Nasa sa isa akong lugar kung saan ay pamilyar sakin ang kapaligiran para bang napuntahan ko na ito pero hindi ko alam kung saan at kung kalian. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng pinto at sumalubong sakin ang maaliwalas at napakahomey na sala. Agad akong pumasok at nakita ko ang ilang mga picture frame na nakadisplay doon. Isa-isa ko itong tiningnan at napagtanto kong ito ang headquarters namin ng gang.
Nakita ko ang picture naming lahat. Pero lahat kami dito ay mga takip ang mga mukha upang hindi namin makilala ang isa’t isa. Saktong pagbaba ko frame ay biglang pumasok ang labing-apat na tao. Matatangkad ito pero halata sa katawan nito na bata pa ito.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makilala ko ang isa, ako iyon. Teka bakit nakikita ko ang dating ako? Isa ba itong LUCID DREAM?
“Haaay, nakakabagot na wala pa tayong laban.” Sabi ng batang ako.
“Baka kaya tayo pinapunta dito ni Yang para paghandain tayo.” Sagot naman ni San
“Teka, may balita na ba kayo kay Achan?” tanong ni Io.
“Wala pa nga eh. Baka si Boss Yang meron na.” sagot naman ni Achi.
“Mag-iisang taon na rin simula nung nawala si Chase satin, ngayon naman ay wala ng paramdam si Achan.” Seryosong sabi naman ni Code.
“Di kaya may masamang nangyari na kay Achan?” – Cale.
“Wag naman sana.” – Shin
“Baka gusto ng maglie low ni Achan?” – Kai. Hindi naman kami umimik
“Maaari, may punto ka Kai lalo na’t nalagasan na tayo, nawala na satin si Chase, si Master Raven naman ay ni halos hindi na nagpapakita satin.” Malungkot na sambit ni Gale.
Naalala ko na ang araw na ito. Ito ang araw na hinding-hindi ko makakalimutan.
“Nasan na ba si Yang?” – Aki. Nakita ko naman si Yin na tahimik lang.
Hindi rin nagtagal ay lumabas na rin ang tinuturing naming na lider. Si Yang.
“Good, you’re here.” Sabi nito at agad na umupo sa pang-isahang upuan.
“Bakit mo nga pala kami pinapunta dito Yang?” – Jace. Ako naman na nanonood ay hindi makapaniwala na nakita ko ulit si Boss Yang, ang aming lider na walang ginawa kundi protektahan kami.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto kong sabihin sainyo na kakailanganin nating buwagin ang grupong ito.” Lahat naman ng batang kami ay naggulat. Tama ito nga yung araw na iyon. Araw na hindi ko kayang balikan pa. pero bakit pa kailangan ko itong mapanaginipan ulit?
“Teka, bakit?” – Red.
“Tatapatin ko na kayo, ang dahilan kung bakit hindi na natin nakikita si Master Raven at Akachan ay pareho ni Chase, wala na sila.” – Yang
“W-wala na sila?” tanong ni Io
“Wala na sila. I really can’t explain this to you. Inambush si Master Raven pati na rin si Achan. No reports about it, but all of my sources said na wala na sila.” – Yang
“Did they have evidences? Nakita ba nila ang bangkay?” – Achi
“They don’t but they saw their dog tags. Isa na yun sa ebidensya na nagpapatunay na sya yun.” - Yang
Ito yung araw na para kaming pinagbagsakan ng langit ng lupa.
Naggulat naman ako nang biglang may lumagabog at dahil yun sa batang Yin.
“Wag kang magsinungaling!” – Yin.
“I am not Yin.” – Yang
“Bakit ka ganyan magsalita? Para bang balewala lang para sayo ang pagkawala nila!” – Yin
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fanficmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...
