Chapter 3:2.2

692 22 2
                                    


Fastforward.....

"Ano ba Deanna, umayos ka nga? Ano bang ginawa mo kagabi at ganyan ka kapuyat? Wag mong sabihin na....."

"Opppsss! Bago mo tapusin yang sentence mo, uunahan na kita. Hindi ako pumunta doon, alam kong ayaw mo na akong bumalik sa lugar nay un dahil doon at hindi ako katulad mo na matigas ang ulo at patuloy pa rin sa pagbalik doon. Wag kang mag-alala, nakipagreconcile lang ako."

"What do you mean?'

"Wala, sige nanaman Julia, hayaan mo muna akong matulog kahit ngayon lang." pangungumbinsi ko sakanya. wala naman syang imik kaya isinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat nya. Ate Fly, don't worry hindi ko sya aagawin sayo, ngayon lang talaga. Inabot kasi ako ng antok ko ngayon.

"Himala, good mood ka ata ngayon?" natigilan naman ako sa tanong nya.

"Antok lang talaga ako. Kaya wag ka nang maggulo dyan." At ipinikit ko na ang mga mata ko.

FLASHBACK..

"Izabella?"

"Go-goood evening po.... Can we talk?"

"O-oo naman.. Maupo ka." Sabi nito.

"Ah manang, pwede mo ba kaming kuhaan ng maiinom? Anong gusto mong inumin?" tanong nya sakin.

"No, I'm good." I answered him.

"Bigyan mo sya manang ng gatas, yung 4 spoonful na powdered milk at walang asukal, wag yung cows milk. And medium heat lang yung tubig then bigyan mo ako ng..."

"Black coffee." I can see in his eyes ang gulat sa sinabi ko. Kahit ako naggulat din, bigla lang kasing lumabas ang mga iyon sa bibig ko nang walang kamalay-malaay, siguro nasanay na ako. Dati kasi yun talaga ang gusto nyang inumin.

"Y-yeah, one black coffee for me, the usual." Pagkatapos nun ay umalis na yung katulong at umupo naman sya sa sofa.

"Nasan sila?" I asked habang hawak ko pa rin yung picture frame nilang mag-anak.

"Nasa states sila, binisita nila yung lola nila doon."

"Bakit di ka sumama?"

"I'm not belong there. At saka marami pa naman akong dapat gawin dito sa Pilipinas." Hindi narin naman ako umimik at umupo sa kabilang sofa na kaharap ng kinauupuan nya.

"A-ano nga pala ang gusto mong pag-usapan natin?" may part sakin na nagsasabing wag ko nalang ituloy ito, pero nandito na ako at ito na ang tamang oras para dito, para malaman ko ang katotohanan kung ano ba talaga, at para matapos na to. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Gusto ko sanang malaman ang dahilan ng pang-iiwan nyo samin ni Mommy?" I heard him sigh that time.

"Hindi ko naman kayo iniwan ng Mommy mo eh. I just need to because I have no choice and because of you."

"Ano pong ibig nyong sabihin doon?"

"May mga bagay kasi na kailangan nating pumili between the right and the wrong. Ang kaso ko ay kelangan kong piliin ang tama." Para namang napugto ang paghinga ko sa sinabi nya at biglang sumikip ang dibdib ko.

"So, sa pinaparating mo, sila ang tama at kami ang mali? Ganun ba yun?" I asked him while clenching my fist so hard. Pinipigilan kong ilabas yung galit na nararamdaman ko. Nakakainis kasi na itinuturing nya kami ni Mommy na isang pagkakamali lang. but I just relax myself, hindi pa to ang time na ilabas ang feelings ko, lagi ko na ngayong nasa isip ang sinasabi palagi ni Julia na Wag mong pangunahan ng emosyon mo ang lahat, hayaan mong utak muna ang gumana lalo na pagdating sa reasoning ng isang tao. Kailangan kong tanggapin ang kung anong katotoohanan, lalo na't ako ang may gusto nito.

"Hindi ko kayo itinuturing na mali, Izabella, na isa lang kayong kamalian sa buhay ko. Kung tutuusin nga eh, kayo ang pinakatamang bagay na nangyari sa buhay ko.... Pero kailangan ko lang talaga kayong iwan para sakanila at para sa ikabubuti nyo ng kambal mo."

"Why?" I heard him sigh again..

"Para malaman mo Izabella, ang pamilyang binalikan ko, sila ang dahilan kung bakit. Ang Tita Bianca mo at ako ay arrange marriage because of business. Kailangan naming magpakasal, mali, kailangan ko syang pakasalan noon hindi dahil mahal ko sya o kung ano pa man kundi dahil sa negosyo lang. gusto ng lolo mo at ama nya na magmerge ang mga business namin para mas lalong mapabilis nag pagpapayaman nila. Mahal ako ng Tita Bianca mo but my heart doesn't belong to her because I already love someone, and that someone is your mother. I love her to the fact na kaya kong talikuran ang lahat para sakanya, para sainyo, sa madaling salita ay naging kabit ang mommy mo. Dahil sa naging decision ko ay naistress ang dad ko, which is your lolo, nagkaroon sya ng heart attack, doon palang ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Isama mo pa na nagkasakit ka rin noon, para akong masisiraan ng bait dahil wala na akong makakapitan pa. Nabaon tayo sa utang noon para sa pagpapagamot mo lang at sa lolo mo. Until Bianca came and offered me something. Na babayaran nya lahat ng utang at sya na ang bahala sa pagpapagamot nyo ng lolo mo pero ang kapalit nun ay ang pakikipagbalikan ko sakanya upang mapanagutan ang anak namin, na maipapatuloy namin ang pangako namin sa altar noon. Hindi ako pumayag dahil mahal ko ang mommy mo, mahal ko kayo. At hindi ko kayang iwan ko kayo ng ganun-ganon lang. pero habang tumatagal ay ginigipit nila kami. Wala kaming maggawa ng Mommy mo. Hanggang isang araw ay sya na mismo ang bumitaw. She said, wala syang karapatan para ipagdamot nya ako, lalo na't hindi sya ang legal. Sa mata ng tao ay si Bianca ang mas may karapatan sakin. Oo nga't mahal namin ang isa't isa pero sa sitwasyon namin noon ay talo pa rin kami, so what she did was to set me free. Your mom, bravely set me free. I'm sorry anak kung nasaktan ka man sa naging desisyon namin ng mom mo, I asked her na gawin na ako ang may kasalanan ng lahat, ayaw nyang pumayag pero hindi ko kakayaning maggalit kayo sa Mommy nyo dahil sa naging desisyon nya so I take the blame, pero maniwala ka anak, ni walang segundong hindi ko kayo iniisip. Mahal na mahal ko kayo ng mommy mo, Deanna. Anak, patawarin mo sana ako anak. I did that because I was thinking about your sake, para sainyo ang bagay nay un Deanna..."

EOFB

An: Ayun naman pala eh.. hi guys i need your help.... please comment kayo, kung sino pang volleyball players ang pwede kong idagdag dito.... i'll be waiting for your suggestions!!!! thank you.. Like and comment down below para naman ma at ease ang katawang lupa ni ako... at mainspired pa lalo. thanks guys!!!

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon