(continuation of Mae's POV... Flashback naman po ito ni Mae)
Naggulat naman ako nang bigla syang tumawa.
"Anong nakakatawa?" tanong ko sakanya pero hindi parin sya tumitigil sa pagtawa nya kaya sobrang inis ko ay tumalikod na lang ako at akmang aalis. Nang mapansin nya akong papaalis na ay muli nya akong tinawag at hinabol.
"Mae! Sandali lang nga muna."
"Ano pa bang kelangan mo? Nasasabi mo na ang gusto mong sabihin di ba? Kulang pa bang threat ang nasabi mo kanina?"
"Ano?"
"Okay! I already get you that you like her at possessive at obsessed ka sakanya...."
"Wait what? Talagang pinaniwalaan mo yung sinabi ko kanina?"
"Bakit? Hindi ba totoo yung sinabi mo kanina?"
"I am actually just kidding. I can't love someone whom I cannot have for a lifetime... Hindi sya nababagay sakin no?? Hahahha"
"Ewan ko sayo." Sabi ko at akmang aalis na naman ulit pero agad nya din naman akong pinigilan.
"Mae wait! Ayaw mo bang tulungan kita?"
"Tulungan naman saan?"
"Tulungan na wag matuloy ang lunch date nila nung Reyes na yun mamaya."
"Wala akong problema kung makipagdate pa sya sa kung sinu-sinong tao dyan. Baka ikaw nga dyan ang may problema kaya wag mo akong idamay dyan sa mga kalokohan mo.... Hindi ako nakikipagsabwatan sa mga taong karibal ko no?" pabulong kong sambit. Hindi ako tanga no?
"Haay naku, mas mahirap pa pala ang mag explain sa makitid ang ulo kaysa sa pagpapaamo sa isang halimaw." Sabi nito sabay kamot pa sa ulo. "Ganito nalang.... Gusto kong pumunta ka sa puno doon sa likod ng lumang gym mamayang lunch."
"At bakit ko naman susundin ang utos mo sakin?"
"Basta sundin mo nalang okay? Wag ka ng maraming tanong dyan. Aasahan kita mamaya sa likod ng gym mamaya." Sabi nito at agad na umalis. Naiwan akong naguguluhan. Pupunta ba ako? Aksaya lang naman yun ng oras eh. Bahala na nga.
LUNCHBREAK na! {Wow kelangan may emphasis talaga ang Lunchbreak?} Oo naman para mas exciting. At hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nandito ngayon sa likod ng gym sa mismong sinabi nung Ahomiro na yun. Bakit nya nga ba ako napasunod? Ewan ko ba para kasing may humihila sakin papunta dito. Malapit na ako sa may puno ng may narinig ako.
"Tssk!!! Asan na ba yung si Amy, nakakainis naman yun at pinaghihintay ako. Sayang yung free foods na kakainin ko ngayon."
Nakita ko naman si Amy sa di kalayuan na nakatingin sakin at agad na may tinuro sa taas sa mismong kinatatayuan ko. Tumingala naman ako at may nakita akong lunchbox doon. Tumingin uli ako sa direksyon nya pero wala na ito. Nasan na yun?
"Hayyss.... Nakakainis talaga si Mae-mae lord. Mahirap ba talagang magpatawad? Lord masama po ba ang ginawa ko kahapon na mainis sakanya at tuluyan syang iwasan muna? Siguro tama naman yun di ba kasi para makapag-isip isip din naman sya at para makapagfocus naman ako sa mga responsibilidad ko sa iba. Sorry na po Lord, alam kong ayaw nyong may taong nag-iisa ngayon at feeling na wala silang kakampi ngayon pero kasi Lord, baka galit pa po kasi sya sakin kasi nakikisawsaw ako sa problema at buhay nya. But Lord kahit ganun po sya I hope you still guide her and give her a clear and peace of mind to forgive the people na nagkasala sakanya." and I heard her sigh. Napariin ang pagpikit ko ng mata ko habang nakasandal at nakatago sa puno at pinapakinggan sya. I took a deep breath at lumabas na.
"I'm not mad at you."
"Ay butiking bubuyog!!" biglang nasambit nya. tinapunan ko naman sya ng kunwaring masamang tingin. "Sorry Mae! Nangguggulat ka kasi eh.... K-kanina ka pa ba dyan?" hindi ako sumagot at iniabot sakanya ang dala kong lunchbox.
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fanfikcemakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...
