Chapter 3:9.1

649 14 0
                                    

Chapter III: Flashingback Memories
The Right thing to Do

A's POV

Napakaboring naman ng araw na to. Uso na ba ang pag absent ngayon? Sana sinabi man lang nila edi sana nakiuso rin ako. Hindi pa naman vacation ah? Pero bakit ang dami na ng absent? Si Daquis, nung isang araw pa sya wala, siguro may emergency sa kanila, nakita ko kasi sya nung isang araw na may sumundo sakanya na isang kotse at nagmamadali syang pumasok doon at umariba na. si Ella naman, kani-kanina lang umalis. Ewan ko kung anong meron pero alam kong si Amy lang ang nakakaalam kung nasaan sya. Sina Tan G. at Tan B naman ay sandaling umalis, pagbalik ni Tan G, ay parang wala sa sarili at medyo may bakas ng galit sa kanyang mukha pero nung nakita si Jirah ay naging okay naman ito, hindi nga lang bumalik ang kapatid nya. si Valdez naman ayun nasa gym nanaman may practice nanaman ata? Si Morado naman nasa library nakatambay, si Madayag? Ewan kung saang lupalop ng campus na to napadpad. Si De Leon naman, ayun nasa clinic nanaman. May chicks ata dun at palaging nakatambay doon eh.. si Gervacio? Ewan ko sakanya kung saang lupalop ng mundo nakarating tsaka pakialam ko? And lastly, Si Ma'am naman, may faculty meeting kaya eto kami.... We're free!!!! Di halatang masaya ako no? well, kelangan kong maging masaya. Para di ako magsisi. {Para di ka magsisi? O para ipakita lang sakanya na masaya ka na kahit wala sya? hindi ka nga ba nagsisisi sa ginawa mo?} tss.... Syempre para di ako magsisi na sinayang ko lang ang buhay ko no? You only live once kaya dapat sulitin mo na! {Yeah right! Whatever Nacachi.} Napatingin naman ako sa isang babae na prenteng nakaupo sa may railings ng gusaling ito sa harap lang ng room namin. Nakita ko ang pagsmirk nya. Syempre ganun din ang ginawa ko no? papatalo ba naman ako? She mouthed "Rematch?" tumungo ako ng bahagya at agad na kinuha ang bag ko. Wala pa naman eh. May ilang oras pa ako na pwedeng aksayahin bago ako pumunta doon. Lumabas na ako sa room at nagsimulang maglakad.

"Ihanda mo na ulit ang sarili mo na matalo ulit." Pang-aasar nya sakin.

"Nakachamba lang yung walanghiyang yun."

"Patunayan mo nalang ulit yan sa rematch mamaya. Hihintayin ka namin sa dati." Sabi nya at nauna na itong umalis. Hindi ko nalang sya pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad ko. Nang pababa na ako ng hagdan ay bigla akong natigilan....

"Salamat sa flowers Jeriel." Sabi nito sabay abot nito. She gave him a very sweet smile na minsan ay hindi nya sakin maibigay. Tss... mukha namang ewan yung lalaking yun. Basta ang panget nya. natigilan naman sila nang mapansin nila ako, una nya akong tinapunan ng tingin sumunod naman yung kutong-lupang yun. wala akong pinapakitang kahit na anong emosyon saking mukha kahit na ang totoo ay para na akong mamatay sa sakit. Na parang may paulit-ulit na sumasaksak sa dibdib ko. Pero hindi ako pwedeng magpatalo sa emosyon ko. Makakaya ko ang bagay na to. Umiwas nalang ako ng tingin at saka inihakbang ang mga paa ko pababa ng hagdan na to. Nung nakakalimang baiting palang ako ng hagdan nato ay biglang tumunog ang phone ko. Agad ko naman itong kinuha para tingnan kung sino ang tumatawag.

Calling.... Unregistered #...
Nag-aalangan man ay sinagot ko nalang ito.

"Hello?"

("Hi Carol?") hindi muna ako sumagot. ("Si Aia to.")

"Aia?"

("Oo, ako nga. Kamusta ka na?") biglang sumilay ang napakagandang ngiti sa labi ko.

"Ahm, ayos lang naman. Ikaw? Napatawag ka?"

("Eto, ayos din naman.... Ahm, kakauwi ko palang kasi ng States eh, alam mo na. at nabalitaan kong sa ADLSU ka daw pumapasok ngayon.")

"Oo. Bakit?"

("Ahm, nandito kasi ako, balak ko sana kasing ikaw ang una kong makita before ako umuwi sa bahay.")

"Ano? Teka, nasan ka ba?"

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon