Gretchen's POV
"Yes Dad, ginagawa ko na po ang lahat to find her, in no time po ay mahahanap na rin po natin sya. But in the mean time po ay kelangan po nating maging handa sa magiging kalalabasan ng imbestigasyon.... Okay Dad, I'll update everything to you... bye." I ended the call and sat down at my favorite spot here in this school.
Haayss, kelan ka pa ba magpapakita samin Amarie? Kelan ka pa ba namin makakasama ni Dad, sabik na kaming makita ka Amarie. Kahit hindi mo ako matanggap bilang kapatid mo, ay hindi ako susuko. I will always be here for you, magpakita ka lang sakin and we will shower you the love you deserve na napagkait namin sayo noon. Babawi kami ni dad sayo sa mga panahon na nawala si Mommy sayo, sana nga lang ay mapatawad mo pa kami.
Bago ko pa man maipikit ang singkit kong mga mata ay bigla ko syang nakita. Shet! Bakit sya nandito? She's walking towards my direction. Bakit ang bilis ng pagpintig ng puso ko? Bakit ang ganda nya pa rin sa paningin ko? Bakit parang hindi man lang nabawasan ang nararamdaman ko sakanya kahit na sinaktan nya lang ako? Agad kong iniwas ang tingin ko sakanya at tumayo na. Kelangan kong umalis bago pa man nya ako maabutan, pero bakit parang yung katawan ko ay ayaw kumilos? Tatakbo na sana ako nang bigla nya akong tawagin na nagpabilis ng pagpintig ng puso ko.
"Gretchen...." Napatigil ako at tiningnan sya na may pagkairita. Magkaiba ang sinisigaw ng puso ko at ng isip ko. Pero gusto kong sundin ngayon ang isip ko. Dahil iyon ang tama.
"What?"
"Ahmm, gusto ko sana itong ibigay sayo. " sabi nya sabay bigay ng paborito ko na nilluluto nyang prawns. But since that day ay hindi na ako muli pang sumubok na kainin yan, dahil alam kong hindi na ito katulad ng dati. Hindi na iyon yung nakasanayan ko. Hindi ako kumakain ng prawns na hindi sya ang nagluluto, dahil.... Tsss.... Bakit ko pa ba iniisip yung nakaraan namin? Tapos na kami at sinaktan nya ako. Dapat ay kalimutan ko na sya. Ang kung anumang meron sya na naggustuhan ko sakanya.
"Thanks but no thanks...." Sabi ko at tumalikod na.
"Pero pinagluto pa naman kita. Favorite mo to di ba?"
"Bakit? Sinabi ko ba na ipagluto mo ako? Di ba hindi naman? Maraming pwedeng mangyari sa loob ng 6 na buwan. Nawalan ka nga ng gana sa pagmamahal sakin di ba? Panu pa kung sa pagkain?" napayuko naman sya sa sinabi ko. "Para saan naman ba yan? Ano susuhulan mo ako ng pagkain para patawarin kita?"
"Gusto ko lang namang magpasalamat sa ginawa mong pagligtas sakin sa mga rapist na yun. K-kung hindi dahil sayo....."
"Hindi ko ginawa ang bagay na yun dahil sa mahal pa rin kita kundi dahil alam kong kelangan mo ng tulong. At ayoko lang na maging guilty kung hindi kita tinulungan."
"Pero salamat pa rin. At..."
"At ano? Gusto mong humingi ng tawad? Tss, para malaman mo wala ng kapatawaran yung ginawa mo Fille."
"Alam kong nasaktan kita Gretch, pero...."
"Pero ano? Nagkamali ka lang? Nagguluhan ka? At ngayon na narealize mo na mali ka ay gusto mong bumalik ? Gusto mo ulit guluhin ang buhay na meron ako. Fille maayos naman ako noon pero dahil sa ginawa mo kaya ako nasira at naging ganito. Ano pa ba ang gusto mo sakin? Ano pa ba ang gusto mong patunayan ha? Napapagod na din ako Fille. Napapagod na akong masaktan ng dahil sayo..."
"Alam kong nasaktan kita pero Gretch, nasasaktan din ako sa naging desisyon ko. Araw-araw ay nagsisisi ako nung araw na iniwan kita. Nung araw na sinaktan kita at nung araw na nakita kitang umiyak ng dahil sakin."
"Bakit mo nga ba ako iniwan noon ha Fille?" cold kong tanong sakanya.
"Bakit mo nga ba ako iniwan noon? Yun ang tanong na hanggang ngayon ay umiikot sa isipan ko. Ang tanong na hindi ko parin mahanap ang kasagutan. Why Fille? Why did you leave me? At bakit ngayon ay gusto mong bumalik sa buhay ko pagkatapos ng ginawa mo sakin noon? Para saan Fille? Para gawin ulit akong tanga? Para sirain ulit ang buhay ko? Ano? Para patunayan na nagpapakatanga ako sayo? Kung yun lang naman, please lang Fille, wag na lang.... itigil mo na." I said at tumalikod na. Dahil baka mamaya nyan ay hindi ko mapigillan ang sarili ko at hilahin sya palapit sakin at magpakatanga nanaman sakanya.
BINABASA MO ANG
Dream Class (Ale fanfiction)
Fanficmakaya kaya ni Ella na gawan ng paraan na tulungan ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga problema sa loob lang ng 4 months mission with God. Katulong ang kanilang mga kaibigan nya... ano kayang magiging kalalabasan ng kanyang mission? Makakabali...