Chapter 5:3

107 2 3
                                        

Maddie's POV

I am in my room right now, it was already 2 days after nung 2 days beach vacation namin. Balik sa dati ang lahat, at balik din ang pakikitungo namin ni Jia sa isa't isa. Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko ang mga katagang binitawan nya noon. I felt ashamed of myself after hearing those words from her lips which made me realize how stupid I am sa paglapit at paghabol sakanya na parang aso.

I thought she was different, I thought she also likes to be with me, but I was wrong. I admit, may mali din ako dahil everytime na nakakasama ko sya, si JM ang naiisip ko... masisisi nyo ba ako? She's an exact copy of JM and I just really missed being with him...

After how many days we have been together, I started to fall in love with her. Akala ko dahil nakikita ko si JM sakanya, but the past few days na nagkasama kami sa activity na yun ay doon ko narealize na gusto ko sya... mali... mahal ko na pala sya. And I was too late to realize that... Maybe this is a way of telling me na my feelings was not right... Maybe JM is really the one for me.

I thought those times na pinagtatabuyan nya ako ay isang defense mechanism niya lang para ipakita sakin na gusto nya rin akong makasama katulad ng kung gaano ko syang gustong makasama, but I think I am wrong. So all along ako lang pala yung tangang habol ng habol sakanya. When she said those words to me, doon nagsink in lahat-lahat ng pagiging cold, pagiging ilap at pangtataboy nya sakin. I believed in Deanna's words before nung minsan kaming nagkausap. I believe her of course, coz why not? She's her twin sister. Kung may nakakakilala man dito ng mabuti, yun ay ang kapatid nya.

Flashback...
I was in the garden together with Iris, Jia is in the library para isauli ang mga books na hiniram nya the last time at para kumuha ulit ng panibago. And we are not in good terms. I admit na I'm at fault kasi sinugod ko ng suntok AGAIN yung guy na yun when I saw her exchanging laughs with that Miguel guy again. Alam nya namang di ko gusto na lumalapit ito sakanya pero lapit pa rin ito ng lapit. Tsk...

At dahil sa impulsiveness ko ay ayun... Sumabog si bulkang Jia at bulkang Maddie and now she started to iwas na naman sakin. Nakakainis lang ang pang iitsapwera nya sakin. I mean how can she do it like that? Na para bang wala lang talaga ako para sakanya... Na kaya nya akong tiisin na wag pansinin. Nakakaimbyerna. Samantalang ako ni hindi ko man lang syang kayang tiisin.

I mean I can do pangungulit and panunuyo if I want to pero ang problema 6 ft radius away palang ako sakanya, lilihis na agad sya. Magpapalusot na may gagawin or better yet magpapanggap na parang di nya ako nakita. And kung mahuhuli ko naman sya and tatanungin what's the problem para iwasan nya ako, she would just ask me back, "Why would I even avoid you?" ... "Is there a reason for me to avoid you?" How frustrating is that, di ba? I mean ang di ko alam kung sarcastic ba sya o talagang may saltik lang talaga yung utak nung isang yun?

I was bring back in my stupor nang maramdaman ko ang pagtap sa balikat ko. Agad ko itong nilingon at nakita ko si Deanna na may hawak na dalwang milk tea. Agad nyang iniabot sakin ang isa na agad ko namang tinanggap.

"Thanks." I said to her.

"You alright?" Tanong nito sakin at umupo sa tabi ko.

"What'd you think?" Naiinis kong tanong sakanya.

"Woah! Chill lang. I didn't  do anything to you... Di ako yung kaaway mo. I was just asking." I just rolled my eyes on her.

"Tsk."

"Alam mo nakuha mo na yung habit ng kakambal ko sa pagiging mainitin ang ulo. Kakasama mo yan sakanya." Natatawa nitong sabi. Napatingin naman ako sakanya at napasimangot.

"O bakit busangot nanaman yang mukha mo?" Tanong nito.

"Si Jia kasi. Di ako pinapansin." Natawa naman sya sa sinabi ko which earned her a glare from me. Pero parang wala lang ito sakanya.

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon