FLASHBACK
Naggising ako na medyo masakit pa yung ulo ko at masakit yung katawan ko. Siguro dulot ito ng nangyari kagabi.
"Haayyy, salamat naman at naggising ka na rin. Buong araw kang walang malay."
"Anong nangyari?"
"Hindi mo ba alam? Kagabi kasi nakita ka namin na nagpapaulan sa gilid ng kalsada tapos bigla ka nalang nawalan ng malay. Mabuti na nga lang talaga at kami ang nakakita sayo. Sobrang taas ng lagnat mo kagabi. Mabuti nalang ngayon eh bumaba na ito. Halika, dun tayo sa may sala." Sabi nito at inakay na ako papuntang sala. Naabutan naman naming doon yung isa na busy sa pagluluto sa kusina.
"O mabuti't gising ka na. Tamang-tama, nagluto ako. Buong araw kang walang malay kaya alam kong gutom na gutom ka na." puna naman nito sakin habang naghahalo ng kung ano sa kaldero. Pinaupo naman ako ng isa sa may sala at nilagyan ng kumot sa likod ko para wag akong ginawin. "Matanong nga kita, what's the reason why all of the sudden ay nagpapakasenti ka sa ilalim ng ulan?"
"Oo nga, not knowing na may sakit ka na pala at puno ng galos at sugat yang katawan mo tapos susugod ka pa sa ulan. Magpapakamatay ka ba? Don't tell me sa susunod eh makikita ka na lang namin na nasa taas ng building at balak magpakamatay?" hysterical na sabi nito habang kinukuha ang temperature ko. Napailing naman yung isa. "35.7, ayan okay ka na." napalibot naman ang tingin ko sa paligid. Nasa isa kaming condo. Hindi ko alam kung kaninong condo ito pero napakanice at cozy nito.
"So ano? Tapos ka na bang magcheck out sa condo?"
"Kaninong condo to?" inginuso nya naman yung babaeng busy pa rin sa paguluto. Sakanya pala ito? "So ano, pwede mo na bang sabihin samin kung ano ang dahilan? Well kahit di mo naman sabihin ay alam ko na rin naman." Napakunot naman ako sa huli nyang sinabi. Hindi ito klaro sa pandinig ko pero parang may hint ako na baka alam nya na.
"Ella, hayaan mo na. baka hindi pa sya handang magshare. O baka naman napakaprivate ng bagay na yun kaya hindi nya kayang sabihin." Sabi naman ni Rad. Wala namang naggawa si Ella at napaupo nalang din sa sofa habang hinihintay naming maluto ang pagkain. Magsasalita na sana ako pero biglang tumunog ang doorbell. Agad namang tumayo si Ella.
"Sandali!" sigaw ni Ella para tumigil sa kakapindot yung taong nasa labas. Hindi ko alam kung sino ang naroroon pero rinig na rinig ko naman usapan nila.
"Nandito ka lang pala, kanina pa ako tumatawag sayo ah?"
"Wow, parang nanay ko lang?" rinig kong sagot ni Ella
"Syempre nag-aalala ako. Dalawang araw kang MIA ah?"
"Huy! For your info! 1 day lang akong MIA. Tsaka bakit ka naman nag-aalala sakin?"
"Nag-aalala ako hindi para sayo kundi para sa buhay ko. Baka patayin ako ni Ate kapag nawala ka. Isa ka pa namang malaking tanga."
"Anong sabi mo?"
BOOGSSSHHH!!!BLAGG!
At naggulat kami nang makita naming si Ahomiro na pinipingot ni Ella at hila-hila sa nito.
"Aray! Aray! Ang sadista mo talaga." At sa wakas ay binitawan nya na ito. Hawak-hawak naman nya ang tengang piningot ni Ella.
"Ouch De Jesus ha? Ako na nga itong nag-aalala sayo."
"Wow ha? Salamat sa PAG-AALALA mo" sarcastic na sabi ni Ella.
"Tss."
"O tama na yan, baka mamaya nyan eh magpatayan na naman kayo. Luto na yung pagkain." Sabi ni Rad. Napatingin naman si Ahomiro sa kinaroroonan ko.
"Hindi ko alam na may kasama pa pala kayo. Tss.... Nakakahiya tuloy." Sabi ni Ahomiro.
"At bakit naman nakakahiya aber?"
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fanficmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...