Chapter 3:4.3

659 14 3
                                    


FASTFORWARD

2 days had passed. 2 days na ang nakalilipas simula nung huling beses kaming nagkausap ni Queenie. Medyo nagguilty ako sa nangyari at mga sinabi ko sakanya. Tama si Mommy, siguro nasaktan ko rin sya sa naging asta ko noon sakanya. And tama rin si Mommy, she's just trying to help me pero ano pang ginawa ko. After I realized that ay agad ko syang tinext pero makailang text ko na sakanya pero wala akong may makuhang reply sakanya. Hindi rin sya sumasagot sa mga tawag ko sakanya and this past few days ay hindi ko na sya makontak, palaging out of coverage. Its like na pinatay nya yung phone nya. Siguro naggalit sya talaga sakin. Haay, teka! Bakit ba ako nagkakaganito? Why would I feel this kind of feeling na galit ako sa sarili ko at nasasaktan sa pangdededma sa mga txt ko kay Queenie?

Pumasok na ako sa room at naggulat ako nang mag-isang nakaupo sa gilid ng bintana si Rachel at parang may malalim na iniisip. Napansin ko rin this past few days na parang umiiwas sya sakin, yes, she smiles parin naman as usual pero may iba sakanyang mga mata. Parang may alinlangan dito.

"Ah Gonzaga, kanina ka pa ba dyan?" biglang tanong nya. Medyo naggulat din ako sa biglang pagsasalita nya.

"Hindi naman."

"Ah Good morning nga pala." Sabi nya then she smile. Her genuine one. Bigla ko tuloy namiss si Queenie. And her with sweet smiley texts...

Dumiretso na ako sa upuan ko at umupo. Sumunod naman sya sakin, pero umupo sya sa may desk nya at medyo malalim pa rin ang iniisip. Napatingin ako sa kanya, hindi naman sa isa akong mindreader pero nakikita ko kasi sa mukha nya na parang nag i-struggle sya sa katanungang meron sya sa utak nya ngayon at parang gusto nyang malaman kung ano ba talaga ang kasagutan sa iniisip nya. I sighed.

"Sige na, itanong mo na." I said habang nilalabas yung mga notebook ko na babasahin ko.

"Huh?" tumigil ako sa ginagawa ko at napatingin naman ako sakanya.

"Sabi ko itanong mo na yang gumugulo sa utak mo."

"Naku, issue ka Gonzaga, wala akong itatanong. May iniisip lang ako."
Nagkibit-balikat nalang ako sa sinabi nya. bahala ka, magtatanong ka rin, hintayin mo lang.

"Gonzaga, anong mararamdaman mo kapag ang taong importante sayo, or taong mahal mo ay may tinatagong sekreto mula sayo?" tsk, wala daw itatanong.

"Like about what?"

"Huh?"

"Like about what? Yung sekreto. It depends kasi yan sa kung anong klaseng sekreto ang tinatago nya sayo."

"Ah, like.... About her health?"

"Bakit parang bigla-bigla ata ay nagtanong ka nyan?"

"Ahm, wala naman. Gusto ko lang malaman kung anong views mo doon. Kung ano ang magiging reaksyon mo if ever na ganun nga talaga ang mangyari sa isa sa minamahal mo. At medyo curious din kasi ako."

"Well, maybe, I will be mad at her. Not that really mad na hindi mo sya papansinin, maybe a little lang, kasi syempre pinaglihiman ka nya eh, but in the second thought, siguro nag-aalala ako for her. Kahit naman pinaglihiman ako ng taong yun, I will understand her nalang. Mawawala naman kasi yung galit once na pinag-uusapan mo na yung kalusugan ng taong importante sayo. Maggalit ka man sakanya, balewala rin yun especially dahil mahal mo sya and you don't wanna lose her. Ang pagsisinungaling nya ay mawawala rin yun." bigla naman syang natahimik at parang iniintindi ang mga salitang binibitiwan ko.

"Paano kung mawala yung taong mahal mo sayo, malulungkot ka ba?"

"Oo naman.. mahal ko yun eh.." tumahimik naman sya na parang nakikipagdebate sa utak nya.. kaya nagbasa nalang ako.. narinig ko na lang sya na bumuntong hininga.. para bang a sigh of defeat.. siguro natalo sya sa debate nila ng utak nya.

"Kapag ba nawala ako Jov, malulungkot ka ba?" tanong nya sakin habang nakatingin sya sakin. Makikita mo yung nagsusumamo nyang mga mata.

"Bakit naman kita mamimiss?" tanong ko sakanya. hindi naman sya umimik pero makikita mong medyo nadissapoint sya sa sagot ko.

"R-right.... Bakit mo nga naman ako mamimiss?" kita ko sakanyang mga mata ang lungkot kahit na nakangiti ang kanyang mga labi. Bakit nya ba laging tinatago ang totoong nararamdaman nya? Tumayo naman sya at mukhang aalis na pero agad ko syang hinawakan sakanyang kamay dahilan upang matigilan sya..

"G-gonzaga?" ngayon Gonzaga nalang? Pinisil-pisil ko ang kamay nya.

"Bakit naman kita mamimiss kung....." napatingin sya saking mga mata. I also look at her deep brown eyes. Nakikita ko sakanyang mga mata na hinihintay nya ang susunod kong sasabihin. I now just realized that this girl already have my heart. She already owns my heart and its beating only just for her, sya lang ang makakasugat at makakapagpabuo nito. I just realized....

"Kung..."

"Jovzkie!!!!" agad nya namang binawi ang kanyang kamay at agad na lumabas ng room naming patungong kung saan, sayang hindi ko pa nasabi ang mga dapat kong sasabihin.

"Ano yung nakita ko kanina Jovelyn?"

"It's nothing, Charlene." I answered her and sit at my chair.

"Don't tell me you like Rachel?"

"Is there a problem of liking her?"

"You cant like her because you already have me Jovelyn."

"What's your point Cha? I don't get why you are being that kind of possessive?"

"I'm being possessive because I know what property I have and I should protect it from others"

"Property?"

"Right from the start Jovelyn you know that I love you, ikaw lang naman ang hinihintay ko, na tanungin mo ako na maging sayo, pero hanggang ngayon waley pa rin. Jov, hanggang kelan pa ba ako maghihintay sayo. Alam mo ba nung wala pa yang Daquis na yan, kampante ako na sa akin ka lang, but after she stepped in to this university ay naging malabo na yung chance ko sayo. Jovelyn, ano ba talaga? Gusto kong malaman, mahal mo ba ako na higit pa sa isang pagkakaibigan?" seryoso nyang tanong sakin. I sighed and went near her, I hold her hands and directly look into her eyes.

"I'm sorry for making you like this Cha, I'm sorry kung nasasaktan kita ng ganito ng hindi ko alam... Cha, I love you..."

An: oopsss!!! Hanggang dito na muna.. next na update ay kay fillechen naman... Gretchen next ka na.. be ready... heheh... Vote and comment naman kayo if ever na may gusto kayong ipadagdag or may request kayo and kakayanin kong imeet ang kagustuhan nyo.. hehehe...

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon