Chapter 4:13.1

111 4 0
                                    

ALYSSA'S POV

Nasa locker room ako at nag-aayos ng gamit ko. Kakatapos palang ng practice naming sa soccer and I might say na sunog-balat na naman ako, but it is okay. I love my sports and I'm happy with it. Saktong kakazipper ko palang ng bag ko nang tumunog ang phone ko. It was RAD who was calling kaya agad ko itong sinagot.

"Yes Queen? Napatawag ka?"

("Just wondering where were you?")

"Nasa locker room ako ngayon."

("Kakatapos palang ba ng practice mo sa soccer? Hindi ba ako nakakaabala?") Napatawa naman ako.

"Kailan ka ba naging abala sakin? But to answer to your questions, Yes and No."

("Oh okay.")

"Do you need anything. I know hindi ka lang tumawag para tanungin ako kung tapos na ako sa practice."

("Nothing okay? I just missed you.") Napangiti naman ako. Naglalambing na naman sya.

"I missed you too Queen." I heard her chuckle. "Okay? So what really is the catch?"

("Actually Ly, Can you get my notes? I left it in the classroom. Nagmamadali kasi ako kanina.")

"I knew it!" I heard her laugh. Napangiti naman ako. I love the sound of her laughs. Kung sana hindi ko nalang sya iniwasan. Kung hindi sana ako naging makitid ang utak at nagpadala sa galit siguro hindi ko kailangan na habulin yung mga oras ngayon para lang makasama sya at magkaroon ng magagandang alaala. "San mo ba nilagay?" I asked her.

("Nasa desk ko ata. I don't remember eh.")

"Okay, I will look for it. Idadaan ko nalang sa bahay kapag nakita ko."

("Okay. Thanks Ly.") she said and she hungs up the call. Agad kong kinuha ang bag ko at pumunta sa parkinglot para ilagay sa trunk ang gamit ko. Sinara ko ito tsaka ako pumunta sa Eagles room.

Pagdating ko ay agad akong pumasok pero natigilan ako nang mapansin kong hindi ako nag iisa. Nakita ko syang nakaupo sa desk nila Marge habang nakatingin sa labas ng bintana. Yung puso ko dumadagundong, alam ko naman ang dahilan nito pero alam kong mali at kapag nakikita ko sya ay bumabalik yung araw na yun at naiinis ako. Hindi para sakanya kundi sa sarili ko.

Naramdaman nya ata na hindi sya nag iisa kaya lumingon sya sa direksyon ko. When she saw me, I can see how shocked she was. Dahil dito ay malaya kong pinagmasdan ang maganda nyang mukha. Nakita ko sa kanyang mga mata ang lungkot, guilt, miss at pain na nagpabigat sa dibdib ko. I don't want to see her like that, dahil nasasaktan din ako sa tuwing nakikita ko syang ganito. I want to hug her and comfort her but I stopped myself. Agad akong nag iwas ng tingin at pumunta sa desk ni RAD. Yumuko ako para tingnan kung may notebook ba syang naiwan. Agad ko naman itong nakita.

"Alyssa." Mahina pero ramdam ko ang sakit sa boses nya. Napapikit naman ako ng mariin. Hearing her voice filled with pain makes me feel guilty.

"Please, mag-usap naman tayo."

"Sorry Miss Lazaro, pero pwedeng sa susunod na lang. Nagmamadali rin kasi ako." Sabi ko at aalis na sana pero naramdaman ko ang pagyakap nya sakin mula sa likod. I heard her sniff.. Teka, umiiyak ba sya? It proved me right nang maramdaman ko na nabasa ang damit ko sa likod.

"I'm sorry. Hindi ko kaya ang ganito. Please just give me a chance na magpaliwanag." I cant face her like this. Duwag na ung duwag pero hindi pa ako handa. Hinawakan ko ang kamay nya at marahang inalis sa pagkakayakap sakin. I sighed before facing her. I saw how tears keep on falling from her eyes. I feel guilty

"I'm sorry but please give me time. Hayaan mo muna ako. I will let you explain, but it is just too soon. Marami pa akong inaasikaso..." hindi pa man ako natapos sa pagsasalita ay nakita ko syang tumango. Wala naman talaga syang kasalanan sakin. Kaya hindi ako pwedeng magpakatigas sakanya pero alam kong kasalanan ko kung bakit sya nagkakaganito. At ang pag iwas ko sakanya ang tanging paraan na alam ko.

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon