Chapter 4:9.1

157 7 0
                                        

JOVELYN's POV

Being together with Tristan and the Eagles, makes me feel like more complete. Hindi ko alam pero parang may parte sakin na nabuo ng dahil sa activity na tu. The dudes are getting along well at nakakasama ko rin yung babaeng mahal ko. Because of this activity ay unti-unti ko rin syang nakikilala at mas lalo tuloy akong nahuhulog sakanya. Pero ang problema ay kung kalian ay malapit na ako sakanya ay sya namang pag-iwas nya sakin. Hindi sya lantaran na ipakita na gusto nya talaga akong iwasan kasi kinakausap nya din naman ako, paminsan-minsan clingy at sweet pa rin naman sya katulad ng dati pero minsan ay halatang iniiwasan nya ako kasi minsan bigla-bigla nya nalang syang iiwas - especially kapag kasama ko si Cha.

*TING!*

Bigla akong nabalik sa wisyo ko nang biglang tumunog ang phone ko indication na may nagtext sakin. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nakita ko ang isang notification message from Queenie. And yes, bumalik din kami sa dati ni Queenie. Bumalik yung communication naming dalwa simula nung hindi ko sya tinigilang itext para iforgive ko sa ginawa kong pagiging close minded dati. I was so guilty that time. Fortunately, Queenie let me explain my side and she forgave me.

Agad kong binasa ang message sakin ni Queenie.

["Hi gwapa? How's your day?"]

Agad naman akong napangiti sa nabasa ko.

"I'm good. How about you?" reply ko sakanya

["Tired. Marami kasing ginagawa. So busy."] with matching sad emoji pa. napatawa naman ako.

"Maybe you should rest Queenie."

["Hehe, thank you Gwapa. I feel so energized agad because of your caring message"] napailing ako sa kakulitan niya. Hindi ko alam pero ang saya ko pagnakakatext sya. at minsan nakakafeel ako ng kilig sa mga banat nya.

"Hahaha. Really, you need to rest first para mawala yung pagod mo."

["Okay Gwapa. Btw. Text you later okay? May gagawin lang ako."]

"Okay, just remember, get enough rest."

["Aye, aye Gwapa. GTG!"]

Hindi na ako nagreply kasi kapag nagreply pa ako, mas tataas pa ang text namin. Kasalukuyan akong nandito sa room at nakahiga sa kama. Si Tristan naman ay tulog na sakanyang crib. Kakatapos lang kasi ng klase naming kay Maám Aby. She talks about 3 different kinds of handshakes and the different action that you can determine what kind of person are you with with their simple gestures. Ewan ko ba kung bakit nya tu tinatackle samin. Tinopak din siguro katulad ng bestfriend nya na si Maám Charo.

Bigla namang pumasok si Rachel sa kwarto namin. Kumuha sya ng damit sa drawer nya at agad na pumunta sa may hairdresser nya at agad na hinubad ang bracelet nya at agad na pumasok sa CR. Npangiti naman ako nang makita ang bracelet na yun.

Ang bracelet na yun ay isang silver plated na may nakaengrave na pangalan niya. Ako ang nagbigay sakanya noon nung naisipan kong ligawan sya. Ganito kasi yun.

FLASHBACK...

Nasa terrace ako ng bahay. Natutulog na sila lahat ako nalang ang hindi. Hindi pa kasi ako makatulog eh. Marami lang akong iniisip ngayon kaya hindi din ako madalaw ng antok.

"Okay ka lang ba?" biglang tanong ni Amy.

"Ayos lang ako. Bakit gising ka pa?" tanong ko sakanya

"Actually nakatulog na ako, bumaba lang ako para uminom ng tubig at dalhan ng gatas yung isa pero nakita kita dito." Sagot naman nya. Tumango naman ako.

"Any problem?" tanong nya. Napahinga naman ako ng malalim. Hindi ko alam pero magaan ang loob ko kay Amy. Yung para bang matagal ko na syang kilala.

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon