Alyssa's POV
Kasalukuyan akong nasa basketball court, nagpapractice. Mamaya, pupunta naman ako sa soccer field para sa practice at meeting. Haay, nakakapagod ang araw na ito, pero keribelz naman. Teka, naisip ko lang, matagal na simula nung nagka-usap kami ni Ella. Kamusta na kaya yung bubwit na yun? Baka mamaya magtampo nanaman yun sakin, sabihin na kinalimutan ko nanaman sya. Siguro babawi nalang ako sakanya pag nag katime. Sobrang busy kasi ako these past few days eh.
"Ang aga mo nanaman Capt."
"O Molde, bat nandito ka? Wala naman tayong practice ah?"
"Alam ko po, nagtataka lang po ako kasi always po kayong andito kahit walang practice. Pinanindigan nyo talaga Capt ang pagiging MVP?" sya si Isa Molde, isa sa future star player ng women's basketball under the supervision ko na rin syempre.
"Hindi naman. Wala naman kasi akong masyadong gagawin, tsaka baka magtampo ang Basketball court satin kasi minsanan lang natin syang gamitin, kaya nilulubos ko na."
"Kung ganon, one on one tayo Capt?" sabi nya sakin.
"Sige ba. Tagal ko na rin yang gustong marinig sa future star player ko yan." Sabi ko sabay bato sakanya ng bola na agad nya namang nasalo.
"Capt, para pampagana. Bawat shoot katumbas isang tanong."
"Kailangan pa ba ang bagay na yun?"
"Oo naman Capt. Para getting to know more, lalo na't gagraduate na kayo. Mysterious pa rin ang dating nyo samin."
"Sige, pero kapag confidential ang tanong, pwedeng hindi sagutin, para privacy na rin."
"Eh baka mamaya Capt eh, hindi na natin sagutin lahat. Hanggang lima lang dapat ang hindi pwedeng sagutin sa mga tanong."
"Sige ba, alam ko namang mga walang kwenta yang itatanong mo."
"Yes!" mahinang sambit nya. "Grabe ka Capt. Tara na. game na tayo." Sabi nya at nagsimula na syang magdribble. Sumunod naman ako sakanya. Binabantayan ko sya.
"Capt, humanda ka sa mga itatanong ko."
"Haha, yeah right, para namang hahayaan kita sa kagustuhan mo." Sabi ko sabay agaw sakanya ng bola. Successful naman at ako ang nagshoot. Nakapasok naman ito.
"O, magtatanong na ako sayo."
"Pinagbigyan lang kita Capt. Sige Capt, game."
"Hmm. Nanliligaw ka ba kay Lazaro?" tanong ko. Kung bakit ko naitanong iyon eh kasi nakita ko silang nag-uusap kanina. Hindi sa may kung ano akong something sa kanilang dalawa. Curious lang naman kasi ako. Parang kapatid ko na kasi itong si Isa kaya medyo protective din ako sakanya, katulad ng kay Besh.
"Capt naman. Bat nyo naman natanong ang bagay na yun?"
"Remember, hindi ko pa turn para tanungin."
"Hehe, ang suplada mo talaga ever Capt. Pero maganda at mabait naman po si Ate Den. Pero hindi po Capt. Parang ate ko na po syang maituturing katulad nyo kaya hindi pupwede ang bagay na yun."
"Grabe ka, Oo o hindi lang naman ang isasagot mo. Ang haba na nung sinagot mo ah. Pero at least malinaw na sakin ang bagay na yun." Sabi ko sabay dribble ng bola.
"Actually, binibida ko po kasi talaga sya sayo. Mas bagay po kayo eh. Pero Capt.."
"Ano?" Naggulat ako nung bigla nyang inagaw sakin ang bola at agad tumakbo sa kabilang side at ishinoot ito. Mukhang determinado ang batang to na sagutin ko ang mga katanungan nya.
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fanfictionmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...
