Chapter 2:5

1K 18 1
                                    


Marge's POV

"Jirah, ang galing mo pala talagang kumanta. Ang sarap pakinggan ng malaanghel mong boses."

"Naku! Bola ka Gizelle."

"Uyy, hindi ah! Ang ganda talaga ng boses mo. Para ngang na LSS ako dun sa kanta mong.... Hmm, ano nga ba yun?"

"Tadhana. Halata nga eh, ilang beses mong hinuhummm." Bigla naman akong natigilan. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay kinakanta nya parin yun.

"Oo, yun nga! Eh, masisisi mo ba ako? Teka lang, sabi ng isa sa mga staff dun eh, always mo daw yun kinakanta for finale. Yun lang ba ang alam mong kanta?"

"Hindi naman, marami pa akong alam na ibang kanta pero mas nainvade kasi ng kantang yun ang buong pagkatao ko. Yun din yung unang kantang tinugtog ko noon na itinuro sakin ng taong yun. Whenever I sing it, it always reminds me of that particular person na eventually pinakawalan ko."

"Sino ba yun? Ako ba yun?"

"Haha. Tumahimik ka na Gi, baka mamaya nakakaistorbo na tayo sakanila."

"Labas nalang tayo."

"Ayoko sa labas."

"Ha? Bakit naman?"

"Wala lang. May gagawin pa kasi ako eh."

"At ano naman yun?"

"Hehe, secret!" sabi nya at humarap na sa may bintana. Tumingin sya sa labas at nakangiting tumingin sa malayo.

Tumayo ako at lumabas ng classroom. Hindi ko inakalang hanggang ngayon ay alam nya pa ang kantang yun. Pumunta ako sa CR at naghilamos. Di ko inakalang hanggang ngayon ay malaki pa rin ang magiging epekto nya sakin. Matagal nang panahon ang lumipas pero ni katiting ay hindi nawala ang feelings ko para sakanya. Pero mali ito. Tapos na kami. Hindi na kami pwede. Hindi ko dapat ito maramdamang muli sakanya. Sinaktan nya ako at dapat galit na ang nararamdaman ko.

"Andito ka nanaman. May problema ba?"

"Pumunta lang ako dito, may problema agad? Di pwedeng nag CR lang talaga ako?" Napailing naman sya sa sinabi ko at agad akong binack hug.

"Ang lambing-lambing mo ngayon. Anong nakain mo?" tanong ko sakanya.

"Eto naman naglalambing lang eh. Namiss lang kita eh. Tara na labas na tayo." Sabi nya aat hinila nya na ako palabas ng CR. Naglalakad kami patungong Eagles room. Nakacling ang isa nyang kamay sa braso ko. Nung malapit na kami sa room ay napahinto sya.

"Ouch!" mahinang sambit nya.

"O, napanu ka?"

"Napuwing ata ako." Kukusutin nya sana ang mata nya pero agad ko syang pinigilan.

"Akin na baka mainfection." Pinaharap ko sya sakin at hinipan ang mata nya.

"O ayan, okay na?"

"Oo, okay na. Thanks Marge."

"Wala yun Wensh. Ikaw pa malakas ka sakin."

"Malakas din ang epekto nya sayo." Bulong nya

"Ano?"

"Wala. Ah, oo nga pala, pinapasabi ni mommy na pumunta ka sa bahay bukas para magdinner. Namiss ka na daw kasi nya. At marami daw syang ibibigay na gamit sayo. Nakaipon lang kasi sa basement, sayang naman daw kung itatapon nya lang eh pwede mo naman daw pagkaabalahan."

"Ganun ba? O sige, bukas pupunta ako. Namiss ko na rin kasi si Ti- I mean si mommy Weng."

"O sige, sunduin nalang kita bukas."

"Naku wag na! ako nalang ang pupuntang mag-isa doon. Baka sabihin ni Mommy eh, pinapagod ko ang princess nya."

"Princess mo rin ako no?"

"Sabi ko nga eh. Haha. Dadalhin ko nalang yung car ko para malagyan ng mga gamit."

"Okay sabi mo eh. Panu kita nalang tayo tomorrow? May gusto rin kasi akong ipakilala sayo." Sabi nito. Tumango ako. "Sige, una na ako. Marami pa kong gagawin sa student council. Mag-aalboroto nanaman yung president namin kung hindi ako makapagreport on time sakanya." she said while kissing my cheek.

"Mabuti pa nga." Sabi ko. Sinamaan nya naman ako ng tingin.

"Ewan ko sayo. I gotta go. I love you, my prince." Sabi nya sabay wink pa.

"I love you, too my princess." I replied. She giggled at tumakbo na paalis. Napailing naman ako at dumiretso na sa classroom ko. Naggulat ako na wala nang ibang tao kundi si Jirah nalang.

"Nasan ang iba?" tanong ko sakanya. para namang naggulat ko sya at parang nagpunas sya ng luha.

"Ah, sabi nila, pupunta sila sa lib, sina Gizelle naman eh pupunta sa cafeteria." Sa boses nya palang ay halatang umiyak sya.

"Umiiyak kaba?" {Asking the obvious Marge?}

"Hindi napuwing lang ako."

"Jirah...."

"Ayy, oo nga pala. Nakalimutan ko, may kukunin pala ako sa locker ko." Sabi nito. Lalabas na sana sya pero hinarangan ko sya.

"Anong problema?"

"W-wala naman. Napuwing lang talaga ako. Wag mo kong alalahanin."

"Jirah, wag ka na ngang magsinungaling pa! Ano ba talagang problema? Sinong nagpaiyak sayo?"

"Wala."

"Jirah, wag mo naman akong ituring na iba!"

"Ituring na iba? Marge, di ba dapat ako ang magsabi nyan sayo? Oo, alam kong sinaktan kita. Pero umasa ako Marge, umasa ako na maiintindihan mo ako at mababalik natin ang dati. Pero hindi nangyari yun. Naging kasalanan ko, alam ko yun. Binigyan kita ng space dahil alam kong galit ka pa, alam kong nasaktan kita. Pero Marge! Nasasaktan din ako dahil nawalan din naman ako. Hindi lang ikaw ang nasaktan sa ting dalawa eh." Umiiyak nya ng sabi. Nagpunas ito ng luha at tumingin sakin, mata sa mata. "Mas mabuti pang saktan mo nalang ako ngayon kesa maging ganito ka. Kasi hindi ko alam kung totoo bang may natitira pa akong puwang dyan sa puso mo o nagpapanggap ka lang na may pakialam ka pa sakin." Sabi nito at agad nya tumakbo paalis.

Shit! Ngayon ako pa ang may kasalanan? Ako na nga itong lumalapit eh. Shit! Shit! Sa tingin nya ba? Ganun lang yun kadali ang lahat-lahat? Sinaktan nya ako. Pero bakit ganun? Nung makita ko syang umiiyak ng dahil sakin ay mas dobleng sakit ang nararamdaman ko?

4IAEa6���_ؠ

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon