MAE's POV
Pagkaakyat ni Morado ay sya namang pagbaba ni Wong kung saan narinig namin ang pangangantyaw nya sa kanyang kakambal. Ilang saglit rin ay nakababa na si Wong.
"Hey." bati nya samin.
"Hey-hey ka dyan. Kinantyawan mo nanaman ang kambal mo."
"Hayaan mo yun. Masyado kasing ewan."
"Haay naku, wag ka nga pareho lang naman kayo. Masyadong bulag sa katotohanan." sabi naman ni Ella.
"O ano nanaman ang ginawa ko sayo?" curious na tanong ni Wong.
"Wala. Nga pala, san ka pupunta? Mukhang bihis na bihis ka ah?" tanong ni Ella sakanya.
"Ahh wala dyan-dyan lang. mamasyal kasama si Ponggay."
"Eh si Fel?"
"Umuwi sya kanina pa sa kanila, kasama yung bata dumating kasi yung kapatid nya, bukas pa daw sila babalik dito."
"Ahh ganun ba? Sige ingat ka."
"Okay, alis na ako. Baka naghihintay na sila eh. Ciao!" sabi nya at nagmamadaling umalis.
"Haayss, sana maging maayos na ang lahat." Sabi nya.
Bigla namang tumunog ang cellphone nya. Agad nya itong kinuha at binasa ang text message sakanya. Napakunot ang noo nya sa nabasa nya at mabilis na nagtype. Pagkatapos nya magsend ay binalik nya ulit ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa.
"Sino yun?" curious kong tanong.
"Wala yun. Wrong number lang." casual nyang sagot.
"Okay."
"Nasan nga pala si Amy?" tanong nya.
"Hindi ko alam, baka nasa faculty lang yun." Sagot ko naman.
Bigla namang dumating si Valdez na may bitbit na grocery bags
"Besh, nakita mo ba si Amy?" tanong nya dito.
"Kanina eh nakita ko sya sa may quadrangle na naglalakad, baka pabalik na yun dito." Sagot naman ni Valdez. Narinig naman naming biglang sumigaw si Den sa taas.
"Ly! Bilisan mo." Nagkatinginan naman kami.
"Una na ko Elz."
"Opps! Besh, bago ka umakyat baka may nakalimutan ka?" sabi ni Ella at nilahad ang kanyang kamay. For sure, pagkain nanaman ito.
"Ayy oo nga pala. Makakalimutan ba yun?" Sabi nya at kinuha ang pasalubong nya kay Ella. Isang box na pizza at dalawang tub ng ice cream. Tss.. itong babaeng tu puro pagkain nalang ang nasa isip. Kung sana ako yung nasa isip nya edi, mas maganda.
"Thanks Besh." Sabi niya at masayang kinuha ang pagkain. Sakto namang kakababa ni Rad.
"O nakabalik ka na pala." Sabi ni Rad at agad na naupo sa may single seater.
"Oo kadarating ko palang." Sabi ni Valdez sabay halik sa noo nito.
"Nga pala may binili ako para sayo. " sabi ni Valdez sabay labas ng binili nya para kay Rad. Isa itong malaking cup ng blizzard at may kasama pang isang slice ng strawberry shortcake.
"Wow! You always know my favorite."
"Oo naman. Basta kayo ni Donya Ella." Sabi nya ng nakangiti.
"Ang swerte talaga natin kay Valdez." Sabi ni Ella. Haays.. swerte ka din naman sakin.
"Alyssa!" sigaw ni Lazaro sa taas.
"I think you better get going, mukhang kanina ka pa hinahanap ng isa." Sabi naman ni Rad. Tumango naman si Valdez.
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fanfictionmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...
