Bea Del's POV
Isang araw nanaman ang lumipas. Parang ang bilis lang ng panahon. Parang nung kahapon lang kami nagkausap nung malungkot na babaeng nagngangalang Jhoanna. Ayy, oo nga pala, kamusta na kaya yun? Di kasi ako nakapasok nung lumipas na tatlong araw eh kasi nagkasakit ako. Oh wag kayo, syempre tinatablan din ako ng mga viruses at bacteria, wala pa namang mabisang antivirus ngayon. Hindi naman masyadong malala kaya wag kayong mag-alala, actually dapat nung isang araw pa ako nakapasok pero sadyang napaka OA ng lolo at lola ko sakin. Kaya love na love ko yun eh, kasi they never leave me behind, kahit na dapat nasa isa silang business trip nung isang araw, hindi lang sila tumuloy kasi daw hindi nila ako kayang iwan na ganun ang kalagayan ko. Ang favor lang naman nila sakin ay humanap ako ng babaeng pwede kong mahalin at syempre yung mamahalin at tatanggapin din ako. Ayy, oo nga pala, alam na nila ang sexual preference ko at masaya pa nga silang nalaman ang bagay nay un. Walang kung ano silang against na sinabi sakin. They accepted me at they are literally happy for me, dahil two in one daw ako. May apo na silang babae, at may apo pa silang lalaki. O di ba? Ang supportive nila? Kasalukuyan akong naglalakad patungong school. Hindi naman against ang lolo at lola ko sa kung anumang gawin ko, basta kung saan daw ako masaya, support lang nila ako. {Ano namang connect nun sa paglalakad mo ngayon?} Just sayin'. Ayokong sumakay ng car, mas masarap kasi kapag naglalakad ka. Marami kang pwedeng masave sa paglalakad lang. By just walking, you will save your gasoline, maaavoid mo pa ang pagdami ng mga sasakyan sa daan na nagko cause ng traffic, your money will also be saved at hindi rin ito dagdag perwisyo sa pollution sa hangin at makakapag exercise ka pa! O di ba? Tsaka mas masarap kasing maglakad kasi marami kang madidiskubreng bagong karanasan, yung mga ganun.
Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang mamangha sa ilang mga bagay na nadidiskubre ko katulad na lamang ng mga larong nilalaro ng mga bata sa kanto. It really looks fun paminsan-minsan nga eh sumasali ako sa mga laro nila kasi mahirap ang maglaro kung mag-isa ka lang. Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot. Sa bahay kasi eh, ako lang minsan ang natitira lalo na kung wala sina lolo dahil sa mga negosyo at kompanya nilang dapat asikasuhin at bigyan ng atensyon kaya minsan ay ako lang mag-isa ang naiiwan sa bahay for months. Mabuti na nga lang talaga at pumayag silang sa maliit lang na bahay lang kami manirahan. May mansion sina lolo, pero ayokong doon tumira kasi dun mo mafifeel na mag-isa ka lang talaga at maraming mga bagay ang nagpapaalala sakin sa mga bagay na pinipilit kong kalimutan. Pero kahit madalas ay wala sila ay ramdam ko pa rin naman na maha nila ako, by checking on me every day. They always reminding me na wag kong pabayaan ang sarili ko. At may times naman na naglalalaan sila ng oras para makipag bonding sakin. Nagpatuloy ako sa paglalakad, nang may isang senaryo ang nagpasikip sa dibdib ko.
"Mommy, please don't leave me." Umiiyak na sigaw ng isang batang lalaki sa kanyang ina na may dalang maleta at may naghihintay dito na taxi.
"Mommy!" pinigilan ito sa paglapit ng isang matandang babae which I think is his grandma.
"This is for your own good son. I need to do this para matustusan ang mga pangangailangan mo in the future." Pinipigilan ng babae ang pag-iyak nito. Habang kanyang hinahaplos ang mukha ng kanyang musmos na anak.
"I promise, anak. Mommy will be back. Always naman tayong mag-uusap eh. Please don't cry, okay? Always remember that Mommy loves you so much. I love you." She said as she kisses him in the forehead. At pagkatapos ay tumayo na din ito.
"Mama, ikaw na po ang bahala sakanya." sabi nito sa kanyang ina at agad na tumalikod at naglakad paalis. Sumakay na sya sa taksing naghihintay sakanya, at umalis na ito. Nakita kong tumakbo ang bata, hinabol ito ng kanyang lola, pero sa tingin ko ay hindi nya ito aabutan kaya, agad ko rin itong sinundan. Nakita ko sya na pumasok sa isang maliit na tunnel doon at doon umiyak. Dapat ko ba syang lapitan? {Syempre, alangan namang titigan mo lang sya. Ano pa't sinundan mo sya kung hindi mo sya lalapitan di ba?} Oo na! Atat din minsan? Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nya. I cleared my throat before speaking.
"Uhm, hi?" napatingin yong bata sakin, pero agad ding umub-ob sakanyang braso na nakapatong sa kanyang binti. Umupo ako sa kabilang side upang magkaharap kami.
"Ako nga pala si Bea. And you are?"
"Zeke." Mabuti nalang pala at hindi suplado ang isang to. "What do you want from me?"
"Ahm, nothing. Napansin ko lang kasi na malungkot ka. Dahil ba yun sa pag-alis ng mommy mo?"
"Yeah."
"Alam mo, hindi ka dapat nalulungkot dahil lang sa umalis ang mommy mo."
"What do you expect me to do? Be happy, while she's leaving me? Mom, said she loves me, but why does she leave me if she loves me? Dad, doesn't love me, that's why he left us. So that means that she really doesn't love me."
"Yun ba ang basehan mo?"
"What?"
"Siguro nga iniwan kayo ng Dad mo, pero ang Mommy mo, she really loves you. Totoo yun at nararamdaman kong mahal ka ng Mommy mo."
"How can you say that?"
"Hindi naman ibig sabihin na iniwan ka nya ay dahill hindi ka nya mahal. Minsan kasi, lalo na ang mga ina, ay gagawin ang lahat para sa kanilang mga anak, kahit mapalayo ito sakanya ng mahabang panahon. Kaya nya yung tiisin para matumbasan lang nun ang ngiti at karangyaan na matatamo ng kanilang mga anak. Masakit, mahirap dahil mapapalayo sila sa taong mahal nila, pero wala naman silang choice eh. Dahil mahal ka nya kaya nya piniling magpakalayo at magtrabaho sa ibang bansa. Dapat intindihin mo ang Mommy mo. Sa totoo lang, maswerte ka pa nga eh. Dahil umalis ang Mommy mo ng dahil iniisip nya ang kinabukasan mo. Eh samantalang ang iba dyan ay handang iwan ang kanilang mga anak dahil hindi nila maatim na makita pa nila ito. Isa sa mga rason upang makita nila ang kamalian nila. Masakit yun sa mga batang nakaranas ng kalupitan at ang masaktan sa murang edad na walang kalaban-laban."
"Ikaw ba Ate Bea? Naranasan mo na po bang iwan?"
Ngumiti lang ako sakanya. Ngiting may lungkot na hatid.
"You don't wanna know about it."
"Zeke, apo. Kanina pa kita hinahanap eh. Halika na apo, umuwi na tayo." Sabi ng Lola nya. Napatingin ito sakin. Tumayo ito at lumapit sakin.
"Salamat po ate Bea. Siguro po tama po kayo. Mommy really loves me."
"Walang anuman. Basta, wag ka ng umiyak ha? Kalalaki mo pa namang tao umiiyak ka. At saka, wag mong bibigyan ng sakit ng ulo ang Mommy at Lola mo ha?"
"Opo. Panu po, una na po ako."
"Sige."
"Salamat iha." Sabi ng lola nito.
"Walang anuman po." Sabi ko nalang. Nang makaalis na ito ay nagpatuloy na ako sa paglalakad ko patungong school. Hindi din nagtagal ay nakarating na rin ako doon. Parang feeling ko tuloy, pagkatapos kong kausapin yung bata ay parang nakahinga ako ng maluwag. Ano kayang magandang gawin ngayon? Naumpisahan kasi ng good vibes, so I think mas magandang ituloy-tuloy na. Tsaka matagal din akong nakalagi lang sa bahay at di masyadong makagalaw kasi nandun sina Lolo, bantay-sarado ako. Punta kaya muna ako ng lumang building? Maaga pa naman eh, titingnan ko lang kung totoo ba talaga yung rumours. Agad akong umakyat, pero nung nasa ikalimang palapag na ako ay bigla akong nakarinig ng mahinang hikbi sa isa sa mga kwarto rito sa palapag na ito. I can also smell the scent of Sampaguita flower and burning candles. Baka nagkataon lang? Maya-maya pa ay nawala na ito pero kasunod nito ay nakarinig ako ng yabag ng kung sino at parang papalapit ito sa kinaroroonan ko ngayon. Mahigpit kong nahawakan ang strap ng bag ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot. Mukhang tama nga yung tsismis.
"Bea?" biglang tumaas ang mga balahibo ko. Alam ng multo ang pangalan ko, pero bakit parang pamilyar para sakin ang boses nya. Parang narinig ko na yun somewhere. Pero dahil sa kaba at takot ko ay agad akong kumaripas ng takbo pababa ng building, nung nasa 3rd floor na ako ay biglang may nagsalita nanaman.
"Bea! Sandali lang!" waah! Iba nanaman ang boses nya.
"Waahh! Wag mo akong sundan! Hindi kita matutulungan sa pagkamatay mo. Ah tantanan mo ako." At dahil sa takot ko ay hindi ko na tiningnan ang hinahakbangan ko at biglang nahulog sa hagdan. Mamamatay na ba ako?
An: waahhh!!!! nahulog si bei.. sino kaya yung tumatawag at humahabol skanya?
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fanfictionmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...
