Chapter 3:13.3

508 11 0
                                        

An: hi guys.. sorry for keep you waiting.. actually dapat kagabi pa tu pero dahil umiiyak si mother earth kaya hindi ako makahanap ng magandang signal para makapag update.. pero here i am.. and bear with me.. medyo short update lang po ito at alam kong bitin... So bear with me please.
Hindi ko alam kung binabasa nyo ba ang note ko pero kahit ito basahin nyo kasi para hindi kayo malost sa story na tu..

Ito naman po yung nangyari after Ella left Mae sa secret garden and nung nakita nya si Ella with Mika.. so here goes nothing..


Third Person's POV

Agad na umalis si Ella dahil nag-iba nanaman ang timpla ng isa, naglalakad lang siya at patuloy na iniisip kung ano ba talaga ang problema, kung bakit nagkakaganun nanaman si Mae, minsan ay hindi nya na talaga alam kung baka abnormal lang talaga ang isang yun at paiba-iba nanaman ang utak ng isang yun.

"Ano kayang problema ng isang yun?" tanong ni Ella sa kanyang sarili. Hindi nya alam kung bakit pabago-bago nalang palagi ang mood ng isang yun at hindi nya na mahabol ang pace ng moodswings nya. "Di kaya may bipolar disease na yun at hindi ko lang alam?" tanong nyang muli sa sarili nya. "Tss, ano ba yan? Pati ako parang nabubuang na sa kakasalita dito."

Habang patuloy pa rin syang naglalakad palabas ng campus nila ay hindi nya namalayan ang pigura ng isang tao sa likod nya at patuloy pa rin sa pagsunod sakanya. hindi na sana nito tatawagin pero nag aalala na rin sya sa kanyang kondisyon ngayon.

"Ella." Pagtawag ng kung sino dito. Agad naman syang napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun at naggulat sya ng makita kung sino ito.

"A-Amz..."

"Ayos ka lang ba?" tanong nito kay Ella.

"A-ayos lang ako." bahagya namang napatango si Amy sa sinagot ni Ella sakanya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Amy dito na sinang ayunan naman ng isa.

"Ahm, Amz, bago ang lahat gusto ko sanang humingi ng tawad sa nangyari sa bahay ni Ate Cha. Hindi ko naman iyon ginustong mangyari at di ko rin naman iyon sinasadya."

"Yun ba ang dahilan kaya't hindi ka nagpapakita samin? At hindi ka rin umuuwi sa bahay ni Ate Cha?" agad namang napayuko si Ella.

"I'm sorry.."

"Hindi naman ako galit, at alam kung hindi mo naman yun sinasadya so no need on asking for forgiveness." Napatango nalang muli si ella sa sinabi ni Amy.

"Ano nga pala ang gusto mong pag-usapan natin?"

"Dapat ko bang sabihin sakanya?" tanong ni Amy sa sarili nya. "Pero baka mamaya nyan eh magkagulo ang lahat. At baka mas lalo rin syang maguluha kapag sinabi ko ang totoo."

"Amy?" pagtawag ng pansin ni Ella sakanya.

"Gusto ko lang ipaalala ang tungkol sa mission mo."

"Alam ko naman yun. wag kang mag-alala hindi ko naman nakakalimutan ang bagay na yun." Sagot naman nya. "Yun lang ba ang pag-uusapan natin?" tanong uli ni Ella. Naggulat sya nang bigla syang hinila nito para yakapin. Bigla syang kinabahan sa ginawa nito pero ang init ng yakap nito ay parang may nagpapaalala sa isang particular na tao na hindi nya na matandaan.

"Amy?" pagtawag muli ni Ella sakanya. pero si Amy naman ay napapikit nalang.

"Mali ito...." Sabi nito sa kanyang sarili at agad na itinulak ito palayo.

"Aray! Ano bang problema mo?" medyo inis na sabi ni Ella, muntikan na kasi syang ma out of balance dahil sa biglaang pagkakatulak ni Amy sakanya. hindi naman makatingin sakaya si Amy at nakatalikod pa rin ito sakanya.

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon