Chapter 3:1.5

796 20 3
                                        

An: this will be the last Pov of Bea for this Chapter... hope you like it guys...

FASTFORWARD....

Kararating ko palang sa bahay, agad akong dumiretso sa kwarto ko at ibinagsak ang sarili ko sa malambot kong kama. Nakakapagod ang araw na ito. Napatingin naman ako sa CR, mukhang kelangan ko munang magfreshen up nang makatulog naman ako ng maayos. Tumayong muli ako at dumiretso na sa CR para maligo. After that ay lumabas na ako and check my cellphone. I have one message from her.

From: JhoMara

I'm sorry about what happened earlier.

I type a text to reply her.

To: JhoMara

Its okay, wala na yun. Naiintindihan naman kita and I'm cool with it. I hope you're already at home safe and sound.

From: JhoMara

I am. Thanks for your company earlier, I am more okay. Thanks a lot De Leon.

To: JhoMara

It's nothing, basta kung kailangan mo ng makakausap. I am always here ready to be your listener. Wag kang mahihiyang itext or lapitan lang ako. I am your friend now. Basta, always mo lang iisipin yung deal natin ha? That you can say everything to me, you can complain, but after that ay ngingiti ka nang muli. Goodnight Jho, Sleeptight. J

To: JhoMara

I will. Goodnight too, De Leon J

Napailing nalang ako. Bakit ba De Leon sya ng De Leon, baka mamaya gusto nya na palang idugtong ang apelyido ko sa pangalan nya. Joke lang! Kay dream girl lang ako. Hahanapin ko pa sya. I throw my cellphone to my soft bed when suddenly something caught my eyes. I didn't know na makikita ko pang muli ito. I pick it up and started staring on it. Memories started to flash after it and next to that, my tears are already doesn't want to hold back and began to fall down to my cheeks.

FLASHBACK..

Halatang hindi nya inaasahan ang mga binitawan kong mga salita. I got my very deep breath and clench my fist so hard to stop myself to burst out.

"Walang nakakaalam ng naging kalagayan ko kundi ako at ang pamilya ko lang. Hindi nyo alam ang naging rason kung bakit ako naging ganito. And no one dares to know me well, you just knew me na isa akong stubborn person, a rebel na walang ibang ginawa kundi saktan at ipahamak ang sarili ko." I sat down on the other corner of the room. "Katulad mo, nasaktan din ako. Nawalan ng taong mahal sa buhay. Pero hindi katulad mo, hindi sila namatay, pero parang mas gugustuhin ko pang namatay na lang sila kasi mas maiintindihan ko pa ang dahilan, pero hindi eh.... Iniwan ako ng taong dapat ay nandito sa tabi ko. Yung taong dapat nagbibigay sakin ng pangangailangan ko, yung kakalinga sakin. Sobrang sakit na malamang kaya kang iwan ng pamilya mo nang dahil sa hindi nila kaya pang pakisamahan ang isa't isa. Iniwan kami ng daddy ko para sumama sa ibang babae, sumama sya sa babae nya sa kadahilanang hindi nya mahanap ang kalinga ng isang asawa kay mommy. Yes, they love each other before, nadepress si Mama at wala syang ibang ginawa kundi ang maglasing at saktan ako. Pero kahit ganun pa man ay inintindi ko sya dahil mommy ko sya. Mahal ko sya eh. Pero anong ginawa nya? Iniwan nya pa rin ako katulad ng pag-iwan ni daddy samin. Masakit dahil umalis sya dahil isa akong pagkakamali sa kanyang mga mata. Itinakwil nya ako at iniwan sa pangangalaga nina lolo. Sobrang sakit nun, pero wala akong naggawa kundi ang tanggapin ang bagay na yun. Alam mo ba yung pakiramdam ng parang pinagsakluban ka ng langit at lupa? Yun yung pakiramdam nun. Galit, sakit, lungkot, lahat yun nagsama-sama, kaya itinatak ko sa utak ko na kung kaya nila akong mawala sa sistema nila, then I should too, right? Ang unfair kasi kung sila nabubuhay ng wala ako sa buhay nila, ako pa kaya? So what I did? Was to forget them and move on with my life." sabay punas ng luha ko. "Alam mo? Maswerte ka pa eh, kasi may taong nagmamahal pa sayo, nandyan pa ang dad mo. Alam kong kahit medyo uptight sya sayo, eh mahal ka nya. Hindi ko pa mapapatunayan yun sayo, but you will see it soon. So I think you should love him, katulad ng pagmamahal ko sa grandparents ko. We should shower our love for them dahil hindi nila tayo binitawan at minahal nila tayo. Aaminin ko, kahit matagal ng panahon ang nangyari ang bagay na yun, ay patuloy pa rin akong nasasaktan, katulad ng kung panu ka masaktan ngayon. Masakit pa rin ang iniwan nilang sugat dito sa puso ko. Sa murang edad ko? Hindi pa rin nakakalimot ang puso ko sa ginawa nila. Hindi nyo alam na sa bawat sakit sa mga ginagawa kong mga kalokohan ay may isa akong rason, at yun ay tumbasan nun ang sakit ng nararamdaman ko, gusto ko kasing patunayan na kahit gaanu pa yun kasakit ay maggagamot ito ng alcohol at betadine, pero hindi eh, walang nakapantay sa sakit na naramdaman ko. Tama nga si Ella sa sinabi nya noon sakin, na ang sugat na natamo mo physically ay madaling maghilom sa simpleng betadine at alcohol sa ilang araw lang ay gagaling na, ngunit ang sugat na natamo dyan sa puso mo, marami ang apektado, mentally, spiritually, physically, socially, at emotionally. At walang ibang gamot ang magpapahilom dito kundi ang panahon lang. How I wish sometimes na sana katulad ng band-aid na nilalagay natin sa sugat ay pwede nating mapawi ang sakit, pero hindi eh, hindi ito makakatulong." Tumigil ako sandali and take a deep breath. I wipe away my tears and look at her with a smile in my lips. "Wag kang mag-alala, sabay nating tutuklasin ang gamot sa mga sugat na idinulot nila satin." Sabi ko sabay lahad ng kamay ko sakanya.

EOFB

"Acceptance.... Yan palang ang alam kong gamot, pero hindi pa yun sapat Mama, Papa. Hindi pa sapat ang acceptance sa sakit na idinulot nyo sakin." I said. Bigla namang tumunog ang phone ko. Kaya itinago ko na ang picture frame naming ng pamilya ko sa loob ng drawer at agad na sinagot ang tawag.

"Hello?"

("Bea, sigurado ka bang okay ka lang?")

"Haha, di ba dapat ako ang magtanong nyan sayo?"

("Bea....") I sighed.

"I'm okay Tey, ayos lang ako."

("Anong gagawin mo?")

"Ano ba ang dapat kong gawin? Syempre, pupunta ako. Pwede ko namang dalhin sina lolo eh at sila ang umattend sakin. Ayoko namang masingko sa ilang subjects natin at magkaroon ng kung anong consequences man yun. Eh ikaw?"

("Hindi ko alam, maybe mag-eexcuse ako kay Ma'am, or magvovolunteer ako sa ibang profs natin sa pagtapos ng ilang mga gagawin sa faculty.")

"Para ano Tey? Tsk, wag mo ngang takasan ang problema mo. Bakit di mo pa kasi sya harapin? Gumagawa na din naman ng paraan si Pauline ah?"

("I know, at naisip ko na rin yun. Pero alam mo naman di ba yung nangyari? Ayoko lang na maulit muli yung nakaraan. Kung naggawa nya noon, malamang sa malamang ay magagawa nya pa rin ulit yun.")

"Wala pa nga pero natatakot ka na? Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?"

("Eh kung idismiss mo na rin muna yung sayo before ka magadvice sakin?")

"Tey, magkaibang sitwasyon ang meron tayo kaya wala akong dapat ayusin, eh ikaw, pwede mo pang maayos yang problema nyo ng pamilya nyo, before alam mo na. Kahit yun lang muna ang maggawa mo para kay Pauline para sa birthday nya. Magandang regalo ang magkabati-bati kayo." I heard her sigh. "At kung si Kianna naman ang inaalala mo, kailangan ka nyang intindihin. Hindi palaging ikaw nalang lagi ang lumalaban, dapat magkasabay kayo sa pagharap nyo ng bagay na to, lalo na kung gusto nyo talagang matanggap kayo ng pamilya mo. Hindi naman kita pinipressure na gawin mo agad ang bilin ko sayo, ang sakin lang, pag-isipan mong mabuti at itry mo lang naman. Kung hindi man ganun kaganda ang naging resulta, ang mahalaga naman dun ay nagtry kayo eh."

("Okay, pag-iisipan ko munang mabuti ang mga sinabi mo..")

"Basta ang masasabi ko sayo, kahit anong mangyari, I'll always be here for you."

("Thank you Bea.")

"No problem. O sige na I'll hang up na ha? I want to rest for now. Goodnight."

("Same. Goodnight Bea.") Then the call was ended. I throw myself in my bed and close my tired eyes.

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon