Chapter 3:5.1

671 16 4
                                    

Ella's POV

Nandito ako sa may rooftop... Nagpapahinga lang, nakalipas na ang isang buwan pero feeling ko wala man lang akong naaacomplish... Puro lang ako pang iistalk sa kanila, pero wala naman akong ginagawa.. para ngang padagdag ng padagdag ang mga problemang meron ako eh..

"Haays, kelan pa kayo ito matatapos?"

"Ang lalim naman nun.." napakunot naman ang noo ko pagkakita ko sakanya. Sino naman ito??? Isa maputi, matangkad at medyo healthy na babae ang nasa tapat ko.. matangos din ang ilong at medyo katamtaman lang ang singkit ng kanyang mata... Ngayon ko lang sya nakita pero maganda sya infairness..

"Hindi na importante kung sino ako... Ang mahalaga ay ikaw..."

Ano daw? Hindi ko sya maintindihan..

"Alam mo napakahopeless mo talaga minsan.." argh, kegandang bata pero mayabang at arogante rin pala, minus points.. "Pero maswerte ka at may mga taong handa kang tulungan sa lahat... May mga taong nagmamahal at nag aalala sayo ng hindi mo alam Kasi halaman ka.." did she just say na manhid ako? "Maswerte ka sakanila.." sabi nito.. may lungkot ang nahihimigan ko sa tono nito pero ang kanyang mga mata ay iba ang sinasabi, nakapokerface kasi ito.

"Hindi pa tapos ang lahat, marami pang mangyayari at kung ako sayo ay humanda ka sa mga bagyong darating na pwedeng gumimbal at tumapos sa nasimulan mo. Mag iingat ka sa mga taong makakasalamuha mo dahil hindi mo alam kung sino ang totoo at nagpapanggap lang" sabi nito at nagsimula na itong maglakad palayo.. susundan ko na sana sya pero agad tumunog ang phone ko. Agad ko itong sinagot.. si Rad

"Hello?"

"Ella.. nasan ka na?"

Nagpalinga linga naman ako para hanapin kung nasan na yung babae kanina, pero hindi ko ito nakita.

"Nandito ako sa rooftop.. bakit?"

"Uhm, i think you need to come here."

"Huh? Bakit, ano bang nangyayari? Nasan ba kayo?"

"Nasa open field kami ngayon, si Mae kasi.." tapos may naririnig akong mga parang nagpupusta.. huh?

"Sige papunta na ako dyan.." sabi ko at agad na umibis pababa mg rooftop at pumunta ng open field, pagdating ko doon ay may mga grupo ng mga estudyante ang naroroon, agad akong lumapit at nakita naman ako agad ni Rad.

"Ella, buti dumating ka..."

"Ano bang nangyari?"

"Hindi ko nga rin alam eh, bigla nalang kasing nagtakbuhan ang mga estudyante dito at ito yung naabutan ko.."

"Wala man lang bang umaawat?"

"Inaawat na ni Amy si Mae. Pero ayaw rin kasing paawat ng dalawa eh." Hindi na ako sumagot at nakipagsiksikan na lang ako papunta sa gitna, nakita kong inaawat ni Amy si Mae na sa ngayoy nakikipagtrashtalk kay Jovee, isa ito sa Saggitarian na nakangisi lang na parang mas lalong iniinis si Mae. Kasama nya pa ang dalawa nyang kaibigan na so LA at Myco.. tsss ang tatlong itlog na to... Agad akong lumapit kay Mae at hinawakan ang braso nya...

"Ow, dumating na yung baboy na akala mo seksi at kung sinong umaasta..." Pang aasar pa ni Jovee at nagtawanan pa sila. Bigla namang pumula ang tenga ni Mae at alam kong naiinis at nagtitimpi na sya.. susugudin nya sana ito pero agad kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa braso nya dahilan para matigilan sya at mapatingin sakin. Agad akong umiling para sabihin sakanya na wag na silang patulan at ako na lang ang bahala. Huminga naman sya ng malalim para kumalma. Unti unti namang bumalik sa normal ang pagkakapula ng tenga nya.. agad naman akong napahinga ng malalim, i'm so relieve na nakikinig sya sakin.

"O pinapaamo ng baboy ang kawayan.. hahahha" agad ko namang binitawan ang pagkakahawak ko sa braso ni Mae at dahan dahang hinarap ang tatlong kolokoy... Hinawakan naman ako ni Amy at nagtatanong kung anong gagawin ko. Tinaas ko lang ang kamay ko at ngumiti assuring him na wag siyang mag alala.. nagets nya naman siguro iyon ay dahan dahan nya na ring binitawan ang braso ko. Agad akong lumapit sa tatlo..

"O mukhang matapang na si baboy... Handa ka na bang katayin?" At nagsitawanan na rin sila.

"Eh ikaw kamusta na ang pustiso mo, wala na bang pwedeng kumasya sa bunganga mo at hindi kumapit ng maayos ang pustiso mo?" Matapang kong sabi..

"Abat sumasagot sagot ka na ha? Gusto nya sigurong masampolan eh no?" Alm ko ang kasunod nyan kaya inunahan ko na sya, naramdaman ko ang awra ng dean na malapit lang kaya mas mabuting mauna na.. napasinghap naman ang iba at ang iba ay hindi makapaniwala sa ginawa ko. Kahit si Mae at Rad ay hindi makapaniwala habang si Amy naman ay napangisi nalang.

"Pucha! Masakit yun ah" sabi ni LA habang hawak nya ang kaliwang pisngi nya. Sinampal ko kasi sya ng pagkalakas lakas. "Humanda ka! Boys hawakan nyo sya." At agad akong hinawakan ng dalawa sa magkabilang braso.. i can see in my peripheral vision na susugudin n sana ni Mae ang tatlo pero agad syang pinigilan ni Amy na patuloy pa ring nakatingin saming tatlo..

Susuntukin na sana ako ni LA at hinfi naman ako makapalag kasi hawak ako ng dalawa..

"Magdasal ka na.." at agad na nghanda upang upaka ako na ikinapapikit ko naman.. pero ilang segundo pa ay hindi ko naramdaman ang masakit na kung ano sa mukha instead ay may mainit na kung ano akong naramdaman na yumakap sakin ko kaya agad akong napamulat at naggulat ako nang makita ko kung anong nangyayari. Hawak hawak ni Amy ang kamay ni LA, habang si Mika naman ay katapat ko ngayon at kitang kita ko ang pag aalala sa kanyang mga mata, nakita ko naman si Mae sa gilid na nakatingin sakin na nakapokerface lang at maya maya din ay bigla syang tumalikod at umalis,

"Okay ka lang ba babe?" Si Mika...

"A-ayos lang ako, hindi naman ako nasaktan..."

"Mabuti naman. Masyado akong nag aalala sayo eh. Sigurado ka bang okay ka lang? May ginawa pa ba si Revilla sayo?" Napailing naman ako. Napahinga nalang sya ng malalim.. at tumingin sa tatlo..

"Anong nangyayari dito? Care to tell me Ms. Reyes?" Tanong ng dean

"Ma'am, Revilla together with his two gang bullied Ms. De Jesus at balak nila itong saktan in the middle of the ooen field. It is a violation according to the school rule and also on the law of our country."

"Is that true Ms. Ahomiro?"

"Yes Mam sila po talaga yung nauna."

"Pedo ma'am yang baboy na yan ang naunang nanakit." Angal ni LA

"No more excuses... Kayong tatlo, sumunod kayo sakin. And Ms. Reyes try to have a report about this."

"Will do mam.."

"Come on boys." sabi ng dean at nauna na itong umalis, kasunod ang tatlo na masama ang tingin sakin..

"Sigurado ka bang okay ka lang?" Tanong ulit ni Mika..

"Im okay.."

"Okay.. call me if you need anything.. gagawa muna ako ng report about this." She said and she kiss me on my forehead.

"Ahem... Miss Reyes, i think you need to go.." sabi ni Amy at tinuro ang direksyon kung nasaan sila Ara at Kim..

"Sige.. i need to go babe.. bye" sabi nito at umalis na ito..

"I think kelangan mong puntahan ang isa"

"Huh?"
Nagkibit balikat nalang sya at inginuso ang direksyon kung saan sya pumunta.. haays. Ano nanaman bang problem ng isang to??

An: ito na po ang update kay Ella.. next tym na po ang part two. Dedicated to verver21... Hope you like it..

Dream Class (Ale fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon