo." Pumasok sya at sinara ang pinto ng kwarto ko. She went near me and sat beside me.
"Sino yung kausap mo anak?"
"Wala po ma, si Queenie lang po yung kausap ko kanina."
"Queenie?"
"Isang kaibigan po."
"Kaibigan pero bakit paraang inaaaway mo sya?"
"Nainis lang po kasi ako.." hindi naman sya umimik at halatang hinihintay na tapusin yung sentence ko. I sighed at kwinento yung pinag-usapan namin kanina. Napatango-tango naman sya na halatang iniintindi ang bawat salitang binibigkas ko. "Di ba Mom tama ako?"
"Alam mo anak, hindi sa sinasabi kong mali ka. Syempre sariling saloobin mo naman iyon. Alam ko na nasasaktan ka sa naging pakikitungo sayo ng ama mo, pero sa inasta mo sakanya, I am definitely sure na nasaktan mo rin sya. Gusto nya lang tumulong sayo, pero iniisip nya na baka napasama pa yung pagbibigay nya ng opinion sayo at tama sya, baka nga may malalim syang dahilan kung bakit nya ginagawa iyon at ang pag-intindi ang tanging nakikita ko ring paraan doon. Pagpasensyahan mo na lang ang dad mo Jovelyn, stress lang yun sa kanyang trabaho, alam mo naman na napakahirap ng responsibilidad nya eh."
"Pero mom, paano naman ako, ikaw, paano naman tayo? Hindi nya ba tayo isang responsibilidad na maituturing? Pero hindi eh, hindi yun yung dahilan mom eh dahil nagsimula naman iyon nung namatay si Kuya, nung pinatay ko si Kuya.."
"Ssshhh, anak, hindi ikaw ang may kasalanan nun anak.."
"No Mom! Ako yung may kasalanan kaya magpahanggang ngayon ay hindi nya ako kayang ituring na anak, hanggang ngayon ay hindi nya ako kayang patawarin kaya hanggang ngayon ay hindi nya ako kayang tingnan bilang anak nya. Mom, hindi ko naman po sinasadyang mangyari yun eh.... Ayoko rin naman pong mangyari yun kay kuya.... Hindi ko ginustong mamatay sya na ako ang dahilan." And I started to cry. Agad naman akong niyakap ni Mom.
An: Jovzkie! pagaling ka, my gwapa.... btw, hi guys!!!! hi din naman kayo.... congratz to Ateneo! for being the champions to the UAAP seniors men's basketball... wooohooo!!! mabuhay kayong lahat! also to DLSU, you give your best! thanks for the great game.
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fanficmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...
