An: so as promise!! Dahil nainspired ako sa mga comment nyo.. Ito na po sya.. susunod po yung continuation ng POV ni Aly... Sana magustuhan nyo.. sorry nalng sa wrong typos ang grammars dyan.. haha.. try kong irush ang pag update... haha joke lang guys!! Ang panget kasi ng rush baka sbihin nyo.. hindi ko pinag isipan eh.. take our time nalng siguro tayo...yun lang.. Spread the love guys!! Love u..
Ella's POV
Kakatapos ko pa lang makausap si Alyssa and as usual matigas pa rin ang ulo nito... Haayyss! Kailan pa kaya lalambot ang puso at magiging bukas ang isip ng bestfriend ko? Alam ko namang masakit ang mga napagdaanan nya, at dahil doon ay naging sarado na sya sa mga bagay bagay, at pinagsisihan iyon ng kapatid nya. alam kong gusto nya ng makipagbati sa kapatid nya pero knowing Alyssa? Isa sya sa kilala kong sobrang mapride, hindi nya gustong magpatalo, sakanyang ate lang sya nagpapatalo at alam kong nahihiya syang lumapit dito dahil na rin sa alam nyang sya ang mali. Pero alam kong matatapos din ito, gagawin ko ang lahat para maging maayos ang lahat. Pagbaba ko ay nandon na sina Rad, Marge at Jia, sila ngayon ang makakasama kong maglunch today.
"Ano ba Ella, ang tagal mo namang magcr." Reklamo ni Marge sakin.
"Pasensya na, ikaw naman, pinapahalata mo talagang PG ka eh."
"Anong? Hoy! Sating dalawa ikaw ang PinakaPG."
"Thank you sa compliment Marge!"
"Che! Upakan kita dyan eh." Sus! Umaandar na naman ang pagkabrutal ng isang to.
"Mukha mo! Mas lampa ka pa kaya kesa sakin." pang-aasar ko dito.
"O tama na nga yan, magsisimula nanaman kayo eh." Bumelat naman ako kay Marge.
"So, saan tayo ngayon?" tanong ni Jia samin, napatitig naman ako sa mga mata nya. Naman o! agad naman syang umiwas ng tingin dahil alam kong alam nya na ang tinitingnan ko. I sighed. Isang araw lang pero mas nagbago ang kulay at shade ng mga mata nya kahit na natatakpan ito ng kanyang salamin. I feel sorry for her pero pinigilan kong ipakita iyon sakanya dahil alam kong ayaw nyang kinakaawaan sya. sya ang pumili nito at kailangan nyang harapin ang mga consequences na meron sya sa pagpili ng desisyon nay un. Pero alam kong hindi rin magtatagal iyon.
"Jollibee!" sagot ko.
"Mang Inasal!" sagot naman ni Marge
"Starbucks!" hirit din ni Rad.
"Ano ba yang Marge? Mag eextra rice ka nanaman." Reklamo ko sakanya
"Paki mo ba? sipain kita dyan eh? Akala mo naman eh hindi sya hihirit ng another rice sa Jollibee." Sagot sakin ni Marge
"Sorry naman,masarap eh."
"O tama na nga yan." Saway samin ni Jia. O di ba? Sya na ang pumalit kay Rad.
"Nung isang linggo nag Mang Inasal na tayo, tapos nung isang araw nagjollibee na tayo, kaya dapat sa starbucks naman tayo" sabi ni Rad.
"Ano ba? Hindi ako mabubusog sa Starbucks. Kape at pastries lang ang meron dun! Ayoko ng matamis ngayon." Reklamo nanaman ni Marge.
"Naku Margarita ha? Ang arte mo!" sabi ni Rad.
"Ano ba? Matatagalan pa ba kayo sa pagpili kung saan tayo kakain?" si A yan kasama si Aia. Napatango naman si Aia sakin at ngumiti naman ako sakanya. wag kayo! Friends kami.
"O A, Aia, nandyan na pala kayo. Eto kasi ang aarte ng mga to." Sumbong ni Rad kay A, wag kayo! Mas close pa ang dalawang yan.
"As if hindi ka nag inarte at gusto mong kumain tayo sa starbucks." Sagot ko. Sinamaan nya naman ako ng tingin dahil sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fanfictionmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...
