FASTFORWARD
Kadarating ko palang sa harap ng bahay ni Jem pero hindi muna ako agad bumaba at pumasok. Nanatili lang ako dito sa loob ng kotse at patuloy na pinaprocess ang mga nangyari ngayong gabi. Hindi ako makapaniwala na ang taong yun na palagi kong nakikita at nakakasama ay ang batang iyon.
FLASHBACK
"Ikaw si San?" tanong ko sakanya.
"Hindi man kapani paniwala, pero oo ako si San. Gusto ko sanang magsorry Io sa inaasta ko sayo. I never thought na maibabalik pa ang gang na tu. Ang gang na ginawa ko ng ikalawang pamilya. At maraming salamat sayo dahil nakilala ko kayo." Nakangiti nyang sabi.
EOFB
Sya yung dating iyakin at sakitin noon, pero ngayon ay lumaking maayos pero puno pa rin ng kalokohan.
FLASHBACK
Naglalakad-lakad lang ako sa may parke para magpalipas ng oras nang mapansin ko ang isang batang babae na pinagtitripan ng mga tambay sa kanto. Agad akong lumapit sa kinaroroonan nila para tulungan sya nang tinulak ito ng isang lalaki.
"Tama na... tama na..." takot nyang sabi nang nakalapit ako sa kanya. Akala nya ata isa ako sa mga nangbubully sakanya.
"Wag kang matakot. Di kita sasaktan." Sabi ko. Naggalit ako nang bigla kong nakita na may dugo ang kanyang noo. "Dito ka lang. ako ng bahala sa kanila." Sabi ko dito at ngumiti. Pagkatapos nun ay agad kong hinarap ang mga bullies.
"At sino ka namang bata ka ha? Gusto mo bang pati ikaw masaktan ha? Mukha ka pa namang iyakin eh." Pang aasar sakin ng unggoy.
"IKaw naman mukhang gorilla." Banat ko din sakanya.
"Eh g*go din pala tung batang tu eh." Sabi nito at agad nya akong tinulak kaya napaatras ako.
"Naku matibay kang bata ka ha? Panu kung suntukin kaya kita?"
"Edi subukan mo." Panghahamon ko pa.
"Aba't sinusubukan talaga ako ng batang tu ah? Gusto ata talagang makatikim ng suntok. Ano tirahin ko na ba?" sabi pa ng isang unggoy.
"Ano ba yan ang tagal naman. Naiinip na ako." Sabi ko pa. siguro nainis na ito sakin kaya inambangan na nya ako ng suntok pero agad ko naman itong nasalo at hinawakan ang kamao nya tsaka mabilisang pinulupot. May aatake pa sana sa likod ko nang agad na nahawakan ito ni Master Raven at agad na pinaikot at binitawan dahilan para matumba ito sa kasamahan nya. Kinindatan naman ako ni Master Raven kaya napangiti ako. Itinuon ko ang atensyon ko sa unggoy na kanina pa dumadaing dahil sa pagkakapulupot ko ng kamay nya kaya agad ko syang binigyan ng hand chop sa kanyang likod dahilan para makatulog agad ito. Sakto naman na napatumba na ni Master Raven and iba.
Tsaka ko naalala yung bata kaya agad koi tong nilapitan.
"Hey? Ayos ka lang?" tanong ko dito tsaka kumuha ng panyo para sakanyang sugat.
"Ayos lang ako." Sagot naman nito.
"Medyo malalim ang sugat nya Io. Dalhin mo muna sya sa quarters para magamot sya ni Achi." Utos ni Master Raven.
"Sige po Master." Sabi ko at agad syang tinulungang tumayo. Pagdating namin sa quarters ay agad syang ginamot ni Achi.
PAgkatapos ng nangyari ay palagi na syang pumupunta sa quarters para tumambay. Wala din naman daw syang kasama sa bahay kaya pinayagan na rin sya ni Master Raven para na rin di na sya pagdiskitahan ng mga tambay sa kanto. Hanggang isang araw, tinawag ako at si Yang ni Master Raven sa harapan habang nag eensayo kaming lahat sa harap nya.
"Io at Yang, hali muna kayo sandali."
"Yes, Master Raven?" sabay naming sabi ni Yang
"Palaging nandito yang kaibigan mo, Io." Napakamot naman ako.
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Фанфикmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...